"Gaya po ng sinabi namin kanina, opo magkakilala nga po kami ni Prinsipe Kairo, mukhang hindi naman na po namin kailangan na itago pa 'yon. And also, gusto ko lang po na linawin, magkaibigan lang po kami. Kahit paulit- ulit ko pa po na sabihin sa in'yo 'yang gasgas na linyang 'yan, alam ko po na mayroon pa rin namang mga fans na hindi 'yan papansinin. At sa totoo lang po, bahala na po kayo d'yan, basta po sana masaya kayong lahat," napasabay sa pag tawa ni Aliyah ang lahat ng mga reporter na tutok na tutok sa kan'ya.
Ngayon ay pinapalibutan siya ng mga taong nakakonekta na sa camera. Hindi tumitigil ang pagkuha ng larawan at mga video sa kan'ya. Sa sobrang excited ng lahat na mauna sa balita, parang sila na mismo ang gumawa ng sarili nilang press conference para makapag kuwento itong dalaga. The reporters from different stations and magazines themselves had set up the front of the hospital with huge spotlights. Alam kasi nila na hindi sila papaasahin lang ni Aliyah. No'ng sinabi niya na sagot niya ang mga ito pagkatapos ng event, alam na nila ang kailangan nilang gawin. When Aliyah went inside the hospital to check on Prince Kairo, mabilis sila na nag set up sa labas. At nang mapansin na ni Aliyah na mukhang handang- handa na sila, pinili niya na mauna na muna na puntahan ang mga taong nag hihintay sa mga kasagutan niya bago sumama sa paglilibot ng ospital. She want to let these people get what they need, para naman kung gusto na nilang umuwi ay magawa na nila kaagad. Dahil na rin alam niyang pagod na ang mga ito.
"Paano kayo nagkakilala ni Prinsipe Kairo?" tanong ng isang lalaki na natatabunan na sa crowd. Hindi na rin siya mahanap ni Aliyah dahil nasisilaw siya sa mga ilaw na nasa harapan. Pero magalang pa rin itong sumagot.
"Ah sa totoo lang po, hindi ko na rin masyadong alam kung paano ba," natatawa niyang sabi. "Pero parang sa isang private event po yata 'yon. Invited ang father ko, alam niyo naman po na may mga projects po ang palasyo na kung minsan ay partnered sa mga businessman, and my father was one of them. Siyempre siguro sumama lang ako ng time na 'yon para makikain, kaya lang kaming dalawa lang ni Prinsipe Kairo ang medyo magka- edad. Doon po nagsimula, naging magkaibigan kami. Tapos po pati na rin 'yong mga kasama ko kanina, siguro po namukhaan niyo na sila kung napanood niyo ang music video ng Wishes, naging magkakaibigan po kaming lahat noon."
That was a total lie. It's amazing how Aliyah's brain quickly whipped out a lie that was believable enough to be real. Kahit na totoo nga na nagkakilala sila ngayon ni Prince Kairo dahil isinama siya ng tatay niya sa palasyo, hindi niya inungkat ang pagkikita nila sa Zoraya noong nag aaral pa lamang silang dalawa at ang pangalan pa na ginagamit ng lalaki ay Hiro.
"Sino naman 'yong iba nin'yo na kaibigan? Were they also guests at the party?" tanong nitong isa na nasa may bandang gilid niya.
"Ah," this is a bit tricky. Hindi niya alam kung papaano niya sasabihin ang buong kuwento nang hindi nabubuking. "Bale mayroon po akong kaibigan and assistant, si Dan po," sabi niya. "And then nakilala po namin 'tong iba pa sa palasyo. Alam niyo po ba na 'yong music video po ng Wishes ay kinunan po lahat sa may garden ng palasyo? Sobrang simple lang po talaga ng lahat ng ginawa namin para roon, and hindi ko po in- expect na ang dami po talaga ng nagandahan at natuwa rito. Isang araw lang po namin kinunan ang lahat ng 'yan. Pinakamabilis na 'yan sa lahat ng shoot ko sa kahit na anong MV."
Napahinga nang maluwag si Aliyah nang marinig niya na nalayo na sa usapan ang tunkol kina Dusk, Dawn at Ira dahil hindi niya alam kung papaano niya sasabihin na nagtatrabaho ang lahat ng mga ito sa palasyo at kaswal lang na ngayon ay sinusundan na siya ng mga ito sa kahit saan mang lugar sila naroon.
"Sa future ba may balak pa rin kayo ng Prinsipe na gumawa ng kahit na anong project together?" may halong kilig pa kung mag tanong itong isang babae sa harapan ni Aliyah kaya naman bahagya siyang natawa.
"Ate ha, bakit parang kinikilig ka do'n?" biro pa nito. "Ah opo sa tingin ko po makikita niyo pa po siya sa mga ilalabas ko na video. Kasi po 'di ba nag announce na rin naman po ako na mayroong lalabas na vlogs every week from me. At promise ko po sa in'yo, doon niyo rin po kami mas makikilala. Excited po ako na ipakita rin sa mga taga hanga ko kung papaano po ang buhay ko sa tuwing nagpapahinga lang po ako at malayo sa entablado. I think that would be interesting for them to see. Abangan niyo po sana 'yon!"
Aliyah continued to entertain a couple more questions until she heard her name being called by Ira from the back.
"Aliyah!" she yelled. And then continued to walk towards her. "Pasensya na po sa in'yong lahat," sabi niya sa mga tao mula sa media. "Aliyah sorry ha? Naputol ko ang interview mo, kaya lang mayroon kasing mga bata na nasa loob na gustong- gusto kang makita. They kept on begging the Prince just to call for you. Nahihirapan na si Prinsipe Kairo na lahat nalang sinasabihan niyang malapit ka na pumasok, naaawa rin siya. Can you come and surprise the kids?" bulong nito. "Alam niya rin kasi na may interview ka rito, pero nakaka- awa na rin 'yong mga bata.. Mayroon kasing mga kailangan na rin umuwi at may mga ma- a-admit."
"Nako don't worry, papasok na ako. Patapos na rin naman kami 'di to. Sabihin mo sandali lang, ha?" Aliyah whispered.
She turned to see how the media people are staring at her as if she did something so honorable. Para siyang nakapagligtas ng isang school bus na patalon na sa bangin kung titigan siya ng mga ito.
"Sorry po, mayroon pa po ba kayong mga tanong? Kasi po papasok na po sana ako sa loob, hinahanap daw po ako ng mga bata. Kakausapin ko po muna sana sila, alam niyo na, baka sakaling makapagpalakas ng loob nila."
"Thank you so much for giving us your time, Aliyah."
"Oh no, thank you po," sagot ng artista. "Salamat po kasi matutulungan niyo po talaga kami na maipakalat sa lahat na puwedeng pumunta rito ang mga bata na may sakit at hindi kayang magpagamot. Makakatulong po ito sa mga magulang na hindi na alam ang gagawin. Salamat po kasi kayo po ang magiging daan para maging successful itong proyekto ni Prinsipe Kairo. Kung may makarinig ng patungkol dito mula sa mga article nin'yo, nakatulong po kayo sa mga bata!" she cheerfully said.
Patalikod na sana si Aliyah nang may biglaan siyang maalala, "Ay! May may sasabihin pa po pala ako," kuha niya ng atensyon ng lahat. "Please po kung may picture man po ako na gusto niyong ilabas, pakipili naman po 'yong hindi ako naka nganga, ha? Pakilagyan na rin po ng filters para naman po hindi ako mukhang bruha, thank you po!" iniwanan niya ang lupon ng mga media personnel nang nagtatawanan. Talagang maging sa kanila ay nakikipag biruan at kulitan din itong tinitingalang idol. Kung minsan ay hindi na rin makapaniwala ang iba kung gaano kabait si Aliyah. Kaya naman hindi na nakakagulat na napakarami niyang tagahanga at walang kahit na isang masamang komento patungkol sa kan'ya ang makikita online.
"Aliyah, halika na, dito!" napalingon siya sa kinaroroonan nila Dusk at Dawn na siyang nag aabang sa kan'ya. Mayroon na kaagad mga nurse at mga doctor ang ospital. Talagang handa na sila sa kahit na ano pa mang kailangan nilang gawin ngayon kahit pa kakabukas pa lamang nila. Kinawayan niya ang ilang mga staff na nakita niyang napalingon sa kan'ya sa may lobby. Kaya pala umaakto nang hindi normal ang mga body guards niya ay dahil kahit na nasa loob na sila ng ospital, nakatutok pa rin ang mga phone ng mga nagtatrabaho rito sa loob sa kanila.
"Hi po, good luck po sa work niyo. 'Wag po kayong masyadong ma-stress sana, tsaka sana po healthy kayong lahat habang tumutulong sa iba," she greeted them, even the janitor that appeared from the storage room on the side was shocked to see her as soon as he walked out. "Hello po! Mag ingat po kayo lagi," paalala niya naman dito.
Nagtungo na ang tatlo sa may second floor kung saan sila hinihintay ng mga bata at ng Prinsipe. Nang makita ni Aliyaha ang kumpol ng mga tao sa labas ng isang ward, alam na niya na naroon si Prince Kairo.
"Kumusta? Ano na ang nangyayari?" bulong niya nang makalapit siya sa prinsipe na nakatingin lang sa pintuan habang kinukuhanan siya ng pictures ng mga tao. Nilingon siya ni Prince Kairo. At isang segundo lang niyang natitigan ang kan'yang mga mata ay gusto na kaagad siyang yakapin ni Aliyah. "What's wrong?" she softly asked. Kitang- kita niya na puno ng pagaalala ang mga mata niya.
"Liyah, I don't know how to deal with kids," he whispered. "Hindi ko alam kung paano ko sila matutulungan na maibsan man lang nang kahit kaunti ang nararamdaman nila. They look so sad, nanghihina sila. Hindi ko alam kung paano ko sila kakausapin. Kanina nga tinatanong lang nila ako kung nasaan ka, pero hindi ko sila mapakalma na pupunta ka naman talaga. Bigla kasi kanina na hinahanap ka nila, tapos may isang bata doon, cancer patient. Gusto ka lang daw niyang makita sabi ng mother niya. She started crying when I told her that you'd come later. Akala niya nagsisinungaling lang ako."
Aliyah softly tapped his back to calm him down, "Don't worry, hindi mo naman kailangan na malungkot dahil d'yan. Nandito naman na ako, tara puntahan natin sila," sabi pa nito.
Hawak- hawak ni Aliyah ang braso ni Kairo ngunit nang hinahatak na niya ito, hindi umusad sa kinatatayuan niya ang lalaki.
"Why?" she asked.
Prince Kairo sighed, "May isang bata rin na nakakita sa akin kanina, mukhang natakot siya. I don't think I should enter the ward again. I fear that I make them stressed. Baka hindi makabuti sa mga bata. Nandoon sa loob sina Dan at Ira, tinutulungan na mag ayos 'yong ibang mga nanay."
"Sira," bulong sa kan'ya ni Aliyah. "I know how you adore kids, 'wag kang matakot. Sa simula talaga matatakot o mahihiya sila sa'yo. Pero kaunting kausap mo lang sa kanila, siguradong matutuwa na 'yang mga 'yan. Tara na?"
Nagpatangay na lang din si Prinsipe Kairo sa babae nang hatakin siya nito papasok sa malaking public ward kung saan nakahiga ang mga bata at nagpapahinga habang inaayos ng mga magulang nila kung ano ang mga kailangan para matuloy na silang ma- admit sa kan'ya- kan'ya nilang mga kuwarto.
"Aliyah Grace?" nagsilingon ang mga bata nang marinig nilang tawagin ng batang nakaposisyon malapit sa pintuan ang artista. Aliyah waved at them and they all started cheering. Kahit na ang ilan ay medyo nahihirapan pa at nakatali sa swero, hindi nila napigilan ang saya. They were all excited to spend time with their idol.
"Hello!" Aliyah waved at the kids. Binitawan niya si Prince Kairo sa tabi niya at nginitian nito pati ang mga nurse na mayroon pang inaalalayan na bata sa may bandang dulo ng kuwarto. "Kumusta naman? Okay lang ba kayo rito? Sandali na lang at babalik din ang parents niyo para makapunta na kayo sa sarili niyo na room. Kapag nagkakakita- kita kayong lahat dito sa ospital dapat maging nice kayo ha?" Masaya siyang pinapakinggan ng lahat habang binibilinan niya ang mga ito. "Maging friends kayo ha? 'Wag kayong mag aaway- away at magpagaling kayo kaagad."
Nagsimula na siyang mag lakad para isa- isang lapitan ang mga bata. Hindi na niya kailangan na hintayin ang mga hiling ng bawat isa. Nakikita pa lang niya na mayroong papel na hawak ang mga bata, alam na niyang gusto nila ng autograph niya. There were even phones beside them, she was nice enough to take the photo herself.
"Ako na," sabi ni Prinsipe Kairo at kinuha nito ang phone para siya ang kumuha ng mga larawan ni Aliyah at ng mga pasyente. Pagkatapos niyang makausap ang batang 'yon, lumipat siya sa kama na katabi nito. Ngunit napansin niya na hindi lumapit si Kairo.
The little girl also hid herself and only peaked under her blanket when Aliyah was closer.
"Totoo po ba siya na prince?" a little girl asked Aliyah as she got closer to her. She looked like she's around six or seven years old.
"Yes, baby girl," Aliyah comb the girl's soft hair with her fingers. "Siya si Prince Kairo."
"Nice po ba s'ya? Baka po magalit po siya sa akin kasi po lagi ko po sinasabi sa mga friends ko po na princess ako, pero fake lang naman po. Baka po magalit siya kasi po nag lie ako."
Aliyah chuckled, "Oo naman! Hindi siya magagalit. Friends kami ni Prince Kairo, kaya naman sure na sure si ate Aliyah na nice siya. "'Wag kang matatakot sa kan'ya, okay?" she said.
The prince gave them a faint smile and the little girl smiled back.
"Hi po kuya prince!" sigaw nito habang kumakaway. "Nice ka raw po, sabi ni ate Aliyah. Friends din na po tayo, puwede po ba?" sabi niya pa.
The prince confidently walked near the bed and shook the little girl's hand, "Sure, friends na rin tayo," sabi nito. "Anong name mo?"
"Miya po," the little girl said. "Nandito po ako kasi sabi sa akin ni mama mayroon daw po akong lumememia."
"May ano?" bulong na tanong ni Aliyah kay Prince Kairo.
Buong saya at nakangiting inulit ng bata ang salita, "Lumememia po!"
The prince then sadly whispered, "Leukemia."
Napahinto si Aliyah, para siyang nakaramdam ng malamig na tubig na ibinuhos sa kan'ya.
"Miya, promise mo kay ate Aliyah at kay kuya Prince na magpapagaling ka, okay?"
Tumango kaagad si Miya, itinaas niya rin ang dalawa nitong mga kamay para simulan ang pinky promise sa kanilang dalawa. Sabay rin na sinunod ng dalawang nakakatanda ang gusto ng bata.
"You are such a brave girl," the prince said. "You are a real princess. Remember that, okay?"