Chapter 45: Two Months

2233 Words
"Ano ba naman 'yan, Aliyah? Nagkaroon ka talaga ng problema dahil doon sa Moira na kinukuwento ni Ira? Hindi ko naman expected na kaya palang pababain ng babae na may napakasamang ugali ang tingin mo sa sarili mo. You are the Aliyah Grace. Hindi ka dapat natatapaktapan ng kahit na sino. Hindi ka rin dapat biglaang nagpapaapekto sa mga sinasabi ng iba na wala naman proof at basis. Kailan pa kita tinuruan ng gan'yan? Never! 'Di ba ang sabi ko sa'yo, lagi kan manlalaban dapat. At dapat, hindi ka magpapaapekto sa mga hindi naman importante. Bakit? Importante ba 'yong babaeng 'yon?" Aliyah rolled her eyes and immediately replied, "Aba'y malay ko ba? Hindi ko rin naman kasi alam ang buong kuwento nilang dalawa. Baka nga no'ng nag hiwalay kami, 'di ba? Baka nagkaroon silang dalawa ng koneksyon nang hindi ko nalalaman. Ang sabi pa no'ng babae magkababata pa nga sila. Ano ba naman kasi ang magiging laban ko kung ganoon naman ang tindi ng paglalapit nilang dalawa? Wala rin, talo rin talaga ako. Kaya nga pinaniwala ko itong bobo kong sarili na hindi ko na dapat I-entertain ang mga delusions ko. In the end, si ateng Moira naman pala talaga ang ilusyunada." "Tama, ilusyunada naman talaga 'yong babaeng 'yon, noon pa!" singit ni Ira habang may dala- dalang isang pitsel ng malamig na soft drinks. "Hindi naman kasi sila talaga close ni Prinsipe Kairo, pero hindi ko alam kung ano ang kinakain niya at nagawa niyang ipaisip sa sarili niya na silang dalawa ang itinakda ng mga bathala na magkita at magkatuluyan dito sa mundong ibabaw. May saltik din 'yon kung minsan eh, ang akala mo siya ang nagpapakain sa 'yo. Ganoon din ang lakas niyang makipagbangayan. Hindi ka talaga mananalo sa mga babaeng wala na sa sarili. Lady Aliyah. First wrong move mo na hindi kami sabihan nitong si Dan. Kasi, kung alam lang namin ay siguradong hindi na nakakapagsalita 'yong babae na 'yon ngayon. Hindi na rin siya makakapag suklay, kasi wala na siya siguradong buhok." "Wala na, sa buong katawan," Dan added. Ira nodded and said, "Tama, pati bulbol." "Kadiri naman 'to," natawa si Aliyah sa kakulitan ng dalawa. "Sa sobrang dalas niyong kasama sina Dusk at Dawn, nahahawa na kayo sa pananalita nilang dalawa. Aba't ngayon pati pubic hair no'ng babae, papakialaman niyo pang dalawa ha? Yuck!" "Sobrang kati kasi, baka kailangan niya ng assistance, 'di ba 'no, Dan?" Si Dan naman ay proud na proud pang nakipag apir kay Ira, "Gusto niya tulungan pa natin siyang mamili ng kung anong pattern ang nababagay sa kan'ya. Puwede sabihin natin sa kan'ya na mag zebra pattern siya, para naman hindi siya masyadong busy sa buhay ng iba. Pag tuunan niya muna ng pansin 'yong pattern ng kemerut niya." "Nakakasuka na talaga!" Aliyah wiggled her whole body as if shaking off the weirdness of these two. "Kanina lang, usapan natin ang pagbabalikan namin nang tuluyan ni Prinsipe Kairo. Tapos biglaan na nauwi sa kung papaano nakakatulong ang paglalagay ng zebra pattern sa pubic hair para hindi makapanghimasok sa buhay ng iba. Naririnig niyo pa ba kung saan tayo papunta? Kasi nakakasuka na rin guys, walang biro!" "Mas nakakasuka si Moira," hirit pa ni Dan. "Alam mo ba, hindi ko pa talaga nakikilala 'yong babaeng 'yon pero handa na ako kaagad na makipag away, walang biro talaga. Handa na akong kalbuhin siya kaagad, nang hindi ko man lang alam kung gugustuhin ko ba, kasi sayang naman sa time kung hindi niya rin deserve ng attention nating tatlo. Lalo ka na," nakangisi niyang nilingon si Aliyah. "Alangan namang hayaan natin siya na magkaroon ng napakalaking blessing para masabunutan siya ng future Prinsesa na si Aliyah Grace lang naman!" "Oh my goodness, I didn't even thought about that. Are we really gonna put our efforts into beating her up when we are besties with the future princess? Sayang ang ganda natin sa ganoon. Dapat hindi natin siya pagbubuhatan ng kamay, sapat na siguro na sampalin natin siya ng mga mapanakit na mga salita, to the point na hindi niya na kakayaning makinig pa sa kahit na ano pagkatapos. " "Alright, so, I heard from Ira that we're targeting to give her emotional and mental damage, okay... noted. Nice suggestion Ira, I like how creative you are with your words and with your plan-" "T*ngina naman nitong si Dan eh, seryoso nga kasi." Hindi na napapansin ni Aliyah ang bangayan nitong dalawa niyang kaibigan dahil ngayon nakuha na ng telepono niya ang kan'yang buong atensyon. Bakit naman kasi hindi? Heto nga at nag te- text na sa kan 'ya si Prinsipe Kairo. Nagsimula sa good morning, hanggang sa nag tatanungan na sila kung kumain na ba ang kapareha. Talagang abot sa langit ang ngiti nitong babae dahil sa kilig. Hindi talaga aakalain na kasama siya ngayon sa usapan nitong dalawa kung papaano nila dudurugin nang buhay si Moira. "Kung makapag smile, akala mo hindi kasama sa kawalang hiyaan nating dalawa, eh 'no? Tignan mo, ang ngiti naman talagang napaka tamis! Diabetes na ang sasampal sa ating dalawa Ira, kapag nagpatuloy pa ito, kailangan nating mag baon ng sarili nating insulin." "She's so in love that she's not even hearing us anymore. Look at her, bigla siyang napunta sa ibang dimension. Kailan kaya ako kikiligin nang gan'yan kalala? Puro na lang kasi ako sana all, kailan kaya darating sa punto na ako naman ang makakarinig ng sana all?" "Tange, jowain mo na kasi si Dusk para hindi ka na masyadong madrama d'yan. Mukha namang may gusto sa'yo 'yong tao. Mukhang okay naman din, mabait naman at mapagkakatiwalaan. Tapos 'di ba ang tipo mo mga matatangkad na kayang- kaya ka kamong ipaglaban. Tignan mo, matangkad tapos royal guard. Saan ka pa? Wala ng mas hihigit pa roon kay Dusk! Tapos driver pa, puwede pang maging piloto mo, oh, 'di ba? Dadalhin ka niya sa langit bakla, bakit ka pa ba aayaw?" "Gaga," hinapas ni Ira ang balikat ni Dan kaya naman biglaan siyang napasandal kay Aliyah. "Lahat naman ng sinabi mo, 'yon din si Dawn. Kulang nalang nga at maging isang tao na 'yong dalawang 'yon. Duda ako, baka silang dalawa lang din ang magkatuluyan, hindi ko alam kung magkakaroon ako ng chance kung nasa tabi lang niya si Dawn. Tignan mo nga at mayroon pa silang couple names! Talagang parang silang dalawa na lang ang itinakda ng tadhana para sa isa't -isa." "Gagi, walang problema. Edi habang si ginigilingan mo si Dusk, ako na ang bahala kay Dawn. Tutal naman ay hindi rin masama ang isang 'yon. Nagkakaintindihan din naman kaming dalawa sa mga trip namin. Kaya lang medyo wild, masyadong maraming nalalaman sa mga kalokohan ang isang 'yon." "Oh my gosh! May crush ka nga pala kay Dawn! Muntikan ko na makalimutan!" tawang- tawa pa itong si Ira dahil sa naalala niya. "Kung malalaman lang ni Dawn na mayroon kang isang buong album na punong- puno ng stolen photos niya, siguro matatakot sa'yo 'yong lalaking 'yon. Baka ang isipin pa niya ay stalker ka niya. Malaki rin ang ulo no'n! Kung hindi 'yon ang unang- una niyang maiisip, mag taka ka na, kasi may mali sa kan'ya. Ganoon siya kalala. Mataas ang tingin sa sarili." "Pero sobrang cute niya kaya! Nakakatuwa rin siya, lagi siyang masayahin, makulit, parang wala siyang nadadalang problema sa kahit na anong nangyayari. Kahit na lahat tayo ay sobrang stressed, 'di ba't sobrang saya pa rin niya at talagang nagbibigay pa siya ng parang inspiration sa--" "Inspiration? Dan, oh gosh! Malala ka na! Paanong magiging inspiration 'yong ganoon na walang ibang alam kung hindi ang mag biro ng tungkol sa mga nakakadiring bagay. Kung hindi mag jo- joke nang tungkol sa balls niya, mayroon pa siyang mga bala na tungkol naman sa iba pang disturbing na bagay. Alam mo, kung sabihan mo siya na mag try ng zebra pattern, baka magulat ka na lang at subukan niya talaga." "Akala ko sasabihin mo sa akin na hindi malabong mag send nalang siya bigla ng proof sa kung papaano ang ginawa niya," Dan blushed. "Oh my, kung anu- ano na lang ang naiisip ko tuloy! Kasi naman, ang dami mo pang sinasabi, Ira! Nadudumuhan mo na naman ang isip ko. Hindi naman kasi ako ganito talaga no'ng dati. Mabait lang ako tsaka mala anghel. "Baka hindi mo alam na noong ipinanganak ako, naging favorite ako ng holy spirit." Aliyah snapped out of it when she heard the girls talking about how holy they are, "What the f*ck did I just come back to?" "Come back? Hindi ka naman umalis. Adik ka lang talaga d'yan sa kausap mo kaya hindi mo na nalalaman kung ano ang nangyayari. Bakit ba hindi ka nalang lumabas sa pintuan? Sigurado naman akong nasa palasyo pa rin ngayon si Prinsipe Kairo, 'di ba, Ira?" "Hmm, I think so. Hindi naman yata siya aalis ngayon. At sa tingin ko, hindi talaga siya aalis lalo pa na first day pa lang nin'yong nagkakabalikan. Baka nga excited pa ngayon si Prinsipe Kairo na naghihintay sa'yo, para sabayan mo siyang kumain ng almusal, Lady Aliyah." "Sira," kinikilig na ngumiti ang dalaga. Nag niningning pa talaga ang mga mata niya. "Ang sabi niya sa akin, sabay raw muna silang kakain ng Mahal na Reyna. Mayroon yata silang mga dapat na pag- usapan, kaya mamayang hapon pa siguro kami makakapag kita talaga. May mga lessons din kasi ako ngayon, 'di ba? Tapos mamayang hapon, balak ko rin na kausapin ang manager ko. Gusto kong sabihin na kay Emily ang buong kuwento, para hindi na siya masyadong magugulat sa mga susunod na pangyayari. I trust her naman. Sa tingin ko, kung malaman niyang engaged kami ni Kairo, hindi niya ilalabas sa publiko ang kuwento para lang ibenta ang info." "Nako, mababalliw si Emily kapag nalaman niyang ang alaga niya pala ay magiging prinsesa nitong bansa. Baka nga hindi ka na niya papuntahin sa kahit na anong trabaho kapag nalaman niya 'yon dahil matatakot na lang siya na bigyan ka pa ng pagod. Nako, baka kapag nalaman niya pala, manghingi muna siya ng picture ni Prince Kairo sa'yo, kasi nalaman ko lang lately na sobrang napopogian pala siya sa kan'ya. Mukhang balak niyang pilitin ang sarili niya na paglihian ang prinsipe sa susunod niyang pagbubuntis." "Uunahan niya pa talaga ako na magkaroon ng anak na kamukha ni Kairo, ha?" "Ano?" "Ha?" magkasunod na tanong nila Dan at Ira. Biglaan naman na namula ang mga pisngi ni Aliyah. "Delete your f*cking ears," she said. "'Wag niyo akong masyadong binibigla ng mga tanong kasi. Hindi pa masyadong ready ang utak ko. Masyado pang marami ang iniisip ko, kaya hindi ko pa kayang mag focus masyado, okay?" sabi niya pa habang natatawa. "So, ang plano pala ni Princess Aliyah natin ay kalabanin 'yong makapal ang mukha na si Moira, tapos gusto niya rin na mag buntis kaagad para siya ang magkaroon ng anak na kamukha ni Prinsipe Kairo. Pero, hindi pa niya nasisimulan na pagplanuhan kung paano ipapaalam sa publiko na may relasyon sila ng Prinsipe at kung papaano mangyayari ang napaka laking kasal nilang dalawa. " "Oh gosh, Dan! You calling her as Princess Aliyah legit gave me chills! Paano natin paghahandaan ang pinakamalaking royal wedding ng nation? Hindi pa tayo naghanda ng mga susuotin pero baby na ang nasa isip nitong si Lady Aliyah!" "Gaga talaga kayong dalawa! Tama naman na, hoy. Masyado kayong imbento! Simpleng comment lang na ganoon, hindi niyo na kaagad kinaya. Paano pa pala sa susunod?" "Sa susunod, hindi ka na namin mabibiro nang malala kasi may korona ka na rin," sabi ni Dan sa dalaga na sinang ayunan kaagad ni Ira. "Excited na ako," sabi ni Ira. "Mababaliw ang buong mundo kapag nalaman na nila ang pasabog na couple sa palasyo! Ang dami niyo na ngang shipper, sigurado akong hindi makakaya ng mga utak at puso nila ang tuwa kapag nalaman nilang totoo na magkakatuluyan talaga kayo!" "Nako po, maraming mga iiyak na fans si Aliyah. Pero nakikita ko naman online, aminado sila na sa buong mundo, wala naman talagang iba pa na mas karapat- dapat para magpakasal sa Reyna nila kung hindi ang literal na prinsipe ng bansa. Magiging totoong Reyna ka na rin sa wakas. 'Yan talaga ang bagay sa'yo," sabi niya. "Puro kayo kalokohan talaga. Parang hindi ko narinig kanina na pinag- uusapan niyo 'yong dalawang lalaki na crush niyo. Bakit ba hindi na lang kayo makipag kiligan din sa mga partner nin'yo?" "Partner?" Ira pretended to gag. "Itong si Dan lang naman ang patay na patay. Ako naman hindi ako kumekerengkeng. Sapat na muna sigurong kayong dalawa ang magkaroon ng love team. Okay lang, ako na lang muna ang mag sa- sana all sa ating lahat. Maghihintay ako, baka may iba pang prinsipe na dumating para sa akin." "Gaga, lalayo ka pa. Si Dusk nga kasi!" Aliyah giggled, "Bahala kayo d'yan. Basta ako solve na solve na sa Prinsipe ko." "Nasusuka ako t*ngina," bulong ni Dan. Napahinto si Aliyah sa pagtawa nang maramdaman niya ang vibration mula sa phone niya. Once she checked her phone, she gasped at the message written on it. "Anong nangyari?" Dan asked. Aliyah's eyes widened, "What the f*ck? Sinabi na raw ni Kairo kay Queen Olivia na ikakasal kami-" "Oh my gosh! Anong sabi raw?" The future Princess gulped, "Ang sabi raw ni Queen Olivia... two months- mag papakasal daw kami after two months."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD