"Nasaan ka nga pala, Aliyah? Bakit parang kakaiba ang itsura ng room mo? Did you redecorate your place? It's been while since I last visited you, I kinda miss hanging out at your crib, I am not gonna lie. Mahirap na lang kasi ngayon dahil kailangan kung wala ako sa office, nasa bahay na lang ako. Alam mo na, kailangan alagaan palagi si Ayumi kapag may free time. Nako, baka mas piliin na si George kapag tinanong kung sino sa amin ng papa niya ang mas love niya."
"I don't think so, alam ko kung gaano ka kagaling na mag alaga. Hello, alagang Emily yata 'to! Siguradong ikaw pa rin ang pipiliin ni Baby Ayumi kahit na ano ang mangyari. Lalo pa at narito naman ako para tulungan kang bilahin siya. Suhulan natin siya ng mga laruan, ako ang bahala. Miss ko na rin 'yong cute na batang 'yon. Ang tagal ko na hindi siya nakikita."
"Oo nga eh, hindi ka na rin kasi nakakabisita. Minsan sana umuwi ka rin doon sa bahay para naman makapag bonding tayo nang hindi lang puro trabaho ang nasa isipan natin. Kailan ba tayo huling beses na nakakain nang magkasama na hindi dahil sa meeting or sa contract signing. Parang wala na akong naaalala. Puro stress na lang din ang madalas nating pag usapan lately. Hindi ko na nga alam na magkaibigan pala kayo ni Prince Kairo. Aba't akalain mo na malalaman ko na lang dahil sa personal projects mo. Aliyah naman, parang hindi mo na ako sinasama sa secrets mo ha! Kaunting- kaunti na lang talaga at magtatampo na ako kay Dan. Mas siya na ang nakakaalam ng mga tungkol sa'yo."
"Nako, 'wag ka na mag tampo. Kaya nga ako tumatawag sa'yo ngayon para makabawi naman na ako eh. Hindi ka na mahuhuli sa balita kahit na kailan, promise!"
Masayang nakikipag kuwentuhan si Aliyah sa manager niyang si Emily nang makarinig siya ng katok mula sa may pintuan niya. When she looked at the door, she saw Dan. Itinuturo ng babae ang hagdan patungo roon sa mismong bed room at naintindihan na ni Aliyah kung ano ang tinutukoy nitong babae. With a huge smirk on her face, she walked with tablet in her hand. Naglalakad siya habang nakatutok ang camera niya sa may butas ng ilong niya at itong manager naman niya ay natatawang pinapanood lang siya.
"Hoy, kita ko na ang utak mo, Aliyah. Magkano kaya ang ibabayad sa akin ng mga fans mo para lang mag release ako ng mga screenshot ng ganitong moments mo?" she joked.
They both laughed. The manager does not know that she's about to hear the wildest announcement from her talent. Dahil habang nagbibiro ito at kumukuha ng mga screenshot ay pinapatuloy na ni Aliyah sa kuwarto niya ang Prinsipe na nagniningning na ang mga mata dahil lang nakita niya nang malapitan ang babae. He sweetly gave her left hand a kiss as Aliyah continued to talk with her manager.
Nang makaupo na ang babae sa kan'yang kama, katabi si Kairo, umiinom naman ng juice si Emily. Doon niya napansin na parang may kakaiba sa ngiti ng dalaga.
"Ano na naman ang kalokohan na ginawa mo, Aliyah Grace? Gan'yan na gan'yan ka sa tuwing may nagagawa kang mali at gusto mong ipaalam sa akin. Spill it, anong mayroon?"
"Emily, may gusto nga akong ipagtapat sa'yo. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman mo tungkol dito, pero wala na akong magagawa. Ito na talaga ang kailangan eh."
"Hoy, Aliyah naman. 'Wag gan'yan ang tono, masyado mo akong pinapakaba. Ano ba ang sinasabi mo? May mga kailangan ka ba na ibahin sa mga projects mo? Do you want to cancel things? Hindi naman big deal 'yan, puwede nating gawan ng paraan lahat. Don't stress yourself too much, I will help you with that."
Aliyah sighed. Bigla niya na lang nadiinan ang pagkakahawak sa kamay ng prinsipe na nasa tabi niya. She did not expect to feel this sad.
"Emily, I'm sorry. Hindi ko rin alam na magiging ganito kabilis ang lahat. You have been there for me since the very beginning. And I have to leave you behind since I need to go in a different path. Sorry, Emily. I need to quit showbiz."
Parang biglaang nabaril ang babae sa kabilang linya. Hindi niya magawang kumurap dahil sa gulat.
"Wha- what?"
"Emily, I am now engaged-"
"Ano? Kanino? Teka- are you joking?"
The future Princess shook her head. Tumingin siya sa kaliwa niya at naroon si Kairo na nakangiti pabalik sa kan'ya. She slowly turned the camera angle ang showed the Prince in frame.
"Hello po," the Prince greeted her.
"What the hell is f*cking going on? Aliyah? Are you playing with- oh my God!" dali- daling yumuko ang babae nang makilala niya itong nasa harapan niya. "Prince Kairo," magalang niya pang sabi.
"I heard so many things about you, Madam Emily," he said. "Nahihirapan pong magsalita itong si Liyah dahil naiiyak na. Hindi niya rin po kasi inaasahan na magiging ganito kabilis ang lahat. Nasa plano na rin po kasi na ikakasal kaming dalawa after two months. She's my fiance, the future Princess of Aztariya."
"Sanda- teka- uh, sandali lang po. Hindi ko kasi masyadong maintindihan. Parang sasabog na ang utak ko. Totoo po ba itong mga nangyayari ngayon? Kasi hindi ko po talaga sigurado kung totoo or pinagloloko lang ako nitong alaga ko."
"Emily, totoo," she responded. "Kaya ako humingi ng mas maraming day off dahil dito na ako umuuwi sa palasyo. Sa ngayon, medyo sikreto pa ang lahat, pero malapit na rin naming ilabas ang balita- well, balak namin na unti- untiin kasi baka masira ng mga tao 'yong saya. Alam mo naman, medyo mahirap din lagay namin ngayon. But Emily, I can assure you that this is real. Kaya nga kinailangan ko na rin talaga na sabihin sa'yo. We need to finish everything in two months. Kasi pagkatapos, hindi na ako makakagawa ng mga kahit anong tungkol sa showbiz."
"Paano ang mga projects mo na naka schedule na for next year?"
The prince frowned. Hindi niya nagugustuhan ang mga naririnig niya. Naiisip na naman niya kung gaano kalaki ang epekto nito sa dalaga. Na nasira na naman niya ang takbo ng buhay ng dalaga. Siya na naman ang dahilan kung bakit hindi niya maayos na magawa ang mga gusto niyang gawin. She has a really great career right now. Siya ang nasa tuktok ng showbiz. Tapos ngayon ay kailangan niyang lumayo sa buhay na 'yon. Natatakot siya na kapag ikinasal sila, bigla na lang na malaman ni Aliyah kung gaano kalaking pagkakamali na pinili niya itong lalaking ito upang pakasalan.
Aliyah bit her lip, "I know, marami ang hindi matutuloy ng dahil sa akin. Pero hindi ko na talaga maitutuloy ang mga 'yon, Emily. I need to be in a different role now. I am going to be accepting big responsibilities. And to be honest, I don't have any idea how to f*cking fill up those shoes because who the hell am I? Isa lang naman akong babae na marunong kumanta at umarte. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Hindi ba't wala na rin naman akong magagawa pa-" napahinto ang dalaga nang makita si Prince Kairo na biglang nag iba ang itsura. Hindi na siya nakangiti na kagaya nang kanina. Hindi na rin niya nagagawang tignan ang screen. She can see how his face darkened with worry.
"Emily, alam ko na maiiwanan ko kayong lahat nang nabibitin kasi hindi natin nagawang magpakabugbog sa lahat ng projects at mga events na maaari nating gawin. Kaya lang, kung hindi ko susunggaban itong pagkakataon na ito, baka kasi makatakas pa sa akin itong mokong na 'to. Nangyari na nang isang beses, pero hindi ko kayang malayo pa sa kan'ya, Emily. I gained enough courage to sing and perform because of the courage that he gave me made me who I am today."
Tinignan siya ni Prince Kairo, "Sa totoo lang, natatakot ako na hindi ko na siya makakasama ulit kung pipiliin ko ang sarili ko," she pressed on his hand. "I really want to complete my future with him. I want to give myself the opportunity to enjoy time with him. This time, I want to be selfish. I want to choose my own happiness with him this time."
"Liyah," mahinang bulong ng lalaki.
Sa camera ay nakikita nilang lumuluha na si Emily habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Aliyah. "I am happy for you, Aliyah. Alam mo naman 'di ba? Kahit na ano pa ang maging desisyon mo sa buhay palagi lang ako na nasa likuran mo at naghihintay kung kailan mo kailangan ng kaunting tuloy. Kung gusto mo whether you need a little push, or if you want to lean and relax for a bit, take a breather... I am your girl. Hindi ako tatanggi sa kahit na anong kailangan mo. Kung may iniinda ka at kailangan mo ng ate na makakausap, nandito lang ako palagi. At tandaan mo, you changed lives as an Idol. Imagine how many more lives you can influence once you wear the crown. Hindi magiging mahirap para sayo na gabayan ang nakakarami patungo sa kung ano ang makakabuti sa kanila. You have that power, Aliyah. And you might not be used to it at first, but believe me, the power that's about to be given to you... you deserve it so much."
"Emily, this means a lot," sinisinok si Aliyah dahil sa pagpipigil ng mga luha niya. "I am so scared. Hindi ko alam kung papaano maging prinsesa. Mabuti nga at narito si Kairo para ipaalala sa akin na kahit anong mangyari, may kasama ako, at siya 'yon. Pero nakakatakot pa rin talaga. Maraming salamat at pinapalakas mo ang loob ko, kasi talagang itinuturing na kita bilang totoong ate ko and you just made me believe that I can face what's about to come."
"Oh honey," Emily wiped off her snot. "You definitely can! You have the heart that knows how to listen and understand the people. And that's the most important thing that you need. You are already there, now all you have to do is wear the pretty, pretty crown. Am I right, Prince Kairo?"
"Ye- yes," he got his smile back. "I had no doubts. I know Aliyah would do better as a ruler. She's someone that the people needs. I know that they would be happy to bow down to you as their Princess, Aliyah. You don't have to worry, tama lahat ang sinabi ni Madam Emily. At kailangan hindi mo rin makakalimutan na mayroon kang kaibigan na kagaya niya dahil kapag nahihirapan ka na at kapag kailangan mo ng makakausap, sigurado akong malaki ang maitutulong niya sa'yo. I can tell how important you are for her. And Madam Emily, I just want to say thank you."
"P- po?"
"During those years that I am not in Aliyah's life, you were there. Hindi mo siya pinabayaan at inalagaan mo siya habang nahihirapan siyang pag aralan kung papaano papasok sa showbiz. Sigurado akong takot na takot siya noong mga panahon na 'yon at ikaw ang nasa tabi niya para sumuporta at umalalay. I really want to be there and be the person that could reassure her every single step of the way, but I couldn't. And I want to thank you so much because as I see it right now, you're a really great person. And I am very happy that you were there. Salamat at inalagayan niyo po si Aliyah."
"Ano ba 'yan," napahugolgol si Emily. "Bakit naman po kasi may pa gan'yan pa, Prince Kairo? Nakakaiyak naman. Parang ibinibigay ko sa'yo 'yong anak ko! Pero kasi naman, baby ko talaga 'yang si Aliyah. She's the one that saved me and our whole company. She is our golden ticket. She's the one that gave us everything. At kahit na mahirap para sa akin na maging masaya sa pag alis niya, masaya naman ako dahil alam kong may pupuntahan pa siya kung saan mas kailangan siya. I will be rooting for you two, okay?"
"Thank you so much, Emily," Aliyah said. "Hindi kita makakalimutan, tandaan mo 'yan, okay? Kailangan sa kasal namin, nandoon ka! Hindi puwedeng hindi mo ako picture-an. 'Yon ang lagi mong ginagawa noon, 'di ba? You were my personal photographer back when we have nobody else."
"I will, Aliyah. I will sweetie."
"Kasal," natutulalang sabi ni Kairo nang matapos ang tawag. "I never felt this much rush just by hearing that word."
"Stupid, what are you thinking?"
"Oh my goodness, Liyah," Kairo gasped. "I forgot to tell you something."
"Huh? Ano?"
"The Queen wants to eat diner with us two- we're screwed."
"Why?"
Napapailing na tinignan siya ni Prince Kairo, "She's too excited to hear that we decided to get married. We would be hearing a lot... get ready."