Chapter 47: Mother

2376 Words
“You have at least fifteen more bottles of this, right?” “Kairo, hindi mo pa nga nauubos ang isang bote, hindi ka na kaagad mapakali? Don’t worry, I have plenty of those soy milk drinks. I made Dusk and Dawn buy boxes of those for me. Kung gusto mo, ipadala ko na rin sa kuwarto mo ‘yong isang dosena na itinago ni Ira sa may closet ko.” Aliyah lightly tapped on the Prince’s forehead as they both drank bottled chocolate flavored soy milk drinks. They were inside the Queen’s tea room, waiting for her to come and for their casual dinner to start. Kabado na ang dalaga sa kung ano ang mga pag- uusapan nila ngayon, ngunit pilit niyang nilulunod ang lahat ng pangamba gamit ang malamig na inumin. Prince Kairo pulled out his phone and checked on the notifications on his new social media accounts, “You know, I have been receiving a lot of positive comments on my social media accounts these days. I can’t believe how many of your fans actually like me after seeing me appear on your videos. They have been telling me that I am doing great. They especially commended me about the children’s hospital. I didn’t know you’d post a vlog of that one.” “I didn’t actually plan on posting one, si Dan lang talaga ang mautak. Nag video pala siya no’n, kaya mayroon tayong nagamit na magagandang footage. Alam mo naman ‘yang si Dan, mahilig talaga siya na kumuha ng mga patagong video. Lalo na video nating dalawa, alam mo na, ‘yong doon sa music video? Wala nga akong kaalam- alam sa mga pinaplano niya minsan. Kailangan ko na rin yatang matakot sa sarili kong best friend.” “Your thought escalated too quickly huh?” natatawang sabi ng lalaki. “Ayaw mo ba no’n? Malinaw nating maipapakita sa mga tao kung ano talaga ang nangyayari behind the scenes kung laging ginagawa ni Dan kung ano ang pinaka magaling siya-” “To snoop around and film as if he’s a paparazzi?” Aliyah said. She leaned closer and whispered, “Nako, baka hindi pa handa ang announcement natin ay siya na mismo ang makapag buking sa ating dalawa. Alam mo naman na hindi rin gaanong kagaling si Dan sa pagtatago ng mga importanteng immpormasyon. Palaging nadudulas si Dan lalo na kapag mas gipit at mas kailangan niyang mag ingat.” The Prince pulled her chair closer to his by using his feet, “Are you trying to say that your best friend can’t hide secrets that well?” he whispered. “Ha- hindi nam-” she failed to keep a straight face as her man stared her down with a smirk on. Aliyah coughed a bit and looked up, “Mas- masyado kang malapit.” “Ah, talaga ba?” parang nang- aasar na tanong ni Prince Kairo sabay halik sa dulo ng ilong niya nang hindi man lang kumukurap. “Parang hindi naman ha?” bahagyang natawa ang lalaki sa panlalaki ng mga mata ni Aliyah.Kitang- kita niya kung paano mamula ang mga pisngi nito, mas mapula pa sa suot niyang dress na si Prince Kairo mismo ang namili. As she moved away, the prince immediately wrapped his hands around her shoulder, “You still try to run away, huh?” his voice sent chills down her spine as it directly penetrated through her ear when he closely whispered. “Why do you seem so shy? Hindi ka na sanay sa akin?” “Well, hindi ko naman kasiinaasahan na manyak ka pa rin hanggang ngayon,” siniko siya ng babae. “Alam mo naman na darating ang mahal na Reyna. Ano sa tingin mo ang sasabihin niya kung makikita niya tayong dalawa na talagang napili pang mag PDA rito? Hindi puwede, Kairo. Mapapagalitan tayo.” “Kung makita niya na ganito tayo kalapit sa isa’t- isa, I swear, kikiligin pa siya. Baka nga maiyak pa siya sa tuwa dahil sobrang perfect at sobrang successful na nitong naging plano niya. Hindi pa nga tayo kasal, nakakapaglampungan na tayo-” “Shut up,” Aliyah pressed his lips with her index finger which he softly kissed. “Ang harot talaga. Mag pigil ka nga, prinsipe ang tingin sa’yo ng mga tao. Baka akala nila sa kalandian ka lang magaling. Gusto mo ba na ‘yon naman ang susunod na maging issue mo- Oh my goodness, I just thought of something funny!” “Hmm?” hinila pa ng lalaki ang upuan ni Aliyah upang mapilit ang babae na sumandal sa dibdib niya habang nagkukuwentuhan pa sila at nag hihintay sa pag dating ni Queen Olivia. “Paano kung paglabas ng news tungkol sa ating dalawa, ang maging headline naman na mapili nila ay kung papaano mo ako inakit? Can you believe how crazy those would be? The Prince seducing a mere artist. Oh my gosh, it’s so funny!” Kinurot ng lalaki ang pisngi ng dalaga, “Ano ka ba?” bulong nito. “Hindi naman tama ‘yong mga ‘yon. Sa unang tingin pa lang, alam naman na nila sa ating dalawa kung sino ang mas may kakayahan na mang akit. Tignan mo nga ‘yang sarili mo, mukhang ikaw lang ang may power para mang seduce. You are too alluring. You know that, right?” umiiling lang si Aliyah sa bawat sabihin sa kan’ya ng nobyo. “Sa tingin mo, paano nga kaya natin ito gagawin?” tanong ni Aliyah. “How can we subtly tell the people this news about us two?” “I think we need to talk about that with the council. Mas maganda kung tuluyan muna na malinis ang pangalan ko bago pa natin ilabas ang lahat. Gaya nga no’ng sinabi mo, baka ibahin pa nila ang kuwento. Imbis na maging masaya at exciting para sa atin ang lahat, sisirain lang nila. I can’t let the people do that. Masyado ko nang matagal na hinihintay ang ppagkakataon na makasama ka nang ganito, nang open sa public. Hindi puwede na masira lang dahil sa mga masasamang tao na puro walang kuwenta ang alam.” “I agree,” she made herself comfortable while leaning on his chest. “Oo nga pala, bakit kaya wala pa rin hanggang ngayon ang mahal na Reyna? I wonder if there is any problem or is she-” “Oh Dear, I am never late,” mabilis silang napabalikwas dahil sa eleganteng boses ng ginang na nagmumula sa may likuran nila. They both faced the door where the Queen is brightly staring at them. “Natutuwa lang ako na panoorin kayong dalawa, kaya ngayon pa lang ako pumasok,” sabi pa nito habang tumatawang tinitignan si Fernan na nasa may gilid niya. “Do you see what I mean now, Queen Olivia?” the old man asked. “These two are inseparable, they stick together like rice cakes. I knew you would enjoy seeing them be this happy.” The Queen elegantly giggled, with her gloved hand covering her mouth, “Oh I love it,” she responded. “Hindi ko naman alam na may kaya rin pala itong anak ko na magpakilig at maging ganito ka- sweet. Hindi ko nga alam na kaya niya rin palang manlambing eh. He never been this cute before, it is amusing to witness. Now I get why the people online kept on commenting about how Kairo’s empty and cold eyes changes whenever he’s talking or with Aliyah. They aren’t wrong, I just failed to notice sooner.” “Queen,” Aliyah bowed. “Good evening po,” sabi niya pa habang may halong pangangatog sa boses niya. Hindi niya alam kung ano pa ang maaari niyang sabihin sa Reyna lang naman na magiging mother- in -law niya sa loob lang nang ilang buwan. Sa tabi niya, kalmado naman na nakatayo si Prinsipe Kairo. He gave his mother a huge smile, showing how genuinely happy he is right at this moment. He pulled the chair for the Queen and patiently waited for her to walk slowly. “Kairo, ano ngayon ang balak nin’yong dalawa? Have you talked to Raymond yet?” tinignan niya ang dalaga. “Aliyah, alam na ba ng father mo na buo na ang desisyon nin’yong dalawa? Baka mamaya ay sumugod bigla ‘yon kapag hindi mo sinigurado sa kan’ya,” pagbibiro pa nitong wika. “A- alam na po niya,” the future Princess said. “Sa ngayon po ay hindi pa rin siya makadalaw rito dahil naipit siya sa mga kailangan niyang gawin sa Europe. Kapag po natapos na ang mga kailangan niyang asikasuhin, sigurado po ako na bibisita rin siya bago ang nakatakdang araw ng kasal namin ni Prince Kairo.” “Hmm, I see. Talagang hindi mahihinto sa pag-tatrabaho ‘yang tatay mo, ano? I really admire him because of how hard working he is,” the Queen then ordered for their dishes to be served. But at the corners of her eyes, she can’t miss how Aliyah’s not even raising her head. She’s too intimidated by her, it seems like. “Aliyah,” tawag niya rito. “I am not someone that you should fear. You know that, right? I am soon to be your mother- in- law. At hindi lang ‘yan, sobrang laki rin ng pasasalamat ko sa’yo dahil ang ganda ng mga naisip mong plano para kay Kairo. Hindi pumapalya ang bawat ideya mo. Alam mo kung papaano mas maipapaintindi sa mga tao ang gusto mong iparating bago pa maging puro masasama ang makita nila at unang pag tuunan nang pansin. Of course, you knew a lot since you are a celebrity, but still, it’s really amazing. Nagawa mo sa loob ng ilang linggo ang tatlong taon na hindi magawa ng buong palasyo.” “She has the power to enchant people, that’s why. Look, she even caught me while using her abilities. She’s too good at it, hindi niya lang ipinapahalata- aray! Nagbibiro lang naman ako eh!” mabilis na nakurot ang lalaki na nang aasar pa habang si Aliyah ay halos hindi na nga mapakali dahil sa sobrang kaba na nararamdaman niya ngayong ang Reyna na mismo ng bansa ang kasama niya sa iisang lugar. Sobrang lapit pa nila dahil ang liit lang ng lamesa. Kahit pa hindi ito ang unang pagkakataon na magkita sila at magkausap, hindi pa naman nangyari na ganitong alam na ni Queen Olivia na may relasyon sila ni Prince Kairo. Now there is an extra film of nervousness that she has to break. Hindi niya magawang ilabas ang kadaldalan at kakulitan niya. Nahuli pa silang dalawa kanina na halos magmukhang kambal tuko. That’s not good. “Anong ginagawa mo, Kairo?” suway ng mahal na Reyna sa anak niya na parang maliit na bata lang kung daanin niya sa nakakasindak na tingin. “Balak mo pa talaga na asarin ‘yang si Aliyah, kita mo na ngang kinakabahan. Aliyah, please, hindi mo na kailangan na kabahan sa harapan ko. Kapag ganito na tayo- tayo lang naman ang magkakasama, you don’t have to be so polite. Sit with ease and treat me as a normal person. I am not that mean, you know.” “Sorry po, kasi hindi ko po talaga mapigilan na kabahan. Tapos po nakita niyo pa kanina kung paano kami- nakakahiya po. Nahihiya lang po talaga ako, hindi po ako natatakot.” “Ikinahihiya mo ako?” singit ni Kairo. Mabilis siyang siniko ng dalaga. Their naughtiness brought laughter to the Queen. “Nako, kayong dalawa talaga. Ngayon ko lang naramdaman muli kung papaano maging third wheel. Paano pa kaya kung ikasal na kayong dalawa? Siguro ay mas lalala pa ang PDA nin’yo, nako po. Hindi puwede ‘yan sa harapan ng publiko. You both know that, right?” “Opo,” mabilis na sagot ng dalaga. “Nasabasa ko po ‘yon sa mga kinailangan kong pag aralan na rules. ‘Wag po kayong mag alala, Queen Olivia at ako na po mismo ang magtuturo kay Prinsipe Kairo kung ano ang mga bawal, dahil mukhang siya lang din naman po ang makakasira sa mga rules na ‘yon.” Nang sabay nilang makita na mapanganga ang prinsipe sa pasimpleng puna sa kany’a ng mapapangasawa, sa bandang huli ay nakuha na rin ni Aliyah na makatawa kasabay ng Ginang. Their dinner went well. Masaya silang nagkakausap nang walang ibang iniisip. Ngayon na lang yata nakakain ang mag- ina nang hindi namomroblema sa kung ano ang mga nangyayari sa labas dahil talagang nag e- enjoy sila sa pag- uusap patungkol sa magiging kasal nila. The queen is too excited about the whole thing that she almost finished the planning all by herself. Well, with the help of Fernan, they already planned who will manage what. “So, mukhang maayos naman na lahat, right Mom?” Kairo casually asked right after they finished eating their fine meal. “I think so, yeah,” the Queen responded. “You know, I like that you two wanted to continue posting about your lives on the internet with that video channel- I forgot what it was called. But I think it’s brilliant. Kasi nga naman, mabibigla ang mga fans mo, Aliyah na hindi ka na makakapag acting at makakapag guest sa mga shows. But using your personal channel, I think that’s not going to hurt anyone. I wont oppose to it.” “Thank you very much, Queen Olivia.” “Nako, walang problema. Sabihan mo lang ako kung mayroon kang kailangan pa na makakatulong ako, ha? Hindi mo na kailangan na mahiya sa akin, you also promised.” The beautiful lady in front of her nodded, “Opo, hindi na po ako ulit magdadalawang isip sa kahit na ano. I promise to talk to you freely, Queen Olivia.” “That’s good,” she said. “O siya, tsaka na natin pag usapan kung kailan kayo mag ba- baby ha?” “P-po?” Kairo gulped, “Ma, don’t bring it up yet. Hindi pa nga kami kasal. Ayan tuloy, napatulala mo na naman si Aliyah.” “Oh, I am so sorry! Basta ha? Huwag muna kayong mag bubuntis-” “Ma!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD