"Hawak mo lang ngayon ang titulo bilang susunod na Prinsesa dahil mas mataas ang tingin ng mga tao sa'yo. Pero pagkatapos na makuha ni Kairo ang kailangan niya mula sa 'yo, panoorin mo, sa akin at sa akin din siya uuwi. Ako rin ang babalikan niya," dahil sa mas matangkad si Moira, mas lalo niyang ipinakita kung papaano niya kayang maliitin ang babae habang binababaan ito ng tingin. She even did a sarcastic giggle, "Hindi mo man lang alam kung papaano dalhin ang titulo na naibigay sa 'yo. Paano mo pa kaya gagawin ang mga duties mo bilang Prinsesa kung matuloy nga? Wala pa sigurong isang linggo ay pinpatalsik ka na sa palasyong ito. At alam mo na hindi maaaring makipaghiwalay si Kairo sa babaeng pakakasalan niya... isa lang ang dadaanan mo kapag natuloy kayo roon at nagsawa na siya."
Aliyah look back at her with literally nothing in her eyes, "Kapag namatay ka, roon lamang siya magkakaroon ng karapatan upang magpakasal sa ibang babae. Alam mo ba ang ibig sabihin no'n? Pag- isipan mo nalang nang mabuti. Baka sakaling matauhan ka na. Baka maisip mo na kung bakit kailangan mong umiwas- iwas sa paghadlang sa dalawang taong tunay na nagmamahalan."
"You know what I am hearing right now?" wika ni Aliyah. "It's funny, because all I can hear is you trying to threaten me. Ang akala ko ba ay nagmamahalan kayong dalawa? Kung nagmamahalan nga kayong dalawa nang tapat at totoo, sa tingin mo ba magpapakasal sa akin ang mahal na Prinsipe? Sa tingin mo ba, kung mayroon siyang tunay na pagpapahalaga sa'yo, ngayong alam niya na hindi ka niya maaaring pakasalan matapos niyang matali sa akin, papayag ba siya? Kung totoo nga na may pakialam siya sa 'yo, hindi ba't hindi mo na ako kakailanganin na pagbantaan? Naririnig mo ba ang sarili mo, Moira?" she asked. "Kasi, sa tingin ko, ngayon na mas naririnig ko na nang mas mabuti ang bawat hinaing mo, hindi ko na maiwasang ma- isip na nalulunod ka lang sa delusyon mo. At hindi ko rin alam kung bakit kahit kaunti ay pinakinggan pa kita. Dahil ngayon, gusto ko na lamang na matawa, dahil nakaka- awa ka."
"What the f*ck did you just say to me?" Moira asked. "Bawiin mo ang lahat ng sinabi mo. Ikaw na nga lang ang umaagaw ng posisyon ko, ikaw pa itong makapal ang pagmumukha. Wala kang modo!"
"You work for the Royal Family, and yet, I never heard you call them with respect. Tapos papangaralan mo ako nang gan'yan? May karapatan ka ba?" napalakas ang pagkakasabi ni Aliyah. Kaya naman hindi niya namalayan na nakuha niya ang atensyon ni Mang Fernan na kasalukuyang papunta sa may opisina ni Prinsipe Kairo na ilang kuwarto lang ang pagitan.
Sumilip ang matanda sa may gilid ng isang malaking paso na may halaman upang hindi siya kaagad na makita ng dalawang dalaga na sa unang tingin pa lamang niya ay tiyak na niyang nagtatalo.
"Moira, please naman, masyado na akong pagod. Hindi ko na alam kung hanggang kailan ko pa makakaya na pagtagpi- tagpiin ang mga sinasabi mo, kasi sa totoo lang, you really do not make any sense to me right now," Aliyah said. "Ang sabi mo sa akin noong nakaraan ay mayroon kayong relasyon ni Prince Kairo. At alam mo ba ang ginawa ko magmula noong sinabi mo sa akin 'yon? Lumayo ako sa kan'ya, I did my very best to be respectful of your relationship. Kasi naawa ako sa'yo. Pilit kong inintindi na kaya wala lang kayong mapagsabihan dahil hindi nga pupuwede ang relasyon nin'yong dalawa. Lalo pa ngayon na hindi masyadong maganda ang mga naririnig ng publiko patungkol sa kan'ya. Imagine, kung biglaan man niyang I-anunsyo sa buong mundo na mayroon kayong relasyon na dalawa, sa tingin mo ba ang unang maririnig niya mula sa taong bayan ay puro masasayang pagbati? Hindi!" umiiling na saad ni Aliyah. "Ang unang- una nilang gagamitin bilang headline sa mga article ay kung papaano nakadisgrasya ng isang katulong sa palasyo si Prince Kairo. Ang sasabihin pa nila ay napilitan lang siyang panindigan ka, gagawin nila ang lahat para mapalabas lang na nabutis ka at wala siyang choice dahil hindi siya maaaring tumakas sa responsibilidad na 'yon. Lalo na at kailangan na mapasama sa pangalan niya at ng royal family ang kahit na sino man na anak ng isang Hari o ng prinsipe, kanino man nag mula. Naiintindihan mo ba?"
Hindi nakasagot si Moira, sa sinabi ng dalaga. Kaya naman kinuha na ito ni Aliyah bilang pagkakataon upang ilabas ang kan'yang saloobin.
"Moira, naniwala ako, kahit papaano, I swear. Kaya nga inisip ko kung ano ang makakabuti kay Prince Kairo. Believe me, kung mayroon man talaga kayong relasyon at kung nahulog ang loob niya sa isang katulong, hindi masama 'yon sa mga mata ko. Ang ayaw ko lang na mangyari ay mauwi sa nakakalungkot na bagay ang dapat sana ay masaya para sa in'yo. Ayaw ko na maapektuhan ng galit at maling pagkakakilala ng mga tao ang reaksyon nila sa kung sino mang ipapakilala ni Prinsipe Kairo bilang prinsesa niya. I know that he will hate that," she said. "Sigurado na masasaktan siya nang mas higit pa kung negatibo ang pag tanggap ng publiko sa babaeng pinapahalagahan niya dahil lang sa reputasyon niya na nasira na ng mga haters at bashers niya online. He tends to blame himself a lot. Kung maaari sana ay mabawasan ko man lang ang posibilidad na 'yon."
"See, ikaw na naman ang bida. Palagi nalang, ang gusto mo, ikaw lagi ang nandoon sa sentro at masayang nagpapakitang gilas!"
"No, not at all," bulong ni Aliyah. "Sadyang alam ko lang na mayroon akong kayang gawin. At hindi ko kaya na umupo na lang basta, manood na may masaktan kahit na alam ko naman na kahit kaunti sana ay nakatulong ako. Alam ko na kung susubukan ko, kahit papaano ay maipapakita ko sa mga tao, kahit sa mga tumatangkilik lang sa akin na mabuting tao talaga si Prince Kairo. At imbis na kamuhian, isa siya sa mga tao na dapat talagang tingalain."
Moira crossed her arms and rolled her eyes for the nth time.
"Ngayon Moira, kung hindi mo pala naiintindihan lahat ng 'yon, at minamasama mo pa, sabihin mo sa akin... bakit ko kailangan na maniwala sa kahit na anong sinasabi mo? Bakit ko dapat na paniwalaan ang mga claims mo kung wala ka naman mailapag sa akin na kahit na anong proof. At paano mo ipamumukha sa akin na ako ang mali sa posisyon nating ito ngayon na nagagalit ka sa akin kahit na ang ginagawa ko naman talaga ay para rin sa taong sinasabi mo na karelasyon mo? Can you please make it make sense? Because to be honest, you don't sound sane to me right now. You lost me."
"Talagang ayaw mo kaming lubayan na dalawa?"
"Mayroon bang kayo talaga? Kasi hindi na ako naniniwala," sabi ni Aliyah. "Your mouth can't stop fighting, you can't stop from blurting out words just to make me fall back. Pero wala kang sinabi na kahit na isang salita na talagang nagpapatunay sa akin na may pakialam ka sa kung ano ang magpapasaya sa kan'ya. Sa naririnig ko, gusto mo lang ako na lumayo para mapalitan mo ako sa posisyon ko, pero hindi ko naman naririnig 'yon mula sa kan'ya nang malinaw. Dapat yata ay mag usap tayong tatlo nang masinsinan, don't you think that would be better?" Aliyah said those words, but she's actually scared. Hindi niya rin alam kung bakit biglaan nalang niyang pinili na maghamon at manglaban kay Moira. She's not usually like this. Kaya lang nagkamali talaga itong babae sa harapan niya nang magsimula niyang isali ang nanay ni Aliyah sa gulo nila. Hindi niya lang hahayaan na ipahiya siya ng babae gamit pa ang pagkawala ng inay niya nang mas maaga. That was too far. And even though she's not the type to be confrontational, she's trying her best.
Nang akmang pagbubuhatan na ng kamay ni Moira itong si Aliyah, biglaan silang napahinto dahil narinig nila ang boses ng isang matandang lalaki.
"Lady Aliyah!" tawag ni Fernan sa dalaga.
Mabilis pa sa isang kisap mata na tumayo nang tuwid si Moira. Ang dalawang kamay niya ay nakababa bigla sa may haraan ng kan'yang tiyan at malumanay nalang siyang nakangiti sa matanda.
"Mang Fernan," mahinang bulong ni Aliyah.
Moira smiled, "Mauuna na po ako," paalam niya pa bago pa ito naglakad patungo sa kabilang direksyon.
Nanlalambot ang mga binti ni Aliyah nang tuluyan na siyang malapitan ng matanda. She bit her lips so hard to keep in the sobs. Ayaw niya naman na makita nalang nitong lalaki na biglaan nalang siyang humahagulgol. Nahihiya siya dahil pakiramdam niya ay ipinapakita niya na napakahina lamang niya.
"Lady Aliyah, will you come with me for a while?" tanong ni Fernan. "I just got these wonderful new kinds of tea. Gusto ko sana na tikman upang mahanap kung ano ang bago kong ihahanda para sa reyna mamaya. Tulungan mo akong mamili?" sabi niya pa.
Aliyah nodded and quietly guided the old man over to the tea room of the Queen. Wala siyang kibo habang naglalakad silang dalawa. Hindi niya rin alam na ito palang si Fernan ay naiintindihan ang lahat ng itinatago niya. Hindi niya naman namalayan na naroon si Fernan kanina at nakikinig lang sa komprontasyon ng dalawang babae.
"Napanood namin ni Queen Olivia ang video nin'yo," sabi nito. Aliyah bit her lip and nodded. "Maganda, sa totoo lang ay hindi matigil ng mahal na Reynang ulit- ulitin ito. Tuwang- tuwa siya habang pinapanood ang mahal na prinsipe na umaarte. Maganda ang kinalabasan. At sa nakikita at nababasa ko, tila ba nagtagumpay ang plano mo na mahatak ang mga nakababata mong taga suporta upang mas gustuhin na kilalanin ang Prinsipe."
"Opo," her voice cracked a little. "Alam niyo naman po, hindi masamang ipakilala si Prinsipe Kairo sa mga medyo nakababatang mga kababaihan lalo na. Ang guwapo naman po kasi, 'di po ba?" pabiro niya pang sabi.
"Nako iha, ang tagal na naming sinubukan na gawin 'yan noon. Hindi nagiging ganito kalaki ang pagbabago na nakikita namin. Bilib na bilib nga kami, pati na rin ang buong konseho. Nabigyan ang lahat ng pag- asa na mukha ngang may paraan pa para isalba ang reputation ni Prinsipe Kairo."
Aliyah nodded, "Susubukan ko po talaga na gawin ang lahat ng makakaya ko," sabi niya pa. "Nagsisimula pa lang po tayo, kaya po sana sa susunod ay mas malaki pa ang maging pagbabago, sana pati na rin ang mga magulang ng mga fans ko ay matangay," sabi na naman niya habang may pekeng ngiti sa mga labi.
"You genuinely care for the Prince, Lady Aliyah," he said. "I can see it in your eyes, you really do care a lot for him. Hinid lang basta- basta pagtulong ang ginagawa mo, gusto mo talaga siyang mapabuti. At hindi ako nagkakamali na bumoto akong maging ikaw ang susunod na Prinsesa dahil ngayon pa lamang, nakikita ko na kaagad na tama ang naging desisyon naming lahat."
"Siyempre naman po," Aliyah answered. "Kung kaya ko naman po na tulungan ang buong linya ng Royal family sa ganito lang, wala naman po akong angal. Kayang- kaya ko naman po na gawin, kaya hindi rin po masama na sinubukan ko. Nakakatuwa nga po at mukhang positibo ang reaksyon ng lahat."
Nagsim ula na ang matandang lalaki sa paggawa ng iba't- ibang klase ng mga tsaa.
"Hindi ka ba namomroblema? Sigurado ako na hindi ka tinitigilan ng mga tao ngayon dahil biglaan mo nalang ipinakita ang prinsipe sa music video mo. Wala ka bang kailangan mula sa amin? Baka matulungan ka namin, kung gugustuhin mo, sabihan mo lamang ako," wika ni Mang Fernan.
"Hindi naman po problema," Aliyah said. "Marami lang po na may gustong makausap ako ulit. Mga interview po na nagpapatong- patong na. Sigurado po na gusto na nila akong gisahin para lang mapaamin ako kung ano nga po ba talaga ang relasyon naming dalawa ni Prinsipe Kairo. Pero siguro naman po ay kaya ko na 'yon. Hindi naman po mahirap para sa akin na humarap sa publiko. Sasabihin ko lang naman po na kakilala ko siya, tutal kita naman po sa video na marami kaming magkakaibigan. Hindi naman po siguro nila masyadong lalagyan ng malisya lalo pa at 'di naman po nila alam na guards at tagabantay po namin ang mga kasama namin. 'Di po ba?"
"Tama naman," the old man said. "Sa totoo lang Aliyah, mayroon akong gustong sabihin sa'yo... may gusto akong hilingin sana."
"Po? Ano po 'yon?" the old man said.
"Wala sa palasyo si Prinsipe Kairo" he announced. "Mayroong magbubukas na ospital sa may norte bukas. Ito ang isa sa mga malalaking proyekto ni Prinsipe Kairo. Ngunit walang kahit na sinong may alam na siya talaga ang may pakana ng lahat. All they know is that the Queen did all the work then made her son be there in her presence. Kaya sa mga mata tuloy ng iba, walang kayang gawin o patunayan itong si Prinsipe Kairo."
"Children's hospital," Aliyah whispered. "Narinig ko na po 'yon ah. Ano po ang dapat kong gawin?"
"Can you go there and surprise him? Malaking tulong kung maipapakita mo ang pinaghirapan niya kahit na sa mga fans mo lang. Can you post a short video or something? It would help him so much."