“You knew from the very beginning that I would end up as the one hurting. But you chose to ignore that and continue on making me believe that such fairy tale exist,” nakatingin sa malayo si Aliyah habang nagsasalita. Sa tabi niya ay nakaupo rin sa may gilid ng fountain si Prinsipe Kairo. “Alam mo ba, sa buong lampas dalawang taon na pagsasama natin, nagtataka ako kung bakit parang may mali. Napapa- isip ako kung bakit ang saya-saya. Sobrang ganda ng bawat araw, sobrang perfect. Walang kahit na isang mali sa pagsasama natin. Hindi man lang nga tayo nagkakaroon ng malalaking pag- aaway, you showed me only the happy parts. You spoiled me of such a good life and then you vanished.”
Hindi magawang titigan ni Kairo ang dalaga. Kahit pa nababasag ang boses niya sa bawat salita ay hindi niya magawang tignan si Aliyah, he cant muster up enough courage to do so.
“Bago ka pa ipakilala bilang ang prinsipe ng bansa, mayroong mga araw na hindi ko alam kung nasaan ka at kung bakit ka nawala. I think those lasted for days, maybe a few weeks? I actually can’t tell, because it felt like years. Hindi ko alam kung ano ang nangyari, may nagawa ba akong mali? May masama ba akong nagawa sa’yo? Bakit bigla ka nalang umalis nang hindi man lang ako sinasabihan? Why do you have to vanish like you didn’t even care about how I would feel? And then the announcement came,” nilingon ni Aliyah ang lalaki na ngayon ay nakatulala sa may sapatos niya.
“Sabi nila, ipapakilala na ang bagong prinsipe ng Aztariya. Kaya lang n’ng nakita ko ang mukhang pinapalakpakan ng madla, sabi ko, anong Kairo? Si Hiro ‘yan,” bahagya pa niyang pinilit na matawa. “And then it hit me, I finally understood what must have happened. I concluded that this Prince had to live in a different country, under a different name, and he got too bored that he thought of entertaining himself with me. And you know what? I hated you so much, Kairo. I really did.”
“Liyah, I’m so sorry-”
“Pero alam mo, dahil sa’yo, nagawa kong isubsob ang sarili ko sa trabaho. Doon na lang ako humugot ng lakas. Doon ko itinuon ang buong atensyon ko. Para naman hindi ako mukhang tanga na iniiyakan ang isang tao na hindi man lang inisip ang nararamdaman ko. I did my best to distract myself. But you know what sucks the most?” she has a faint smile. “Sa tuwing pinapalakpakan at pinupuri ako, naaalala ko kung paano ka matuwa sa tuwing kumakanta ako. How you cheer for me every single time that I perform for you. Habang sumisikat ako, iniisp ko, nakikita kaya ni Hiro lahat ‘to? Kahit papaano kaya totoo ‘yong mga sinasabi niya noon? Totoo kaya na proud siya sa akin kahit na kaunti? I doubted everything. You gave me the confidence, but after you left, I can’t get it back fully. Good thing I learned how to fake it.”
“Sorry, Aliyah. Hindi ko talaga inisip kung ano ang magiging epekto ng lahat sa’yo. Pinili ko lang na intindihin ang sarili ko. Pero sa totoo lang, kahit na gusto ko man sabihin na nagsisisi talaga ako nang lubusan, I can’t. Kasi masaya ako na kahit papaano, nagkaroon sa punto ng buhay ko na masaya ako sa piling mo. Gusto ko lang linawin sa’yo, walang peke sa lahat ng nararamdaman ko para sa’yo. I will always love you, Aliyah. I never stopped.”
“Madaya ka,” Aliyah’s tears rolled down her cheeks. “Sana binigyan mo ako ng chance para magkaroon din ng ending. Gusto ko rin na makapagpaalam nang maayos sa relasyon natin noon. Baka sakaling hindi ako masyadong nadurog. Baka kung alam ko na matatapos din ‘yong saya, kahit papaano alam ko na hindi ko dapat ibuhos lahat. Kasi wala Kairo, eh. Wala na akong naitira para sa akin. Masyado akong tiwala na ikaw na ang bahala sa akin… hindi ko na nga alam kung paano ko pa aalagaan ang sarili ko dahil sa’yo lang ako dumedepende. Kaya ayon, no’ng nawala ka, nawala rin ako.”
“Aliyah, alam ko na kahit na bigyan kita ng walang humpay na apology, hindi no’n mapupunan kung ano ang ginawa ko sa’yo. Alam ko na mali ako, at alam ko na hindi madali ang lahat. Kaya nga noon muli tayong nagkita, hindi mawala- wala sa isipan ko na kung pumayag ka man sa magiging kasunduan na ito ay wala na talagang pagbabago mula sa nagawa ko sa’yo noon. It’s unfair for you, hindi puwedeng ituloy natin nang ganito at hindi ka naman magiging masaya sa magiging kasal natin. Paano kung maharangan ko ang buhay mo, ‘yong success mo. Hindi ko kaya na gawin ulit lahat ito sa’yo dahil na naman sa akin.”
“Hindi ako Santo, Kairo. Nasaktan ako, nakaramdam ako ng galit at oo, inaamin ko, noong ipinatawag ako sa palasyo, kahit kaunti ay ipinag dasal ko na sana hindi matuloy. Sabi ko, sana ‘wag na lang kaming mag kita ulit. Kasi Kairo, buo na ako ngayon. Masaya na ako sa buhay ko. At kahit papaano, kahit na medyo mahirap, kaya ko na ngayon na tumayo sa sarili kong mga paa. But to be honest with you, I wanted it to happen, I genuinely want it to be the case.”
“You- you do? But-” nau-utal- utal pa ang lalaki. “For what reason? Is it because you want it to happen or you’re doing this out of pity? Are you putting others first again? Aliyah, you can stop doing that, you know?”
She nodded, “Of course, I know. That decision was for me. I tried to conceal it from my own brain. Ang sabi ko pa sa sarili ko, tinutulungan ko lang ang palasyo. Para lang lahat ito sa mahal na Reyna. Pero higit pa roon, gusto ko rin talaga. Ang akala ko ay purong galit lang ang mayroon ako at gusto kong itali rin ang buhay mo sa akin. I kinda had a phase where I thought of making you suffer the same pains that I did. But I can’t. Kairo, I can’t do that to you.”
“I- what do you mean? Hindi ko masyadong nasusundan kung ano ba talaga ang gusto mong sabihin. Do you want to get married? Liyah, gusto mo ba na maging Prinsesa ng bansa?”
Aliyah shrugged, “Sa totoo lang, hindi.”
Tila ba literal na narinig ni Kairo na mabasag ang puso niya dahil sa sakit ng mga narinig niyang mga salita. Malamlam ang kan’yang mga mata at patago niyang pinunasan ang luha na dahan- dahang tumulo sa kan’yang baba. Pilit na ngiti ang kan’yang ibinigay sa dalaga.
“Naiintindihan ko,” he whispered. Mahirap man para sa kan’ya na tanggapin ito, ay wala siyang angal. Hindi niya gugustuhin na pigilan ang dalaga sa kung ano man ang tunay na plano nito.
Hindi niya na hahadlangan pa ang babae sa kahit na ano mang gustuhin niyang gawin. ‘Yon ang pangako niya sa sarili, at hinding- hindi na niya sisirain pa ‘yon. Hindi na, kahit kailan. Lalo pa ngayon na narinig na niya ang mga hinaing ng dalaga. Nalaman niya kung gaano siya nasaktan noong mahiwalay silang dalawa mula sa isa’t- isa. Oo nga at pareho lang silang nasaktan, ngunit alam ni Kairo na ibang- iba ang naramdaman niya kumpara kay Aliyah.
He knew everything. The whole picture was painted by him only. He knew the whole situation, the answer to it all. But her, she was left alone and confused. She was lonely and ignored. He got the closure on his side, while all she had were questions. His what ifs are her whys, and his happy escapes through memories are like fatal poison that she can’t escape.
“Hindi ko pinangarap na maging Prinsesa, Kairo. Pero pinangarap ko na makasama ka habang buhay. At kaya ko na pasukin ang mundo mo, kung sa pagkakataong ito, sigurado ako na mananatili ako roon, sa totoong kinalalagyan mo rin.”
“Li-Liyah?”
“Hindi naman ako tanga. Alam mo ba na sinusubukan ko nga talagang layuan ka. Araw- araw, pagkagising ko, lalo na ngayon, sinasabi ko… Aliyah, tama na. ‘Wag na nating ulitin ‘yong malalang dilubyo. Okay na ‘yon. ‘Yong mga bagay na ‘yon ang dapat once mo lang na pag dadaanan. Kaya lang sabi ng bobong puso ko, hoy, teka lang! May chance eh, hindi ba natin susubukan?”
“Are you telling me that-”
Aliyah’s wet face beamed with joy as she nods, “Gusto ko, Kairo. Gustong- gusto ko.” nanginginig ang mga kamay ng Prinsipe sa pag hawak ng kan’yang mga balikat.
“Aliyah, please. Are you sure about this? Is this your final decision? Kasi please lang, hindi kakayanin ng katawan ko kung ngayon mo ako banatan ng mga biro mo. Hindi ko kakayanin.”
“Pinilit ko talaga na hindi ka na magustuhan, Kairo. Pero hindi ko pala kaya. Kahit pala anong sabihin ko sa sarili ko, kahit na alam kong may chance na mabaliw na naman ako dahil sa maaaring mangyari, sa tuwing nakikita ko ang mukha mo, nakakalimutan ko lahat ng reasoning ko kung bakit hindi dapat. Kasi alam mo, naging pinaka masaya ako no’ng nandon ka para pangitiin ako. I miss being with someone who makes me feel like I am enough. I can’t deprive myself of happiness this long. Lalo na sa tuwing nakikita ko sa mga mata mo na-”
“Na?”
“Nakikita ko sa mga mata mo na kahit kung minsan sinusubukan mo akong awayin, sinusubukan mo akong kagalitan… nakikita ko pa rin kung papaano ako tignan ni Hiro noon. Nakikita ko pa rin ‘yong lalaki na binigyan ako ng walang sawang pagmamahal. Nakikita ko na pareho lang tayong dalawa. Pareho lang tayong nag pipigil sa mga damdamin natin dahil hindi natin alam kung tama bang ituloy ulit. Ngunit alam mo, ngayon… handa akong sumugal. Handa ka ba?”
“What the hell, Aliyah, alam mo ang sagot ko d’yan. Hindi naman talaga ako huminto sa pagmamahal sa’yo porket napilitan akong iwanan ka. Hindi magbabago ang lahat ng ‘yon. Alam mo ba kung gaano kahirap para sa akin na panoorin ka nang alam kong minsan kitang napa-iyak dahil lang hindi ko kayang pigilan ang sarili ko? I felt terrible, Aliyah. Hindi ko na gustong maulit ‘yon. Pero kung talagang gusto mong magpakasal sa akin, magiging ako ang pinaka masayang lalaki sa buong mundo. Hindi ako gagawa ng kahit na anong makakapag pasama sa loob mo. Babawi ako sa lahat ng nangyari-”
The lovers both hugged each other closely. Halos hindi na sila makabitaw habang walang hinto ang hagulgol nilang dalawa.
“You smell like straight up whisky, are you drunk?” natatawang pinunasan ni Aliyah ang mga luha na nasa mukha ni Kairo habang ganoon din naman ang ginagawa ng prinsipe habang bahagya pang natatawa.
“I drank a little, yes. Pero hindi naman ito drunken decision lang. Talagang gusto ko na matuloy ang kasal nating dalawa dahil ‘yon lang ang tanging makakapag pasaya sa akin. You have no idea how happy I am right now, Aliyah!”
“Hindi ko inakala na habang pinipilit ko ang sarili ko na hindi ka dapat pakasalan ay mas natatauhan pa ako sa kung bakit dapat kitang ipaglaban. I was too scared to go after you even if I had the feeling that you are still waiting for me.”
“Dummy, bakit naman kasi sinabihan mo ako na hindi mo na gustong ituloy ang lahat kapag natapos na ang problema? Alam mo ba na sobrang natakot ako dahil doon?”
“I can’t fight it,” the woman spoke. “I am too scared to try and steal you from somebody else. Ang akala ko naman ay kaya ka umaayaw noon dahil lang talagang ayaw mo. Kasi naman, may echosera kang lover d’yan sa loob ng palasyo. Hindi ko nga dapat itutuloy ang pag balik dito eh. Kaya lang kinailangan noon na mag film ng music video. Kaya ayan na nga, wala na akong choice.”
“Ha? Sino naman ang sinasabi mong lover ko? Wala akong kahit na sinong naging ka-relasyon kahit na kailan kung hindi ikaw lang. A Prince of Aztariya should never date someone that the royal family doesn’t approve of. Hindi ako lumalabag sa batas na ‘yon- well, it was a different story when I met you. I just can’t stop myself even if I try so hard. But look, parang pinagbigyan tayo mismo ng universe at pinaglapit pa tayong muli.”
“Walang hiya, e sino si Moira? Bakit kung mapang away siya parang nakikipaglaban siya sa kabit? Hindi niya ba alam kung gaano kasakit ‘yon? Parang ako pa ang naninira sa relasyon nin’yong dalawa.”
Naghihintay si Aliyah sa magiging sagot ni Prinsipe Kairo ngunit hindi niya inaasahan ang sumunod nitong sinabi.
“Sinong Moira?”