"Sigurado na ba? Dito talaga ang opening ng ospital? Bakit wala yatang kahit na anong publicity? Hindi ba ang sabi ni Mang Fernan sa atin ay mayroon naman na silang pinapatawag na mga reporters para mag cover ng buong event? Bakit ang tahimik? Isang oras nalang ang pagitan bago magsimula ang ribbon cutting ng bagong ospital. Nandito na rin ang mga magiging unang- unang sponsored na mga pasyente, hindi man lang nila pinapansin 'to?" hindi makapaniwala si Dan nang makarating ang buong grupo nila sa harapan ng napakalaking ospital. Hindi man ito masyadong nakatago sa isang liblib na kakahuyan. Sa totoo nga n'yan, ilang minuto lang ang kailangan na tahakin kung magmumula man sa siyiudad ang mga bibisita sa ospital.
Sadyang kinailangan lang nilang umalis nang mas maaga ngayong umaga dahil nagmula pa sila sa palasyo. Kailangan pa kasi nila na umalis gamit ang private jet sa tuwing gusto nilang makalabas sa isla kung nasaan ang mismong palasyo. Hindi ito konektado sa iba pang parte ng kanilang bansa by land. Buti na lang din at sa loob ng isla na 'yon, mayrooon na silang sariling mga pamilihan. It's an island with it's very own fancy shopping spot too. Kaya naman kung minsan, ang ibang may kaya, namimili rin doon. Hindi nga lang nila magagawang bisitahin ang loob ng mismong palasyo dahil gated ito at imposibleng mapasok nang walang permisyon.
"Ano pa ba sa tingin mo ang dahilan?" Ira asked. "Siyempre, kahit na ilang ulit pa na sabihin ng palasyo na mayroon silang bubuksan na ganito kagandang establishment kung saan libre ang pagamutan ng mga bata, hindi nila pagtutuunan ng pansin kasi alam nila na si Prinsipe Kairo ang pupunta. Hindi naman kasi nila magagawang magsulat ng tungkol sa kan'ya kung hindi rin maganda ang mga isusulat nila."
"Ang saklap naman no'n," bulong ni Dan. Siniko niya pa ang kaibigan na si Aliyah habang tahimik lang ito na nakaupo at umiinom ng soy drink na hawak- hawak niya. "Pang ilan mo na 'yan girl? Baka naman maging tokwa ka na sa lagay na 'yan?" she joked as she glanced over at the mini fridge of her artista van. Hindi na kasi nagkasya sa maliit na kagamitan ang isang box ng soy drink na pinabili niya kanina habang nagbabyahe sila.
"Lady Aliyah," tawag ni Dusk sa kan'ya. "Paano po ang gagawin natin? Nakatanggap po kami ng balita mula sa mga guard na kasama ni Prince Kairo, delayed daw po ng isang oras ang pagpunta ng Prinsipe rito dahil mukhang hindi na siya makakaalis sa tinutuluyan niyang hotel."
"Ha?" Aliyah peeked to see them sitting at the driver seat. "Bakit naman hindi siya makakaalis? Anong nangyayari roon? May problema ba? Ano ba ang lagay niya ngayon? Hindi siya makalakad? Na aksidente ba siya?" she worriedly asked those questions without even letting the boys get the chance to answer her.
"Lady Aliyah, chill nang kaunti," napapangiting sabi ni Ira.
"Nako po, dinumog daw si Prince Kairo ng mga tsimoso," singit naman ni Dawn na nag papaypay pa sa sarili kahit na nakatutok na sa kan'ya ang aircon sa may harapan. "Mukhang hindi kinaya ng mga demonyong reporter na hindi siya pansinin ngayon kasi sobrang ingay pa ng music video," sabi pa nito.
"Oh my gosh! Totoo ba?" Ira was too excited, napapalakpak pa siya. Dahan- dahan na nagbago ang saya sa kan 'yang mukha nang mas nakapag isip na siya, "Ay! Teka, problema ba 'yon? Negative ba or positive? Baka mamaya hindi naman pala pabor sa atin. Mahirap na ang ma- excite nang maaga, baka mamaya ako pa ang makabiro nang suwerte at umatras pa ang walang hiya."
"Dan, ano ang response ng mga tao kay Prince Kairo ngayon?" napapakagat ng labi si Aliyah dahil kinakabahan din siya sa kung ano ba talaga ang dahilan at kung ano ang balak ng mga tao ngayon kay Prince Kairo. "Hanggang ngayon ba maganda pa rin ang mga sinasabi nila patungkol sa kan'ya? Hindi pa ba siya naba- bash or whatsoever?" Aliyah asked. She pulled out her phone while waiting for her assistant to respond.
"Hay nako, 'wag kang mag alala. Hindi ko nga inasahan na ganito ang makikita ko talaga, i expected something less thatn this. Sobrang ganda teh eh! Pinupuri siya online, mayroon na rin siyang mga supporters, although mostly dahil lang sa guwapo siya, pero counted pa rin na progress 'yon. Sa media naman, siyempre marami na ang nag release ng article na inuungkat kung ano ang relasyon nin'yong dalawa. Hindi naman din kasi nag rerelease ng kahit na anong statement si Emily, kasi nga ang sabi mo sa kan'ya kagabi ay magkaibigan kayong dalawa ni Prince Kairo at mas gugustuhin mo kung kayong dalawa nalang ang magsabi sa mga tao online kung ano ang totoo sa pawang haka- haka lang. Ito pa nga oh-"
"Okay, thank you Dan," pinutol na ni Aliyah ang litanya niya. She typed in a number that later on showed up to be the number written under the name "Hiro" and quickly dialed it.
Wala pang ilang ring ay narinig na niya ang mababang boses ng lalaki, "Liyah," he answered. "Hello?"
"Anong nangyayari d'yan? Okay ka lang ba? Kaya naman ba ng guards mo? Kung gusto mo sunduin ka namin d'yan? Kasama ko silang lahat, baka puwede akong makatulong," sunod- sunod na sabi ng dalaga kahit na hindi niya na halos mahabol ang kan 'yang hininga.
She heard a clear gasp before he asked, "Pumunta kayo?"
"Of course," Aliyah answered. "Hindi naman siguro masama na gusto ka naming suportahan sa project mo, 'di ba? Tutal after naman ng release ng music video, alam na rin ng public na makakilala tayo. At least ipakita natin sa kanila na hindi tayo awkward na nag gagamitan lang, ipakita na talaga natin sa kanila na walang mali, magkaibigan nga tayo. That's the best move right now, right?"
"Sa tingin ko masyadong sumobra ang epekto ng video," he chuckled. "Kaninang madaling araw pa napapalibutan ng mga reporter itong hotel na tinutuluyan ko. Although safe naman ako,hindi sila makakapasok, ang problema, hindi naman ako makalabas. At hindi ko rin alam kung papaano ako makaka- attend sa ribbon cutting nang tama sa oras nito."
"Sa tingin mo ba kaya mo silang harapin? Kaya mo ba na makipag plastikan at sabihin sa kanila na magkaibigan lang tayo?" nag aalangan pa nang kaunti si Aliyah nang tanungin no'n ang Prinsipe. Si Kairo naman ay bigla na natahimik sa kabilang linya.
"You- you want me to tell them that?" he asked.
"That's the most basic and most used answer by celebrities, come on. Hindi naman masama kung 'yon lang ang sasabihin mo. Sa tingin ko hindi sila nagpunta para sa kahit na ano, gusto lang talaga nila na matanong ka kung ano tayong dalawa habang nasa labas ka pa ng palasyo dahil alam nilang hindi sila makakapag tanong kapag bumalik ka na sa loob."
"Paano ko ililipat sa-" bumuntong hininga ang lalaki. "Paano ko malilipat sa pagbubukas ng libreng ospital pang bata ang atensyon nila? Mas gusto ko sana kung mapansin ng mas maraming tao ang tungkol doon. Para naman makita ng mga mamamayan na nangangailangan ang tungkol doon."
Aliyah genuinely smiled, she looked extremely proud at what the Prince just asked her. Panandalian siyang nag isip bago nag sabi na, "I will post something, sigurado na pag uusapan nila kung pareho tayo na nandito."
"Kaya lang-"
"Kaya lang, hindi ka makaalis sa hotel mo," Aliyah finished his sentence. "Kami na ang bahala, sasabihin ko nalang kina Dusk at Dawn ang plano para makasabay 'yang mga guards mo, ha? Pupunta na kami d'yan, malapit lang naman."
"Tayo ang bahala?" bulong ni Dawn mula sa harapan. "Madam first Lady," pabiro niyang tawag kay Aliyah. "May briefing po ba muna?"
Binatukan siya bigla ni Dusk, "'Wag kang maingay, kausap pa niya 'yong si Prince eh. Gusto mo ba maputulan ng balls? Singit ka nang singit d'yan," bulong nito.
Dawn gasped, "Sorry, sorry," he whispered.
Natawa sa likuran si Aliyah. Kakababa lang niya sa tawag, "Pumunta tayo sa hotel," sabi niya sa mga kasama. "Kapag nasa labas na tayo, sadyain natin na magpakita sa mga reporter para dumugin naman tayo, tapos kailangan mailabas na nila si Prince Kairo habang nasa atin pa ang focus nila. Kapag nakalabas na sila, tayo naman ang aalis. Tapos diretso tayo pabalik dito sa ospital."
"Ay bet, ang wise!" Dan commented.
"Bet!" sagot pabalik ni Dawn. "Bilisan mo na Dusk, paliparin mo na- ay g*go, nakalimutan ko na bawal ang speeding. Royal guards nga pala tayo. Bilisan mo na nang hindi lumalampas sa speed limit, go!"
"Parang g*go," the driver commented before staring the short drive.
At the hotel, the unusual sight of reporters dying to see a glimpse of the Prince is seen. Nang sumilip sa bintana si Prinsepe Kairo, hindi niya naiwasan na makaramdam ng kilabot dahil hindi pa niya nakita ang ganito karaming tao na naghihintay para sa kan'ya. Kadalasan na makakakita siya ng mga reporter ay kapag kasama niya lang ang reyna. Kapag ganito na siya lamang, hindi siya madalas na pansinin. Puwera nalang kung mayroon na naman siyang bagong issue.
Pero kakaiba ngayon, alam niya na curious lang ang lahat dahil sa video na walang sawa niyang pinanood nang paulit- ulit kagabi. Hindi na nga niya napansin na nakatulog na pala siya habang naka loop ang video sa phone niya.
"Are you ready, Prince?" tanong sa kan'ya ng isa sa mga guard niya. Tumango lang siya at sumunod na rito sa paglalakad niya palabas sa kuwarto.
When he stepped out of the room, even the staff and guards of the hotel itself is there to protect him. Ngayon lang niya nakata ang mga tao na masayang sinasalubong siya kagaya nito. Kitang- kita niya sa mga mata ng ilang kababaihan na gustong- gusto na nila itong lapitan o 'di kaya naman ay nagpipigil sila ng mga tili. Hindi niya alam kung paano nangyari na nakakakuha na siya ngayon ng mga tingin na tulad nito.
They look so happy to see me, he thought to himself. When the older manager of the hotel smiled at him as he passed by, he felt a little emotional. For the first time ever, he saw his citizens look at him with adoration. Something that he's been dying to have for the past years. Hindi niya inaasahan na sa isang gabi lang ay magbabago na nang ganito kalaki ang lahat.
"They are at the spot," he heard one guy say. At nang lumingon siya sa may labas, nakikita na niyang dinudumog ang pamilyar na van ni Aliyah. Parang walang humpay na sindi ng spotlight ang makikita sa may tinted na salamin ng van. Kasi naman, walang tigil ang flash ng mga camera habang inaabangan nila ang pag labas o pag silip man lang ng idol.
"She must have been so tired already," the prince whispered. "She came all the way here?"
"Yes, Prince," sabi ng isa sa mga bantay. "Ang sabi nila Dusk at Dawn, madaling araw pa lang daw po ay lumilipad na sila para hindi mapansin ng ibang mga nasa kaharian."
He nodded to acknowledge that and continued to follow the people leading him to the secret exit for him to get into his own car.
Sa labas, walang ibang choice si Aliyah kung hindi ang sumilip sa may salamin ng Van.
"Are you and the Prince dating?"
"Ano ang relsyon niyo ni Prince Kairo?"
"Is he your rumored boyfriend?"
"Bakit ka nandito? Sinusundan mo ba si Prince Kairo?"
"Are you two staying at the same hotel?"
"Miss Aliyah! Are you going to be the Princess?"
"Kailan pa po naging kayo?"
Gaya nga ng inaasahan nilang lahat, walang humpay na katanungan patungkol sa kanilang dalawa ng Prinsipe ang umalingawngaw. Hindi na nga nila magawang maintindihan ang lahat dahil nag hahalo- halo na sa mga pandinig nila ang mga ito.
"Hello po!" sigaw ni Aliyah sa kanila. "Nandito po kami para suportahan ang kaibigan namin sa bago niyang project. May bubuksan po na ospital ngayon 'di po ba? Alam niyo po ba 'yon?" parang nakikipag kuwentuhan ang dalaga sa mga kaibigan niya. "Gusto lang po sana namin na makita niyo ring lahat ang mga opening. Invited po kayo!"
"Isara niyo na, bilis," sabi ni Dawn. "Nakaalis na sila!"
Dan and Aliyah then pushed the window closed again. At umalis na rin sila mula sa harapan ng hotel. They followed the cars that are marked with the symbol of the royals.
"It worked, " Aliyah whispered. "I was able to do something," masaya niyang bulong sa sarili niya. Hindi ito makapaniwala na nagawa niyang linlangin ang mga reporter. Ngayon, sila naman ang sumusunod sa kanila sakay ng mga kan'ya- kan'ya nilang mga sasakyan.
"Of course," Dan said. "Ito naman, alam mo naman na kahit na anong gawin mo sa media, wala silang angal. Kita mo nga at wala kang nabigay na sagot pero trending ka na kaagad online. Look at this."
Binasa ni Aliyah ang nasa tablet ni Dan, "Spotted: Aliyah Grace spotted waiting for the Prince outside the hotel? Wow, ang galing naman. Hindi nga nila nakita na pumasok sa sasakyan natin si Prince Kairo, paano niya malalaman na hinihintay ko nga siya?" sabi nito. "At ano pa itong isa? The Future Princess showing love and support towards the Prince's project? Wow ha? Advance? Magkaibigan muna guys," bulong pa nito.
"Excited nga silang lahat sa mga susunod na magnyayari, hindi na sila makapaghintay!" Dan yelled.
"Masisisi ba natin sila?" tanong ni Ira. "Kung dalawang perfect na tao ba naman ang magsasama talaga, kahit sino magiging excited!"
"Sobrang hindi na nila kinakaya itong pasundo, paano pa kaya kung talagang nag sasama na silang dalawa s hotel?"
"Manahimik ka, Dawn," bilin ni Dusk. "Kaunti nalang talaga susungalngalin na kita. Ang dumi mo araw- araw."