Chapter 37: Asal

2434 Words
"I didn't know how these internet thing works, to be honest," Fernan said. "But from what I've been seeing, mukhang ito ang pinaka- unang beses na maganda ang response ng mga tao sa Prinsipe. Hindi sila nagagalit, hindi nila inuungkat ang mga issue na natatapon sa kan'ya, wala silang sinasabi na kahit na anong mali. Hindi na nga rin ako makapaniwala, mahal na Reyna." The Queen elegantly chuckled, "They look so adorable together. Nakikita mo ba ito, Fernan? Ngayon ko lang nakita na umarte si Kairo. Marunong naman pala siya, bagay rin sa kan'ya na maging artista. I can't believe I'll be seeing him in a music video someday. The two of them look so cute together. They are compatible, tignan mo!" "Queen Olivia, you have been watching this music video for the past hour. Hindi mo na nagawang bitawan 'yang tablet. You still need to check the comments, they are all good. Sobrang positive ng mga sinasabi nila tungkol kay Prince Kairo. At this rate, I think the younger group of people would be able to be more accepting into knowing more of the Prince. Hindi na nila paniniwalaan ang mga puro paninira lang nila. Ang dami na ring naglalabas ng mga information ng Prinsipe na puro papuri lang sa kan 'ya. This is the first time, and I still can't believe it!" "Fernan, sobrang natutuwa lang talaga ako sa video na ito. Look at them, it's so beautiful," the Queen said. "Alam mo ba, dati natatakot ako na baka hindi sila magkasundo. Baka hindi sila mag- usap, baka magpatuloy lang sila sa paglayo sa isa't- isa. But they have the chemistry, look! Hindi ako makapaniwala na sobrang bagay nila. Paniguradong magtatagumpay na tayo ngayon sa paglaban ng mga haters ng anak ko!" "Queen Olivia," tawag ni Fernan sa kan'ya. "How do you feel about the marriage not pushing through?" tanong niya sa reyna. The Queen gasped, "No way. After all of these? Sa tingin mo papayag pa ako na hindi matuloy ang kasal nila? I can see Aliyah as my daughter in law already. I am feeling really attached to her. Alam mo ba na sa tuwing mayroon akong free time, all I do is to watch her past performances. I even scroll through online shops just to pick cute outfits for my pretty princess! I won't let Kairo run this time. Kahit na ano pa ang mangyari, pipiliin ko na maipakasal silang dalawa. Hindi siya makakalusot this time." "I think we need to do something. Baka hindi natin makita ang magandang pagsasamahan nilang dalawa kung hindi tayo kikilos. We need to do everything to make those two a lot more closer," the naughty grin on his face suggests so much more than what he is voicing out. And by the looks of it, when the queen's eyes twinkled, she definitely got the message on the dot. "Are you telling me that we need to push them into being together?" she asked. She covered her mouth and started giggling, "I am all for it. Sign me up. Tell me whatever it is that you need me for, just inform me and we will be doing it." "I will be talking to Lady Aliyah. I think it's much better to let her know. Para mapalapit natin silang dalawa. Lalo pa ngayon na wala sa palasyo ang prinsipe, susubukan kong gumawa ng paraan para mapagsama ko silang dalawa," he said. Sa kuwarto ni Aliyah, tahimik lang siyang nakahiga habang si Dan naman ay natatakot dahil hindi niya alam kung nagagalit ba sa kan'ya si Aliyah. Hindi niya alam kung mali ba na sinubukan niyang bigyan ng sorpresa ang kaibigan pero baka imbis na matuwa ito, baka na- offend si Aliyah dahil hindi niya nasunod kung ano ang gusto nitong mangyari. "Sa tingin mo ba galit siya?" tanong ni Dan kay Ira na busy sa pagbabasa ng mga posts online. "Hindi naman siguro," sabi ni Ira. "Baka pagod lang siya. Wala naman na siyang sinabi nang makita niya kung papaano natapos 'yong video, 'di ba? Baka nakita niya kung papaano natapos at nagandahan na siya, so, wala naman nang problema sa kan'ya." "I am not mad," Aliyah said. Hindi nila napansin na narito na siya sa may hagdanan, pababa upang samahan silang lahat. Dumiretso siya sa tabi ni Dan at sumandal sa kan'yang balikat. "Alam mo, maganda 'yong video. Pinanood ko na rin ulit at sa totoo lang, I can tell you that it's actually a lot better than what we planned in the first place. Sa sobrang ganda, sumasabog na ang notification ko sa phone. Hindi mo pa ba nakikita kung ano ang nangyayari ngayon? Kakatapos ko lang na tumanggap ng mga interview, ngayon ang dami na naman ng mga nagpapa- schedule," sabi niya pa. "Sana lang Dan, naisip mo na tignan kung ano ang messages sa'yo ni Emily. Dahil kung sa akin nga sobrang tadtad na siya ng messages, maamang sa phone mo rin." "Let me be real with you, I turned off my phone. Kaya nga itong tablet nalang ang gamit ko para tignan ang resulta online. I can see how successful we are. It's an hour in and the music video got ten million views! Sobrang bilis na nitong pag angat ng views. Natatakot na ako, we created a new fan base because of this one, and they are f*cking crazy!" natatawa si Dan habang ipinapakita kay Aliyah na mayroon na silang fans ni Prince Kairo. They ship them already. Sobrang dami na ng supporters nila na gustong magkatuluyan ang dalawa. Parang nanghuhula ang mga ito dahil biglaan nalang nila na tinatawag si Aliyah bilang Future Princess. "Akala ko talaga, magiging marami ang haters nitong release na 'to. Well, akala ko lang marami ang magsasabi na hindi bagay or hindi dapat magkaroon ng ka love- team si Lady Aliyah. Kasi palaging ganoon ang reaksyon ng mga fans kapag may nali- link sa' yo, pero ngayon sobrang saya nila. Sinasabi pa nila na kung mayroon mang lalaki na babagay sa iyo, siyempre ang Prinsipe ng bansa lang ang naroon sa listahan." "True," Dan said. "Nakikita na nila ang hinaharap. Kumakalat na rin ang mga pictures mo na mayroong korona, they are calling you a future Queen too. Alam na nila ang buong plot ng story, pero hindi nila alam na talagang totoo pala ang sinasabi nila. They wouldn't expect that their delusions will eventually come true this time." "Kaya lang, hindi niyo ba iniisip na baka mayroon akong nasasaktan?" bulong ni Aliyah. "Paano kung mayroong isang tao na gustong mapunta sa kinalalagyan ko, pero-" "What are you saying?" Dan asked. "Ibig mong sabihin, naaawa ka sa mga babae na may gusto sa jowa mo? Ano ka ba? Sa lahat ng mga fiance, ikaw lang ang gan'yan mag-isip. Don't you think that's a little too nice o you? This is not how you approach this girlie. Mag focus ka nalang sa bright side. Ngayon alam na natin na nagiging accepting na sila sa pagiging Prinsesa mo. Sila pa nga ang mas excited kaysa sa atin. And, hindi rin naman makakapag reklamo ang management, hindi nila hawak ang love life mo. And ipatong pa natin doon ang tanong na papaano nila sisimulang tutulan ang pagkakaroon mo ng relasyon sa Prinsipe?" Ira nodded, "He is literally the future of the Kingdom. Siya ang magiging hari. At ngayon na ikaw ang Reyna na sasama sa bawat hakbang niya, paano naman gagawin ng management mo na harangan 'yon? They can't just tell you to stop and don't be associated with the royal family when the crown is literally for you." Proud pa ang dalawa na nag apir habang si Aliyah naman ay tahimik lang na bumuntong hininga. Hindi niya alam kung papaano nga ba niya tatanggapin ang lahat ng ito. Of course, she's more than happy. Umuubra ang plano, nagkakaroon na ng suporta si Prinsipe Kairo. Kahit na halos kabataan pa lamang ang mga nagkakaroon ng tiwala sa kan'ya, at least kahit papaano mayroon na. Kahit paunti- unti, may pag- asa na silang madagdagan pa ang matatanggap niyang suporta. 'Yon lang naman ang gusto nila magsimula pa noon. Kaya lang hindi talaga mawawala sa isip ni Aliyah ang naging usapan nila ni Moira. Aliyah is a normal girl. Despite having a huge fan base, having tons of people lining up just to show her their undying love and support, deep inside, she still have insecurities. Sa tuwing gabi, naiisip pa rin niya na baka mayroon pa siyang kailangang gawin para mas maging better. They call her a perfect angel, but all she could see was a woman doing her everything to give something better than what she can see on her point of view. In her eyes, she is not special. When she gets to look at herself in the mirror, she doesn't see a famous idol that is an A star celebrity. She sees everything that she needs to change. Her cheeks that are too chubby for her liking. The bunny smile that kinda makes her teeth look a little bigger than she liked. She sees how her stomach is not flat and skinnier than what she hoped for. Kaya nga noong nagpakilala sa kan'ya si Moira, natameme nalang siya. Dahil hindi siya kampante na hawak nga niya ang attensyon ni Prinsipe Kairo. She did all these mental cartwheels to make herself believe that she was left by the Prince because of that woman. And now, although she is trying to stop herself from falling into this deep hole, the thought of Prince Kairo pretending to be a normal man named Hiro and being her boyfriend... it all seemed like he was just too bored. That's how bad the damage Moira have done on her. "Aliyah, hindi mo pa ba nakakausap si Prinsipe Kairo? Sabihin mo sa kan'ya na lumabas na 'yong music video. Puntahan mo kaya siya sa kuwarto niya? O 'di kaya naman kung naroon siya sa opisina niya, ikaw na mismo ang mag dala ng video sa kan'ya." "Oh yeah!" Ira chimed in. Hindi na nga narinig ni Aliyah ang mga pinagsasabi nila, pero hindi pa rin sila humihinto sa pagbibigay ng mga ideya kung paano ang mas magandang gawin ni Aliyah. Gusto pa nga ni Ira, magdala raw ng wine doon sa kuwarto ng lalaki si Aliyah upang mag celebrate raw ang dalawa sa malaking success na mayroon sila. Si Dan naman ay kinikilig na ibinigay ang tablet niya kay Aliyah. Naroon kasi ang mga napili niyang pinaka magagandang comments, balak niya kasi na isama ang mga 'yon sa magiging report niya kay Emily mamaya, kaya nakahanda na . Ngayon ang sabi niya, dalhin daw ni Aliyah para mabasa rin ng Prinsipe kung ano na ang mga sinasabi ng mga tao tungkol sa kan 'ya. They all fell in love with his charms and insanely perfect appearance. Talagang malaking tulong rin na nagayuma ang mga tao ng kan'yang nakakasilaw na itssura. "Ha? Anong gagawin ko?" tanong ni Aliyah nang mahimasmasan siya na biglaan nalang siyang nasa may pintuan ng kan'yang kuwarto. Dala- dala ang tablet ni Dan, itinulak siya ng dalawa palabas. She was locked out of her room without even knowing what she was supposed to be doing. Hindi man lang nga niya suot ang tsinelas niya, naiwanan pa roon sa may harapan ng couch dahil biglaan nalang siyang nahatak sa sitwasyon niya ngayon. Nagkakamot siya ng ulo habang gulong- gulo sa mga nangyayari nang maramdaman niya ang matatalim na tingin na nagmumula sa may likuran niya. Nang lumingon ang dalaga, nakita niya si Moira na nakasandal at naka krus pa ang mga kamay habang nanlilisik ang mga mata. Napahinga nalang nang malalim si Aliyah nang makita niya ito na sinesenyalan siyang lumapit gamit lang ang kan'yang hintuturo. She took a couple of steps to stay far enough from her own door, pero hindi siya dumiretso sa may pillar kung saan nakasandal ang katulong na may red high heels. Kaya naman gigil na napilitan si Moira na mag lakad patungo sa kinatatayuan niya. "Ang kapal din talaga ng mukha mo, ano?" bungad ng babae. "Hindi ko inakala na hindi ka lang mahinang makaintindi, sobrang taas din pala ng tingin mo sa sarili mo at ang kapal- kapal ng mukha mo. Sa tingin mo lahat nalang maaari mong maangkit basta gusto mo dahil lahat ng mga tao ay nabibilog mo ang ulo. Porket ba nakikita ka nila bilang mabait at mala anghel na babae, sa tingin mo tama ka na palagi? Bakit ba pilit mong ipinapakita na may relasyon kayo ni Prinsipe Kairo kahit na alam naman nating dalawa, at malinaw na malinaw kung ano ang katotohanan?" Napapalayo si Aliyah nang dahan- dahan para iwasan ang pag talsik ng laway ni Moira habang bumubuga ito ng apoy at walang hiya na dinuduro- duro lamang siya. "Hindi ako gumagawa ng kahit na anong iniisip mo, Moira," she said. "Kung sa tingin mo man mayroon akong nagawa na masama o hindi ko nararapat na gawin, please, paki sabi naman sa mga namumuno. Puwede mo rin na isumbong kay Mang Fernan. Alam mo na, para lang sana sila na mismo ang mag sabi sa akin. Just for me to be aware," kahit na ito ang mga pinili niyang salita, hindi pa rin niya kayang sabayan, hindi pa rin niya maibigay ang gusto sana niyang ipakita na energy. She still sounded down and intimidated. Not the best look for her. "Alam mo na hinding- hindi mo makukuha ang puso ni Prince Kairo, at ngayon sinigurado mo na ipakita sa buong mundo na mayroon kayong ugnayan upang kapag hindi natuloy ang kasal nin'yo, kung sinong babae man ang makita nilang katabi niya ay maba- bash! Mautak ka rin pala, hindi ko inaasahan na gan'yan ka kung lumaban. Mas madumi pa sa ugali mo! Well, hindi na nakapagtataka. Lumaki ka nga palang walang ina, paano mo malalaman ang tamang asal?" Aliyah sighed, "Miss Moira, mawalang galang na," simula ni Aliyah. "Hinayaan kita na sabihin ang kahit na anong gusto mo. Nakikinig ako sa'yo nang hindi nagtataas ng boses kahit na isang beses lang. I chose to hear you out and try to understand where you are coming from. Tapos ngayon sasabihin mo na wala akong tamang asal dahil maagang nawala ang mama ko, gusto mo pang ipatong sa kan'ya ang sisi. Sa tingin mo ba dahil sa sinabi mong 'yan ay mayroon ka ng mga bagay na hinahanap mo sa akin? Sa tingin mo ba, sa inaasal mo ngayon ay hindi ka mas bulok sa kung ano ang pilit mong iniuugnay sa akin? Please, wake the hell up."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD