"Ang daming tao. Sa tingin mo ba kaya ng mga guards dito ang dami ng reporters? Baka hindi nila kayanin ang bugso nitong mga kating- kati na para sa scoop," Dan said while looking through the window of the van parked directly in front of the hospital's main gate.
Hindi pa nga napuputol ang pulang ribbon na nakabalot sa main entrance, parang handa na silang umalis dahil sa sobrang stress na natatanggap niya ngayon. Stressed na stressed kasi ang dalaga dahil alam niya na sa puntong tumapak sa labas nitong van ang alaga niya, sila naman ang dudumugin. Mabuti nalang nga at kahit papaano, itong mga reporter sa labas ay ginagalang pa rin ang opening ng hospital, hindi pa nila pinutol ang tali para makaabot sa kinalalagyan ni Prinsipe Kairo. Nagtago kasi ito sa may loob ng lobby.
"I think they will let the even finish, at least," Aliyah stated. She pulled out the tiny rubber band that was tied at the end of her braids and let her hair loose. Inayos din niya ang sarili niyang lipstick bago tumayo upang suriin ang suot niya na simpleng white long sleeves turtle neck at fitted high waisted jeans. Sobrang simple lang ng ayos niya, binagayan niya lang ng puting rubber shoes at cute na black sling bag ang lahat at handa na siya sa magiging gulo na sila ang sentro.
"Gagi ka, Aliyah. Sure ka ba na lalabas ka na ngayon pa lang?" tanong ni Dan.
Aliyah laughed, "Anong ako? Sira, lahat tayo lalabas! At 'wag na 'wag niyo akong tatawagin na Lady Aliyah doon, okay?" lumingon ang artista kay Ira pati na rin kina Dusk at Dawn na parang batang masunurin naman kung tumango. "Mag handa na kayo, we will show up at the event na parang wala lang. Act normal, support lang natin ang kaibigan natin, okay? Hindi natin kailangan na umaktong parang may itinatago tayo kasi lalo tayong mababaon sa issues. Mas maganda kung mag mukha tayong walang pakialam at dapat ipakita natin na lahat tayo ay nakakausap nang walang takot ang Prinsipe ng bansa. Naiintindihan niyo ba?"
Mabilis na nagbago ang ihip ng hangin. Biglaan nalang na hindi na makatingin nang diretso sa kan'ya sina Dusk at Dawn. Si Ira naman ay bigla nalang nag bilang ng tissue na nasa gilid ng maliit na lamesa sa loob ng RV. Tapos si Dan naman, biglaan nalang nag panggap na mahimbing na natutulog.
"Seryoso ba kayong lahat? Hindi niyo man lang kami tutulungan?" sabi ni Aliyah. "Alam niyo naman kung ano ang mangyayari sa amin kapag nakita ng buong mundo na kami lang ang palagay ang loob sa isa't- isa? Hindi man lang kami mabibigyan ng chance na maipakita kung ano talaga ang gusto namin na- hay, basta, magiging masama ang tingin ng lahat kapag ang buong balita na lalabas ay may relasyon na kami kaagad!"
"Naiintindihan ko," Dawn said. "Magiging barumbado ako sa Prinsipe para sa relasyon nin'yo," sabi niya habang naka saludo pa sa magiging prinsesa.
Dusk did the same thing, "Kung kailangan ko siyang batukan, gagawin ko. Paalala ko lang na nagtitinda ng mga palamuting gawa sa kabibe ang nanay ko sa labas ng kaharian, baka puwedeng tulungan niyo siya kapag nawala na ako."
"Tange, walang mangyayari sa in'yo, ako na ang bahala," Aliyah winked at them and then she proudly walked over at the door. "Tara na guys," she said.
Pagbukas ni Dusk ng pintuan para sa kan'ya, biglang nalipat ang buong atensyon ng mga tao mula sa harapan, patungo kay Aliyah na naglalakad sa gitna ng maliit na bilog na binuo ng mga kaibigan niya. Walang kahit na isang makakalapit sa kan'ya nang hindi dumadaan sa mga ito. Parang masayahing bata naman ang dalaga habang kumakaway sa mga tao. She gave them her signature bright smile, as they headed over to the front of the hospital where there are plastic chairs for the guests and for the children and parents that are invited.
Nagningning ang mga mata ng isang bata na kalbo nang makita ang dyosa na dumaan sa harapan niya. Kahit na tila ba hinang- hina na ito, pinilit niya pa rin na kawayan ang dalaga. Aliyah heard him call her name and it made her stop midway.
"Hi!" bati niya sa bata. "Okay ka lang ba? Naiinitan ka ba?" tanong nito sa bata.
"Okay lang po ako," sagot ng bata.
The mother of the child said, "Miss Aliyah Grace, talagang mayroon lang po siyang nararamdaman kaya medyo hindi masyadong makakilos. Natatakot lang din po nang kaunti dahil sa rami ng tao na nasa may likuran."
There were a lot of flashes from the media's cameras and the kid tried to cover his eyes to avoid them. Nakita ni Aliyah na hindi ito gusto ng bata kaya naman hinawi niya sina Dawn at Ira na nasa likuran niya upang makaharap ang mga paparazzi. She covered her lips with her index finger trying to tell them to be quiet.
Nangilabot si Ira nang mapansin niyang pinapakinggan ng mga ito ang kagustuhan ni Aliya. Bigla nalang na tumahimik ang buong madla.
"Hello po," bati niya sa mga tao. The people kept on taking her photos. "Gusto ko lang po sana na maki-usap sa in'yong lahat. Mayroon po kasi tayong event ngayon para sa opening nitong hospital. Gusto ko lang po sana na humiling na kung puwede po sana, during the event, huwag po nating guluhin? Kasi po alam ko naman ang ipinunta niyo rito, 'wag po kayong mag- alala, sagot ko po kayo pagkatapos," nakangiti niyang sabi. "Tsaka po sana kung puwedeng 'wag po muna tayong gumamit ng flash kung malapit po rito sa mga bata na nasa may harapan, kasi po mga bata po ito na may mga sakit na. Ayaw ko na po sannag dagdagan pa ang pagod nila. Please po sana," she begged and bowed down to the people.
Pag angat niya ng tingin sa kumpol ng mga tao, halos mapanganga siya dahil hindi niya inakala na uubra ang binabalak niya. Imbis na ang ingay na bumibingi sa kan'ya at mga ilaw na halos bumulag sa mga mata niya, nakikita niya ang mga kamay nitong mga reporters. They all quietly gave her a thumbs up and a warm smile. Talagang iba ang nagagawa ni Aliyah sa mga tao. Walang makakahindi sa katulad niya na mala anghel kung makipag halubilo sa iba. Walang kahit na isang nainis dahil sa pakiusap niya. Alam din naman kasi nila na kung may sinabi si Aliyah at ipinangako, tutuparin niya naman. And her requests were valid. Hindi rin kasi kaagad na nalaman ng mga tao mula sa media na ang mga bata pala na naroon ay ang mga unang magiging pasyente. They all became extremely respectful.
Habang naglalakad papunta sa harapan ang grupo kung saan may mga bakanteng upuan para sa kanila, kitang- kita ng lahat ang tingin ng mga magulang kay Aliyah. They all look at her with so much admiration and respect. Siguro ay sobrang laki ng pasasalamat nila na pinaki-usapan ni Aliyah ang mga tao para na rin sa mga anak nila na nahihirapan. Kung maaari lang nilang paulanan ng pasasalamat ang babae, talagang ginawa na nila. Kaya lang ay biglaan na lumabas ang isang pari para simulan ang magiging blessing.
The speed of camera shutters doubled when the prince walked out in his white and black royal attire. He looked dashing, almost blinding. Muntikan na mapanganga si Aliyah dahil ngayon lang niya nakita sa personal ang lalaki na mag suot ng ganito. Sa palasyo kasi ay puro normal na suit and tie lang ang pormahan niya. Kaya lang naalala ni Aliyah na maraming mga mata ang nakatutok sa kan'ya ngayon. So, she sat there in silence, listening to what the priest is saying and sometimes waving to kids that are being caught staring at her in awe. She can feel her heart getting full by how their smiles widen when they get noticed.
Habang nakaupo sa may harapan nila ang Prinsipe, hindi napapansin ng idol na nakatingin pala ito sa gawi niya. But the Prince almost lost it when he realized that as Aliyah is waving at cute little kids, Dusk and Dawn at waving at him. Noong una ay naguguluhan pa si Prince Kairo kung ano ang nangyayari, pero tinanguan niya lang ang mga ito habang pinapanatili ang seryoso niyang mukha. Kaya lang nakita niya sina Dan at Ira na kumakaway rin sa kabilang banda ni Aliyah. They even gave him finger hearts while giggling. He turned his head to slightly show them his confusion but the four just followed how he tilted his head and then proceeded to all give him heart signs.
"Tange, anong ginagawa nin'yo?" bulong ni Aliyah nang mapansin na niya ang mga kasamahan niya na pinapaulanan ng puso ang Prinsipe.
"Ang sabi mo makipag bardagulan kami sa Prinsipe?" Dawn asked. "Oh, ito na kaagad. Ewan ko nalang kung may makapag sabi pa nang iba d'yan," sabi niya sabay bigay ng flying kiss sa Prinsipe.
Aliyah gasped and slowly turned to look at the Prince. Kairo tried so hard to keep it in. Habang nakakarinig siya ng seryosong sinasabi ng Pari, hindi niya naiwasan na mapayuko nang kaunti sabay pigil sa kan'yang tawa. Natawa rin ang grupo ni Aliyah nang makita nila na hindi kinaya ng Prinsipe nila ang kabaliwan nila ngayon. Aliyah covered her mouth while laughing and hitting Dawn's arm.
Hanggang sa umabot na sa punto na si Prinsipe Kairo na ang pinaanyayahan nila upang mag salita, kung anu- anong kalokohan pa rin ang ginagawa ng lima sa ibaba. Pati si Aliyah ay nakikisali na rin sa mga kag*guhan nila at nakikitaas baba ito ng kilay kasabay ng iba pa.
"This new hospital is for the children that are in need," the Prince's voice sounded too powerful. Biglaan nalang na napatulala ang lahat. Maging ang mga kaibigan niya ay biglaan na naging seryoso. "Hindi ko na po kailangan na magsabi ng kung anu- ano man na patungkol sa akin o sa palasyo, dahil ito lang po ang gusto ko sana na maging focus natin."
Tila ba pinaparinggan niya ang ilan sa mga tao sa media na narito lang para sa chismis.
"Gusto ko po sana na matulungan niyo po ako na maipaalam sa buong Aztariya," tinuon ng lalaki ang pansin sa mga may hawak ng camera. "Please po, tulungan niyo po ako na maipalaganap ang tungkol sa libreng hospital na para sa mga bata rito. Hindi ko na po kailangan na mabanggit, wala na po akong pakialam, gusto ko lang po na malaman ng lahat. Gusto ko po na makarating sa lahat, lalo na sa mga walang kakayahan na manood nito sa mga t.v. o makibalita online, please po," that's all he said. And then he bowed down and paid respect to everyone else.
Pag angat ng tingin ni Prince Kairo, he almost choked on his own spit. For the first time ever, he witnessed a crowed bow down to him willingly, with respect. He looked at Aliyah who's also in awe. But as he was too stunned to make the next move, the woman gave him the warmest smile and used her fingers to signal a scissor.
The even went well. Hindi man nila inaasahan na magiging ganoon kalaki ang response ng media, natutuwa naman si Prinsipe Kairo na maayos ang lahat. Walang nagkagulo o nasaktan, nakapasok na rin ang mga bata sa ospital at nililibot ng ilang mga bisita ang loob nito. Aliyah and the others also went in the lobby to greet Prince Kairo.
"You did that, huh?" sabi ni Prince Kairo kay Aliyah. "That was so different."
"You did that," sabi sa kan'ya ni Dan at biglaan nitong inangat ang palad niya. "Apiran niyo po ako, Prince. Please po, magmumukha akong tanga," mahina niya pang bulong para sila alng ang makakarinig.
Naguguluhan man, sinunod ni Kairo ang paki- usap nito at masaya ang lahat na nagtawanan.
"Prince Kairo, pinaki-usapan ko lang ang media na maging kalmado. Pero sa tingin ko, nagustuhan lang nila na wala kang ka- arte- arte at hindi mo sinubukan na patagalin ang lahat para lang ipamukha sa mga tao na ikaw ang nagpakahirap para sa lahat ng ito. You can use this, you know? Kung sabihin mo sa kanila na kaya nagkaroon nito dahil pinilit mo sa council. Na may sarili kang investment para lang mas mabilis na maipatayo ang buong ospital na ito. Tapos wala ka namang kikitain pabalik dahil libre lang 'to. I bet they were all touched by that."
"I don't think they needed to know that," the Prince said. "Mas kailangan ko na makaabot sa mga pinaka- mahihirap na may pag-asa pa sila rito. And the amount of media coverage for today, sa tingin ko ikaw ang kailangan kong pasalamatan."
"I just helped," she answered. "But you did it all."
"Nakita niyo ba kanina?" tanong ni Kairo. "For the very first time, it felt like they really respected me."
Dusk nodded, "They did," he said. "Simula palang po ito."
"Bestie, 'wag kang mag alala, sa susunod talagang makikita mo na talaga ang respeto na para sa'yo."
"Bestie?" the Prince asked.
"Ay, sorry po. Hindi ko po kasi maalis ang sarili ko sa character, ang sabi po kasi nitong si madam girl, dapat friends tayong lahat," he said with a pout and the group started laughing together.
"Thank you, Aliyah," sabi ng Prinsipe habang malumanay na tinitignan ang dalaga.
Aliyah looked up and said, "I am proud of you."