Aliyah Grace's POV
Oo at sanay ako sa buhay na puro karangyaan. My parents spoiled me too much with all the material things that I need. Growing up, our whole place looks a lot like a mansion. It doesn't even look normal, compared to the houses in the neighborhood. Furniture, own things, personal stuffs, all of those I am used to seeing branded or high quality ones, yes. But right now, as I am sitting on my bed in the palace, I can't believe how huge the difference is.
Ang isang kuwarto na katulad nitong sa akin ay halos isang buong tirahan na. This is as big as the apartment I rented before, when I was tapping a film in a province. This is beyond unreal, parang panaginip lang talaga ang lahat. Hindi ko inakala na darating ang araw na malulula ako nang ganito. I bet this bed alone is worth hundreds of thousands. The ceiling of this place too, every inch of it is detailed. My ceiling has carvings on it and it looks like a beautiful view of a garden. It's very pretty, very relaxing.
I heard a knock coming from outside my door. It seems like Ira's back.
"Ira? Pasok," sabi ko sa kan'ya. Nagtungo ako pababas a hangdanan at doon ko nakita ang bago kong kaibigan na nakangiting itinutulak ang tray ng pagkain papasok sa silid.
"Lady Aliyah! Pasensya na po kayo at dahil sa sobrang dami ng mga tao sa labas ng ganitong oras ay sa kuwarto ka lang makakakain. Kung sa susunod walang mga pumapasok sa palasyo, pangako, ihahain ko lahat ng mga paborito mo sa buong long table!" Talagang todo bigay rin itong si Ira, natutuwa ako sa energy niya at pati na rin sa kakulitan niya. Kakakilala ko palang sa kan'ya ay alam ko na kaagad na magkakasundo talaga kaming dalawa. At kasing edad ko lang siya, we can be besties! I can already see it!
Bawat gawin niya rin ay sinisigurado niya muna sa akin na komportable ako at hindi ako napipilitan lang. I like that, she's very considerate!
"Ano ka ba Ira? Mas gusto ko pa nga na kumain nalang dito. Alam mo na, baka mamaya mayroong makalusot at makuhanan pa ako ng litrato? Malaking issue pa 'yon 'pag nagkataon," buti nalang! Hay nako, umiinit na naman ang dugo ko, naalala ko na naman ang lalaking 'yon. Hindi ko rin naman gusto na kumain sa labas. Baka mamaya ay makasalubong ko pa 'yong lalaking 'yon. Nako, baka biglaan pa akong mapugutan ng ulo kapag hindi ako nakapag pigil at biglaan ko siyang nasapak dahil sa inaasal niya. Hindi pa rin ako makapag move on. Ano ba ang gustong ipamukha sa akin ng Prince Kairo na 'yon? Akala niya ba narito ako para i-please siya? What the heck? I don't even want to see him anymore. Especially not after that! Ang lakas ng loob. Ganoon ba talaga kapag Prinsipe?
Ganoon ba talaga siya kadiring- diri dahil sa ako ang pakakasalan niya? Siya pa talaga ang may ganang maging ganoon ang attitude sa akin? I swallowed everything, even my pride, para lang makatulong sa plano ng Reyna. Sino ba ang mag be- benefit doon? Sa tingin niya ba para sa akin lang? Sa tingin niya ba gusto ko lang na gawin 'to para maging prinsesa ako? Kung may choice lang ako na mag logical at mas importante, siguradong matagal na akong tumakbo sinigurado ko na sanang hindi na magtatagpo pa ang landas namin ngayon.
Siya ang kailangan na magmakaawa sa akin at humingi ng tawad pero siya pa ang may ganang iparamdam sa akin na ipinagsisiksikan ko ang sarili ko sa lugar na hindi naman para sa akin. It's too unfair, ugh. Why was I expecting to see a hint of guilt coming from him? To be honest, I f*cked up when I thought about him being apologetic. That was my bad, I believed the imagination I have. I chose to live in a fake scenario on that one. It would never happen again, I swear! Nakakairita talaga, hindi ko mapakalma ang sarili ko!
"Ang lakas ng loob, akala mo ako pa 'yong may ginawang mali. Siya nga itong ang laki ng kasalanan sa akin, tapos siya pa ang nagmamataas."
"Ano po 'yon Lady Aliyah?"
Ay, nasabi ko ba 'yon nang malakas?
Tinignan ko si Ira, mukhang hindi niya naman naintindihan kasi nakangiti pa rin siya habang inilalapag sa maliit ng lamesa ang hawak niyang seafood platter.
I shook my head, "Wala naman, may naalala lang ako na nakakainis. Tungkol sa trabaho, alam mo na," pineke ko pa ang tawa ko para hindi siya mag hinala. Nakakatakot na rin ano! Nasa kampo niya ako, at Prinsipe siya! Ayokong umuwi na k*****y at giniling na! Ano nalang ang sasabihin ni Dad? Hindi ko pa nga siya nakausap sa personal dahil biglaan nalang siyang nagkaroon ng business meeting sa Indonesia!
"What are those? Bakit ang dami?" nakuha ng pagkain ang aking atensyon. Kasi naman ang dami ng inilalapag ni Ira sa maliit na lamesa. Kulang nalang mapuno na ito.
"Lunch po," sabi niya. I checked out each dish just to make myself salivate.
May seafood platter, fresh sashimi, garlic butter shrimps, grilled liempo, tapos may sinigang na salmon, may fried tofu, mayroon pang dessert na minatamis na kamote. "Hala?" gulat na gulat ako sa lahat ng nakita ko. "Ganito ba talaga ang pagkain sa palasyo? Baka hindi ko na mapanatili ang pangangatawan ko Ira! Alam mo bang isang piraso na chicken breast at repolyo lang ang puwede kong kainin? Nako, kung tumaba ako, mawawalan ako ng trabaho!"
"Lady Aliyah, puwede ka naman na kumain kahit kaunti lang sa bawat putahe. At hindi ka naman mataba, sa totoo lang sobrang payat mo nga, hindi puwede 'yan, madali kang manghihina kapag gan'yan."
"I brought my vitamins, nakita mo ba sa maleta kanina?" tinatanong ko siya pero diretso pa rin ang tingin ko sa seafood na kanina pa ako kinikindatan.
"Ang dami nga eh," mukhang nalungkot si Ira. Madami nga namana ng mga 'yon, kung hindi mo alam na vitamins, baka akalain ng iba na malapit na akong sumunod sa liwanag.
"Don't worry Ira, vitamins lang naman ang lahat ng 'yon para maka -iwas ako sa sakit. I'm healthy! Hindi ko papabayaan ang sarili ko, promise. At tsaka siguradong titikman ko lahat itong mga pagkain na inihanda mo para sa akin! Salamat ha?"
I heard her chuckle, "I do have a background in cooking, and I am a nutritionist too!" Wow! Bigatin talaga, kahit na nagtatrabaho sila sa palasyo, sobrang gagaling din nila. "Kaya lang Lady Aliyah, hindi po ako ang nag luto."
"Ah! Okay lang, it's the thought that counts!"
"Huh?" bakit parang mas naguluhan pa siya sa sinabi ko?
"Pinahanda mo ba 'tong mga 'to para sa akin?" tanong ko sa kan'ya.
Dahan- dahan siyang umiling pabalik sa tanong ko. "'Yan lang po talaga ang hinanda ni Chef May, hindi ko po sinabi sa kan'ya. Bakit?"
I checked the food on the table, sinigang na salmon, fried tofu, grilled liempo and sweet potatoes...
"Ira, you are my fan, right?" I asked her dearly. Malaki ang ngiti niyang tumango, "Do I like these?" itinuro ko ang tatlong pinggan.
She shook her head and said, "Hindi ko po alam Lady Aliyah," sagot niya. "But I do know that you like seafood! Look, I even got you some homemade chili garlic sauce! Nabasa ko rin po kasi na paborito niyong sawsawan ito."
"Thank you Ira," sabi ko sa kan'ya at umupo na ako sa couch. Of course, even my biggest fan wouldn't know that I love these simple dishes. I never mentioned these on any interview. Hindi ko nga sinasabi na paborito ko ang mga ito pati kay Dan kasi hindi ko rin naman puwedeng kainin. But every single thing on this table is my favorite. As in lahat. Walang kahit isa rito ang hindi ko papatulan. Sa totoo lang, lahat ng ito ay mga pagkain na... no, imposible. Hindi niya na maaalala ang ganitong kasimple na bagay tungkol sa akin. At bakit naman niya ipapahanda lahat 'to para sa akin? Hindi nga niya ako mangitian ng maayos.
I guess crazy coincidences do happen once in a blue moon. Hindi na ako aarte, sino ba naman ako para tanggihan ang ganito kasarap na mga pagkain! Lalo na at ngayon ang unang araw na sisira ako sa sarili kong diet. Alam ko naman na hindi na rin masyadong importante. Binabalak ko na ring bawasan ang mga tatanggapin kong acting roles.
"Lady Aliyah, iiwanan ko na po kayo ha?"
"Ha? Hindi mo ba ako sasabayan?"
Ira quickly shook her head, "Nako Lady Aliyah, hindi po puwede na sabayan ko kayo sa pagkain. Bawal po, kailangan ay pagsilbihan ko lang kayo o 'di kaya naman ay gawin po ang iba niyo pang ipinag- uutos. Huwag naman po sana kayong sumimangot, kailangan ko lang po talagang sundin ang mga patakaran na ito. Ayaw ko po na isipin ng mga kasamahan ko na dahil lang alam niyong idolo ko kayo ay may special treatment na po sa akin."
"Ang lungkot naman kasi, walang kasabay na kumain? Sanay ako na kasabay ko lagi sa pagkain ang assistant ko na si Dan. Alam mo na, kuwentuhan habang kumakain, ganoon naman dapat, 'di ba?"
"Kung gusto niyo po Lady Aliyah, puwede naman na sumabay kayo sa pagkain ni Prince Kairo-"
"Ira, 'wag na. Kalmahan mo na 'yang bibig mo nako, alam mo na ngang bad mood sa akin kanina. Sige na, gawin mo na kung ano man ang kailangan mong gawin. Kumain ka na rin bago ka bumalik dito ha? May oras pa naman bago ang unang klase ko."
Nakangiti na tumango itong si Ira. Tila ba natutuwa pa siya na nakuha niya akong tuksuhin kay Prince Kairo. Nako talaga, maloko rin itong babaeng ito.
"Hay, aanhin ko naman itong ganito karami na pagkain? Paano ko ito mauubos? Diyos ko! Tatlong araw tuwing linggo akong narito at ganito karami ang kakainin. Siguradong madadagdagan ang timbang ko at hindi na naman makakatulog nang maayos si Emily hanggang hindi niya mapapababa ang bigat ko. Kaya lang, ano ba ang magagawa ko? Sobrang sarap ng lahat!" I grabbed my phone to snap a couple of photos of these dishes. Tinignan ko muna nang mabuti kung may makikita ba na kahit isang tanda na makakapagsabing nasa palasyo ako. Mukhang wala naman. Normal na puting mga pinggan lang naman ang mga ito. Sa table napkin, wala namang kahit na anong print. Ligtas naman, wooh! Mabuti nalang.
I took close up shots of the seafood platter and the mouth watering plate of sushi and sashimi. Kukuhanan ko na sana ng litrato ang crispy fried tofu kaya lang naalala ko na naman ang isa sa mga kailangan kong kalimutan.
"Liyah! Tumatalon 'yong oil!"
"Anong tumatalon? Tumatalsik kasi!" I was laughing so much. Hitting Hiro by the shoulder. "Ibaliktad mo na bilisan mo! Masusunog na 'yan!"
"Bakit ba kasi may ganito pa? Mayroon na ngang sinigang oh!"
"Hiro naman, sabi mo gusto mong matutunan na lutuin ang mga paborito ko?"
He yelled at the top of his lungs as he flipped the tofu slices. That night, we ended it all with me applying cream on every single spot he had when he was attacked by the hot oil.
I looked back at the fried tofu on my table, amazed at how a simple dish like this could hurt me so much.
Trying to fight the emotions from coming back, I picked up the little jar of chili garlic oil and put a little bit on my plate. Kumuha ako ng pritong tokwa para isawsaw rito.
"Why?" I asked myself when I felt my cheeks getting wet. I took a deep breath and wiped away these stupid tears. I ate another bite of the food... hindi ako puwedeng magkamali. This is not an ordinary sauce.
The garlic is not crispy, it's mashed and ultra soft. I can also taste a little bit of butter in there...
"No," I whispered. "Why does it taste just like my recipe?"