Chapter 50: Tyler

2304 Words
"Yes, Mom. Narito na rin ako sa may guest house at nakita ko na si Prinsipe Kairo kanina, pati na rin ang babaeng sinasabi mo. They invited me to eat breakfast, so I did. Sa tingin ko maganda naman nga ang ugali no'ng babae kahit na sa personal, tama 'yong mga sinasabi nila sa balita. I enjoyed my time with them, so don't worry too much, okay? Hindi ako kakalabanin or aabusuhin dito, gaya ng iniisip mo," the man wearing tan colored suit was giggling as he was talking to his mother on the phone. He just got back from meeting a lot of people outside and on his very first time to lie down in a very comfortable bed after hours and hours of him being cramped inside the plane, now it's been invaded by his mother's nagging on the phone. Napapa- iling na lang nang walang humpay ang lalaki habang pinapakinggan ang lahat. "Are you even listening, Tyler?" narinig niyang sigaw ng kan'yang Ina, si Lady Felicia. "Ang sabi ko sa 'yo, 'wag kang masyadong magtitiwala kaagad sa mga taong nakakasama mo dahil lang mukha silang mabait at magaan silang kasama. Hindi mo alam kung ano ang totoo sa peke lalo na at alam mo naman na artista mismo 'yang babaeng 'yan. Hindi rin natin alam kung balak ka lang niyang kaibiganin dahil mayroon siyang mahihita sa 'yo. Ang kailangan mo lang gawin ngayon ay maging pekeng kaibigan niya, alamin mo kung ano ba talaga ang ginagawa niya at kung bakit nand'yan siya sa palasyo?" "Mom, is that all you needed?" he asked while scratching his forehead. "I can already tell you, he is Kairo's fiance. Ang sweet nga nilang dalawa kanina, habang kumakain kami. Hindi naman mukhang pilit o peke ang ginagawa nilang relasyon kasi talagang masaya sila. Kung makikita mo lang ang pinsan ko, talagang ang laki na rin ng pagbabago. Alam mo ba na ngayon ay siya pa mismo ang nagpipiga ng kalamansi sa sabaw na kinakain ni Aliyah para lang hindi na niya kailangan na dumihan ang mga kamay niya. He is also eating with so many people, pati ang mga guard at alalay nila ay hinahayaan niyang makasabay na kumain sa kanilang dalawa. He's not as reserved as he is before. It's amusing to witness first hand." "Tyler, can you focus on your goal, anak? Nandyan ka para alamin ang nangyayari sa pinsan mo, para alam natin kung papaano tayo aatake. Hindi kita pinapunta d'yan para makipagkaibigan at maging masaya para sa kanilang lahat. Hindi ka rin nand 'yan para lang pansinin kung ano ang mga nagbago sa Kairo na 'yon. You are there to study everything about him and his weakness, para magamit natin ang lahat laban sa kan 'ya. Do you understand?" Lady Felicia's orders are loud and clear. But he chose to laugh through it all. "Mom, don't ever joke about that ever again, okay?" he chuckled. "You clearly know, right? I don't intend to take over like what you want me to do. Hindi ko ginusto na magkaroon ng ganoon kalaking responsibilidad sa kaharian at sa buong nasasakupan natin. I am too lazy for that." "Umayos ka nga, Tyler. Hindi mo alam ang sinasabi mo. Isipin mo na lang kung ano ang kayang gawin ng kapangyarihan na makukuha mo kapag ikaw na ang legal na tinatawag nilang Prinsipe? Kung ikaw ang magiging Hari ng bong Aztariya, isipin mo kung ano ang mga magagawa mo. Hindi ka ba talaga nanghihinayang? Ikaw lang ang nararapat na magpatuloy sa linya ng dugo ng mga Raven. Kairo is nothing but a selfish garbage, you should think about the future of the people, anak. Hindi ka dapat nagpapahina ng loob dahil lang may pag aalala ka rin sa pinsan mo. I get it, malambot ang puso mo. Oo, mabait ka, hindi mo pipiliin na makatapak ng ibang tao. Pero kung ganito na mas malaki naman ang maitutulong mo sa sambayanan, anak, you have to think twice." "Believe me, Mom. I know what I want and I know what I am doing. Kairo is not who you think he is. Hindi lang siya basta- basta lalaking ninanamnam ang kapangyarihan at walang pakialam sa karamihan. Naniniwala ako na karapat- dapat lang na nandoon siya sa kinuupuan niyang puwesto ngayon. Dapat lang talaga na siya ang may hawak ng korona, dahil hindi niya susukuan ang kahit na ano. Kairo is going to be the best King, I know. And together with his brilliant woman, Aliyah, sa tingin ko ay mas maganda ang magiging kinabukasan ng Aztariya. Hindi mo na kailangan na mag alala, Ma. They are doing well, okay?" "No, Tyler. You will not think of this that way. You can't. Hindi ganito ang dapat na mangyayari. You were supposed to be the next King. Kung hindi lang nawala ang daddy mo-" "Mom, please," the man sighed. "Can we at least let this topic go for today? Ang aga- aga pa. And besides, hindi pa rin ako nakakatulog nang maayos. Kahit sana makakuha lang ako nang ilang oras na tulog, please? Puwede ba na pagtalunan na lang natin ito nang ibang araw? " he asked his mom all these with such a sweet and calming voice. Nadadala na rin siguro ng kaantukan niya ang pananalita, may naisingit pa nga siyang hikab bago pa niya pinatay ang tawag sa pagitan nila ni Lady Felicia. Matapos ang tawag ay umuusok pa ang ilong ni Lady Felicia habang ibinabagsak ang kan'yang telepono. Hinawi niya ang suot na red dress upang mailabas niya ang makinis niyang hita sa may slit sabay sa pag inom ng kan'yang red wine habang gabi naman sa kung nasasaan siya. Isang lalaki ang nakangising umiiling- iling habang naka upo sa may sofa ng kan'yang modernong bahay na nababalot ng puro salamin. Kitang- kita ang kakahuyan na nasa likuran ng mataas niyang bahay. "Ilang beses ko ba kailangan na sabihin sa 'yo, Felicia? Kahit kailan ay hindi magagawa ni Tyler na baliktarin ang kabaitan niya at talikuran 'yong pinsan niya. Alam mo naman na napakalambot niyang anak mo. Kahit na ano na sino na lang ay hahayaan niyang tapak- tapakan siya basta hindi siya madamay sa kahit na anong gulo. Mas gugustuhin pa siguro niya na mag bakasyon na lang kaysa ang magkaroon siya ng kakayahan na impluwensyahan ang literal na napakayaman na kaharian. He's something else, I tell you. Hindi ko maintindihan kung ano pa ba ang mas maganda kumpara sa magkaroon ng sariling palasyo at mga tagasunod na handang mamatay para sa' yo, hindi ba?" "Masyado kasi siyang naturuan ng purong kabaitan ng tatay niya magsimula pagkabata. Kaya tignan mo, kung ano ang dapat na para sa kan 'ya, hindi na niya iniisip. Mas gugustuhin niya pa na malayo sa confrontations kaysa sa makuha niya kung ano talaga ang kan'ya. Hindi marunong ang batang 'yon pag dating sa mga ganito. Talaga naman kasing napakataas din ng tingin niya sa kuya Kairo niya. Napapaniwala niya rin tuloy ang sarili niya na tamang sinusuportahan na lang niya ang pinsan kaysa sa talunin niya ito." "What are you doing here then, Felicia? Hindi ba at mukhang mas maganda kung ikaw rin mismo ang naroon para matulungan si Tyler? Tila ba't mas makakabuti sa in 'yong dalawa kung magkasama kayo, para naman mas mapagsasabihan mo ang anak mo sa kung papaano siya makakalaban pabalik." "Hindi pa maaari, Cardo," sagot ng babae. "Kung babalik na ako nang ganito kaaga, malalaman ni Olivia na gusto kong bawiin ang korona ng anak niya. Hindi ako natatakot kay Kairo kahit na prinsipe pa siya. Wala siyang ibinatbat sa akin, kahit na kailan man. Ngunit si Olivia, kahit na papaano ay hindi siya pababayaan nang ganoon- ganoon na lang ng mga bulag niyang kawal. Pero kung dadahan- dahanan natin, hindi sila makaka alma kung babalik ako sa panahon na wala na silang choice." Tumayo si Carlo para lapitan ang ginang na nakatalikod sa maliwanag na sinag ng napakaliwanag na buwan, "Kaya naman bilib na bilib ako sa 'yo eh," wika nito habang nniyayakap si Lady Felicia mula sa likuran. Pasimple niyang hinalikana ng leeg ng ginang habang ito naman ay nakikiliting umiiwas habang natatawa pa nang mahina. "Carlo, ano ba," hinampas niya pa ang lalaki. "Hmm? Hindi naman siguro masama na masabik ako sa reyna ko, hindi ba?" he grinned and kissed her passionately. "Hindi na ako makapaghintay na ikaw na rin ang kinikilalang Reyna sa palasyo. Kapag naging ganap na Prinsipe na si Tyler at kapag nalipat na sa inyo ang korona, magagawa mo na rin lahat ng nais mong gawin. Makukuha mo na rin ang posisyon na matagal ng nararapat para sa'yo, mahal ko." Sa palasyo, hindi lang gulat ang natamo ng lahat sa biglaan pagbisita ng dating kinikilala nila bilang Prinsipe Tyler. Pareho silang kinikilala bilang mga Prinsipe ng Aztariya dahil sa ang tatay ni Tyler at ang tatay ni Kairo ay magkapatid na parehong tinawag bilang Prinsipe. Silang dalawa ay nasa pila sa kung sino ang susunod na makakakuha ng korona. Naging desisyon ng kanilang ama na hindi niya pipiliin sa tanda lang ang karapatan kung sino ang susunod na magmamana. Kung hindi, ang lahat ay magiging ayon sa kung ano ang ipinapakita nilang dalawa. Kahit na mas nawiwili ang mga tao at minamahal ng karamihan ang ama ni Tyler, ang ama naman ni Kairo ang mas matibay, mas mabait at mas magaling sa mga importanteng desisyon. Kaya siya ang napili bilang susunod na Hari ng Aztariya. Hindi naman talaga lumalaban ang mabuting ama ni Tyler, mas gusto na niyang matulungan ang kan' yang kapatid sa bawat hakbang nito. At noong silang dalawa naman ay nagkaroon na ng sarili nilang mga pamilya, ipinakilala si Tyler sa publiko. Nakilala siya bilang anak ng dating Prinsipe, at siya na ang tinuring nilang susunod na Prinsipe ng Aztariya. Ang hindi nila alam ay mayroong anak na nakatago lang at pinoprotektahan ang tunay na Hari at si Prinsipe Kairo 'yon. No'ng malaman nila an mayroon ding anak ang Hari, malaki na ang dalawang bata. At hinayaan na nila na lahat ng nakakakilala kay Tyler ay tinatawag siya bilang isang Prinsipe rin. Doon na nagsimula ang mga taong hindi pabor sa pagiging Prinsipe ni Kairo. May mga tao na rin talaga kasing napiling suportahan ang mas nauna nilang nakilalang Prinsipe. Although things got a little bit messed up and weird, none of these got in between Kairo and Tyler. When they were still staying in the same palace, the two are inseparable. They are the best of all friends. They will never let the other person feel sad or alone. They will play together, eat together and be a handful together. Naging maganda ang samahan nila na higit pa halos sa tunay na magkapatid. Noong napili nga ni Lady Olivia na lumisan mula sa palasyo nang mawala ang mga tatay nila ay halos gumuho na rin ang mga mundo nitong dalawang mag pinsan. Hindi nila inaasahan na noong nwala pa ang mga tatay nila ay kailangan din nila na mag layo. Hindi na rin nila natupad ang matagal na nilang kagustuhan na mag aral sa I-isang kolehiyo sa pag tanda nila. Ngayon na lang ulit sila nagkita muli, at labis- labis ang saya nitong dalawa. And pinaka nakakita no'n ay si Aliyah. Habang kumakain sila kanina ng almusal. Sobrang dami nilang pinagkukuwentuhan, hindi na nga sila nagkakaubusan. Kaya lang ay kinailangan pa ni Tyler na matulog, kaya naman hindi sila nakapag tuloy- tuloy. Masyado pa naman silang excited na ubusin ang lahat- lahat ng kuwento na hindi na nila nagawang pag- usapan sa telepono noon. Ngunit kung mayroon mang isang tao sa buong palasyo na hindi masyadong natutuwa, si Reyna Olivia 'yon. Alam lang niya, nasa pakiramdam niya na hindi lang normal na pag babalik at pag bisita ang binabalak ni Tyler ngayon. Alam niya na hindi lang basta- basta papayagan ni Felicia ang anak niya na bumalik sa palasyo na para bang pupunta lang siya sa isang resort. She can feel something, she may not be sure of what it is yet, but he would never ignore her gut feeling. "Reyna Olivia, hindi naman po ganoong bata si Tyler. Alam niyo naman na walang kahit na anong masama na nakuha 'yang batang 'yan. Mukhang naririto lang talaga siya upang bisitahin ang kan'yang pinsan na matagal na niyang hindi nakikita." "Sa panahon ngayon, hindi ko na rin talaga alam ang paniniwalaan ko, Fernan. Alam ko kung gaano kabuti ang kalooban ng batang 'yon. Kilala ko Tyler, oo. Ngunit kilalang- kilala ko rin ang kan'yang Ina. Alam ko kung ano ang mga kayang gawin ni Felicia para magbago ang isipan ng kan'yang anak. Alam ko kung ano ang makakaya niya pa, para lang makuha ang lahat ng kagustuhan niya. Hindi pa ba halata? Ngayon na nagiging mas mabuti na ang lagay ng lahat kay Prinsipe Kairo, ngayon na hindi na siya madaling masiraan gamit ang mga pekeng kuwento online, Ngayon pa talaga darating itong si Tyler?" "Ngunit, hindi naman porket kagustuhan ni Felicia ay ganoon na rin ang susundin ng bata. Mayroon pa rin akong tiwala na hindi niya sisirain ang lahat sa pagitan nilang mag pinsan. Malapit ang mga loob nila at wala silang kahit na anong gagawin upang masaktan ang kabilang panig-" "Dahil ganoon sila pinalaki ng mga ama nila," the Queen stated. "Alam ko, Fernan. Malinaw sa akin ang lahat. Ngunit gusto ko lang na pag tuunan pa rin ng pansin kung sino ang kan'yang Ina." Nanlilisik ang mga mata ng Reyna nang umupo ito sa kan'yang trono, "Kung ang babaeng handang kalabanin ang kahit na sino upang makuha lang ang korona ko ang nanay niya, sa tingin mo ba hahayaan ko lang 'yon? Hindi, Fernan... dahil alam ko na mayroon siyang binabalak sa anak ko. At hinding- hindi ko sila papayagan sa kung ano man 'yon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD