The helicopter landed inside the palace. The palace's servants gathered up to welcome the future Princess that's just getting in there to start training. Ang karamihan sa mga ito ay todo ang ngiti nang makita nila kung sino ang lumapag. Nang maglakad si Aliyah sa gitna nila, kitang- kita sa mga mata nila na nagpipigil lang ang mga ito para hindi sila tumili nang napakalakas. They were all freaking out when they saw the beautiful woman up close and personal.
Hindi naman na nakakagulat na sobrang sikat talaga nitong si Aliyah, heto nga at pati ang mga matatandang tagalinis at mga hardinero ay sumisilip rin para makakuha ng kaunting oras para siya ay masulyapan. Kinikilig pa ang mga ito nang ngitian niya at nang mag- bow siya bilang pagbati at pagbibigay ng galang sa kanila.
"Dawn, Dusk, ang daming tao," bulong niya sa dalawang body guard na naglalakad sa tabi niya.
"Lady Aliyah, narinig lang po nila na darating ang bagong prinsesa," Dawn whispered. "They were extra excited when they heard that it was you."
Dusk nodded, "Lady Aliyah, alam mo ba na sikat ka?"
Aliyah turned to look at him, "Uh... I know that a lot of people enjoy my craft. I find that very heartwarming, you know. Pero hindi ko gustong sabihin na sikat ako, you know what I mean?"
"Yeah, but that's because you are humble. Kung isa sa amin ni Dawn ang sumikat nang gan' yan, siguradong ang kakapal na ng mga mukha namin," Dusk was straight forward, he was saying whatever it is that comes in his mind.
Hinampas siya ng marahan ni Dawn sa sikmura, "Sorry Lady Aliyah, he's too dumb at times," he apologized for his own partner.
Natawa lang si Aliyah sa dalawang ito. Hanggang sa makapasok sila sa may likurang bahagi ng palasyo, she's giggling. Sa kakaunting oras na nakasama niya itong dalawa, napansin niya na para silang mga komedyante. Pareho silang may mga nakakatawang sinasabi o 'di kaya naman ay may mga ginagawa sila na hindi nila alam na nakakatawa kaya mas lalo siyang tumawa.
"Princess Aliyah!" the excitement on a lady's voice was evident. She sprung up as they entered the receiving area of the palace.
"Hello po," nakangiting bati ni Aliyah. "Hindi pa po ako prinsesa," sabi niya pa kahit na medyo nahihiya ang babae. Nakita niya kung paano pigilan ng babae ang tuwa habang unti- unting napapatalon at palakpak.
"Ako po si Ira," pakilala niya. "Ako po ang naatasan para maging attendant nin' yo. The Queen told me to follow you around and make sure that you never have trouble with anything. I am here to be your servant and I will bark if you ask me to."
"Ha?"
"Huh?" Ira blinked a couple of times. "Sorry po," nagkakamot pa siya ng ulo habang si Aliyah naman ay nanlalaki ang mga mata sa narinig niya. "Sorry po Lady Aliyah, nasanay lang po ako na sabihin 'yon dahil parte po ako ng fans club niyo. 'Yon po ang madalas namin na sabihin sa tuwing nakakakita kami ng mga pictures nin'yo online. Eh ngayon po na sobrang lapit ko nakikita ang kagandahan niyo, nawawala po talaga ako sa sarili ko, hindi na po ako magsisinungaling."
The future Princess chuckled, "Don't worry Ira, hindi naman problema sa akin 'yon. Kahit na tratuhin mo ako bilang kaibaigan, hindi naman po ako magrereklamo," she gave her biggest, brightest smile to her huge fan. "Kumusta naman? Wala pa bang alam ang mga fans sa kung ano ang ginagawa ko rito? Hindi pa kasi puwedeng ilabas sa publiko kung ano ang nangyayari sa... alam mo na," she said.
Her personal maid nodded, "Wala po silang alam. Malaki pong balita ngayon ang tungkol sa pagkawala niyo nang tatlong araw. Kumalat na po kasi ang pagbabago ng schedule niyo, at marami ang nababahala na baka raw po sobra na ang trabaho na ipinapatong sa in'yo kaya kinailangan mong magpahinga nang matagal. May issue rin po na kailangan niyo raw na mag trabaho sa kumpanya ng tatay niyo."
"What?" she was so shocked to hear everything. "Bakit hindi nila sinasabi sa akin 'to? Para sana nakapaglabas man lang ako ng post na kunwari nagbabakasyon ako or something."
"Ay huwag po kayong mag alala," sabi ni Ira. "Hindi naman po negatibo ang sagot ng mga tao. Masaya pa nga po sila na ngayon ay mayroon kayong oras para makapag- pahinga. Kaya lang po masyadong clingy ang mga fans niyo, gusto nila na kahit papaano ay may malaman silang balita sa'yo okaya naman ay makakita sila ng kahit na selfie niyo man lang."
"Shush, Ira ang daldal mo. Nakakahiya naman kay Lady Aliyah," pinanlalakihan na ng mata ni Dawn ang babae. "Please Ira, huwag mo siyang masyadong takutin."
"Nako Dawn, don't worry. I enjoy it, nakakatawa si Ira, masyadong mataas ang energy mo, ano?" sabi naman ng artista na nakangiti pa. "Oo nga pala, anong gagawin ko rito? Hindi ko pa kasi alam kung ano ang schedule, kung ano ang steps, gano'n, nakakatakot naman kasing mag tanong sa iba, baka sabihin pa nila shunga pala ang bagong napili na maging Prinsesa," bulong ni Aliyah sa kan'yang tagahanga.
"Nako Lady Aliyah, sumama lang po kayo sa akin at dadalhin ko po kayo sa in'yong silid. Nakahanda na po ang lahat para sa in'yo."
Biglaan nalang na nakaramdam ng kaba si Aliyah nang iwanan siya ni Dusk at Dawn kasama ang kan' yang alalay. Kaya naman habang hatak- hatak ni Ira ang dalawang maleta niya, hinatak niya bigla ang isa para mahawakan ang kaliwang kamay nito.
"Lady Aliyah, bakit po?" she was surprised to see her idol linking up their arms.
"Sa totoo lang Ira, natatakot ako," pag amin niya. "Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko at kung papaano ang magiging pag tanggap sa akin ng mga tao rito, kaya kinakabahan ako. Huwag mo akong iiwanan ha? Basta lagi mo lang akong samahan, kahit na saan ko man kailangan na magpunta. Para naman kahit na papaano may isa akong kakampi."
Ira's eyes turned into hearts. Aliyah is too cute and too adorable right now.
"Hindi ko po kayo iiwanan Lady Aliyah," she promised. "Kaya lang po hindi ko kayo puwedeng hawakan. Baka po madumihan kayo, at isa pa, katulong niyo lang po ako. Pangit po kung makita ng iba na ganito. Hindi naman po masama ang tingin sa in'yo ng mga tao rito, excited pa nga po kaming lahat na makilala kayo. Kaya lang po, hindi magiging maganda para sa akin kung ganito ako kalapit sa in'yo. Sana po naiintindihan niyo," she removed Aliyah's hand on her arm with a sad pout on her face. "Lady Aliyah, napakabait niyo po pala talaga sa personal. Ngunit pasensya na po, hindi po tayo maaaring maging magkaibigan."
Aliyah shook her head, "Hindi ako papayag," sabi niya. Ibinalik pa nito ang kamay niyang nakakapit sa babae, "Hindi pa ako Prinsesa, at kahit na makuha ko man ang posisyon na 'yon, hindi ako magdadalawang isip na kaibiganin kung sino man ang gusto kong kaibiganin. I want to be friends with people that I like and that's what I plan to do."
"But you can't," nanigas ang mga paa ni Aliyah sa kinatatayuan niya nang marinig niya ang pamilyar na boses. Parang nabuhusan siya nang malamig na tubig, mas lalo pa siyang napakapit sa bagong kaibigan.
Ira bowed down, "Prince Kairo," she greeted him and tried to push Aliyah's hand while she's been bowing. Kaya lang napakunot ang noo nito nang maramdaman niya na humigpit ang kapit ng babae, bigla pang naging sinlamig ng yelo ang kan'yang kamay. Nang maramdaman niya ang pangangatog ng babae, siya na mismo ang humawak sa kamay ni Aliyah.
"Aliyah, tama ba?" tanong ni Prince Kairo habang tinututukan ang mukha ng babae. She's not looking at him as he stared her down with intensely. Nararamdaman ni Aliyah ang matalim na tingin nito habang papalapit siya nang papalapit.
Halos isang hakbang nalang ang pagitan nilang dalawa anang marinig niya ang mga salitang nakapagpagising sa kan' ya sa katotohanan.
"Ikaw ang pumili na gawin ito, tapos ngayon sasabihin mo na hindi mo susundin ang mga rules na kasama ng obligasyong tinanggap mo? What do you call that? Do you only want the title and not the risks that comes with it? That is not what happens with this miss celebrity."
Nag angat ng tingin si Aliyah para tapatan ng tingin ang lalaki. She looked at him like he's the most disgusting person in the whole entire world. She rolled her eyes and sighed. When he realized that Aliyah's not about to respond on what he said nor greet him, he casually just walked off down the hall.
"Lady Aliyah," tawag sa kan'ya ni Ira. "Huwag niyo na pong masyadong pansinin 'yong si Prince Kairo, talaga pong gan 'yan lang siya. Madalas po na mainit ang ulo niya at palagi po siyang galit, basta may magawa ka na hindi niya nagustuhan. Huwag niyo po masyadong dibdibin."
She pulled it together to give the most genuine smile she can flash, but it failed. Even Aliyah felt the awkwardness and how fake it looks. But she rolled with it.
"Don't worry Ira, naiintindihan ko si Prince Kairo. Siguro ay marami lang din siyang iniisip, lalo pa ngayon, hindi niya talaga choice and magiging kasal naming dalawa. Kaya siguro hindi rin siya masyadong natutuwa na makita ako rito. Huwag kang mag alala, nandito lang ako para gawin ang parte ko. Hindi ko uubusin ang lakas ko para kalabanin siya o mas galitin."
"Balang araw, magkakasundo rin kayong dalawa," Ira said. "Mabait naman po 'yang si Prince Kairo kahit na papaano."
"I bet he is,"she said. Aliyah looked at where she last saw the Prince. "Bakit pareho tayong ng pinupuntahan pati sa pinupuntahan ni Prince Kairo?" she asked.
Ira looked at her with confusion in her eyes," Magkatabi po ang kuwarto nin'yo Lady Aliyah."
"Ha- ha... what?" nagtiim ang bagang niya. "I thought I will be staying at the cabin that was prepared for me? 'Di ba magtatago muna ako sa likurang bahagi ng kaharian? Para hindi ako makita ng mga kung sino mang bumibisita rito? That's the plan, right?"
Ira shook her head, "I was ordered to clean and prepare your room here, on the Prince's wing."
"Prince's wing- huh?"
"Dito po, sa bahagi ng kaharian na pag- aari ni Prince Kairo. Ibinigay sa'yo ang kuwarto na konektado sa kuwarto niya."
"Excuse me- what?"
"Hmm?" Ira asked.
She sighed and tried to shake it off, "It's fine, tara na Ira. Para mabilis na rin akong makapaghanda para mamayang hapon."
They entered a room that's insanely big. As expected, this is what rooms inside a mansion looks. Ang sariling kuwarto lang ni Aliyah ay may hagdan papunta sa second floor.
"Ano 'to?" tanong ni Aliyah sa sarili niya. "Ang laki- what the- huh?"
"May sarili po kayong area para kung dumating man ang mga kaibigan niyo o 'di kaya naman ay bibisitahin kayo ng mga kakilala niyo, pamilya niyo," Aliyah can see that. A big area for her own living room, it left her speechless.
"Sa may pintuan na ito," binuksan ni Ira ang malaking puntaan. "Nandito ang walk- in closet niyo. Ako na ang mag aayos nitong mga gamit mo, Lady Aliyah. May mga kasuotan na rin na narito. Ito ang mga regalo na pinili ni Queen Olivia para sa in'yo."
"Wo- wow," she's almost out of breath and speechless to see this place, it's beyond what she expected. Sa ibaba ay may sarili siyang malaking sofa, may closet at sa bandang likuran ay may sarili siyang lamesa at upuan, para bang sarili niyang opisina. Lahat ng mga kagamitan ay mukhang mamahalin at hindi basta- basta. It's too magical, too beautiful. Parang ganito lang ang mga nakikita niya sa mga mansyon na gawa para sa mga set nila.
Aliyah looked at the stairs, "Up there, is that where the bed is?" she asked.
"Yup," Ira answered. "Sa taas po ang kama at ang bathroom para sa in'yo. Naroon rin ang pintuan na nagdudugtong sa dalawang kwarto. "
She silently climbed up the skinny staircase to check out her bedroom.
"Oh my God," she gasped at the huge bedroom. Her bed looks like two king sized bed joint together. The peach colored bed sheet and cute white, fluffy looking pillows caught her attention the most. Parang inaanyayahan siya kaagad nito na humiga at matulog na lamang buong araw. Ngunit pinili niyang huwag itong pansinin kahit na masama sa dibdib niya.
"Here," Ira whispered. Pointing at the door that's blended at the color of the wall. Kung hindi pa kita ang door knob, hindi niya na mapapansin. Tahimik lang na itinuturo ni Ira ang pintuan na para bang sinasabihan siyang nandoon sa kabila si Prince Kairo. Tinanguan niya lang ito bilang sagot.
"One wall between us," she thought to herself. Staring at the concrete all she could think of was the cold, hurtful voice that slapped her moments ago. "Hindi ko inakala na may mas makakagulat pa sa akin. Ngunit nang marinig ko ang pamilyar na boses mo na kausapin ako sa ganoong paraan, na may ganoong lebel ng galit, sa wakas ay gising na gising na ako. Tama nga ang hinala ko, hindi ka nga si Hiro."