“Who the hell is this? Bakit mo sinasaktan si Liyah?” sigaw ng Prinsipe habang mahigpit na niyayakap si Aliyah. Biglaang hindi makapagsalita ang babaeng kanina lang ay nagwawala na. Dusk and Dawn pulled her away pero mabilis silang pinigilan ni Prince Kairo. “’Wag niyo muna siyang tangayin,” he ordered.
Dawn was the one who broke the silence, “Bossing, itong si Moira, medyo nakainom yata nang napaka- aga,” he said after sighing. “Hindi pa rin po namin alam kung ano pa ang trip niya, pero tinawagan lang kami ni Ira rito upang pigilan ang pagwawala niya. Sorry po, hindi namin nagawang pigilan ‘yong pag lipad ng sapatos niya. Kung gusto niyo po ipalipad ko na lang dina ng sapatos ko sa mukha niya para patas na lang lahat.”
“Please bitawan niyo na ako. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyo pa mula sa akin. I did nothing but help Ira in cooking breakfast for everyone and then I get attacked like this? Akala ko po bilang future princess ng Aztariya ay kahit na papaano kaya niyong makisama nang maayos sa mga mabababang tao na katulad ko. Ngunit hindi ko naman po alam na matapos niyo po akong alukin na uminom ng tubig ay ipapatangay niyo po ako sa mga bantay nin ‘yo dahil sa paratang na nag nanakaw ako ng isang boteng tubig. Ano naman po ang samang maidudulot nitong ganitong bote na mapapasakamay ko? Kailangan niyo po ba talaga akong hatakin palayo? Masakit po,” biglaan na nagbago ang ihip ng hangin. Ngayon ay biglaan nalang humahagulgol sa may paa nila Dusk at Dawn ang dalaga at humuhulas na rin ang make up niya.
Parang nakakita ng lumilipad na baboy ang tatlong babae na unang nakakita ng kabaliwan niya. She’s acting as if she’s been bullied like a whole entire class. Sa sobrang galing niyang umarte, ay talagang dire- diretso ang tulo ng mga luha niya. Walang humpay at talagang hindi siya nauubusan.
“Moira, tigil- tigilan mo nga ‘yang ka- artehan mo. Nabibilib na ako eh,” Ira boldly said. “Ang galing- galing mo na umarteng parang mabait at kaawa- awa kasi parang pati ako gusto na kitang ipagtanggol. Hindi ko na nga alam kung bakit pati ako ay parang gusto ka ng yakapin nang mahigpit at tulungan. Nagogoyo mo na rin ako, parang kung ipagpapatuloy ko pa na panoorin ka ay ako na mismo ang magalit kina Dusk at Dawn.”
“Tama,” sabi naman ni Dan. “Baka kapag ipinagpatuloy mo pa ang performance mo na ‘yan ay ulanin tayo ng mga direktor at mga talent agency para kunin kang artista. Nako, baka ang ending ay maging sa’yo na lahat ang mga acting gigs ni Aliyah. Gusto mo ba na bigyan kita ng contact? Emily is really a great one, mag artista ka na lang kaysa mag drama nang mag drama nang libre kagaya ng ginagawa mo ngayon.”
“Prince Kairo, please po tulungan niyo po ako. Hindi ko po naiintindihan kung ano ang nagawa kong kasalanan kay Lady Aliyah para pahirapan ako nang ganito. Itong mga kaibigan din po niya, gusto ko lang naman sila na mas makilala lang sana. I want to make friends, Aliyah is a really great person online and on the television. I never thought that I’ d experience such assault from her and her friends-”
“Moira,” mapagbantang tinawag lang siya ni Aliyah ngunit humagulgol na naman si Moira na parang biglaan siyang sinipa o sinampal. She completely folded in half on the floor as she cried her fake eyelashes off while banging the cold floor. “In all fairness, I can see a real talent from you. Kung sanang pinili mo na maging artista, siguradong may pag- asa ka na maging isa sa mga matataray na kontra- bida. Ay, kaya lang pala mas gusto pa rin nila roon ang mga mababait at magagalang na tao. They prefer real, people that knows how to respect those that are around them. Nako, sobrang dami pa naman ng mga matataas na ang narating sa industriya, hindi ka uubra sa mga ‘yon. Kung simpleng pag galang nga sa amin dito ay hindi mo na magawa, papaano pa pala sa labas?”
“I hear, your name is Moira,” seryosong wika ni Prinsipe Kairo. Ibinunton niya ang masamang tingin sa dalagang humahagulgol na parang asong umiiyak sa sahig habang mahigpit pa rin ang pagkakayakap sa beywang ni Aliyah. “Sa totoo lang ay hindi ko naaalala kung ano ang pangalan mo. But I heard that you are the daughter of Manang Ana. So, sa tingin ko ay ikaw nga ang naaalala ko na noon ay nakakalaro ko ang napakabait at mahiyaing anak ni Manang Ana. Kaya lang ay kinailangan kong lumayo mula sa’yo dahil nagkaroon ka ng bulutong, tama ba? At pagkatapos no’n ay ikaw naman ang kinailangan na lumisan mula sa loob ng palasyo upang manirahan sa labas ng isla nitong kaharian. Ngunit hindi ko lang maalala kung kailan tayo nagkaroon ng relasyon?” he asked very seriously. “the last time that I’ve checked, we are nothing but two kids who happen to play back when we were both in elementary school. Are you really trying to harm the future Princess of the entire kingdom just to make your delusions valid and real? Because, no. You need to stop.”
“Pr- Prince Kairo-”
“I honestly am feeling really terrible seeing you right now. Because I only knew you as a really nice kid. But now, look at where you are. Now I want to punish you and let you get thrown into a deserted island alone and the only reason that I am not doing that right know is because I don’t want your poor mother to suffer.”
Tahimik ang buong kuwarto dahil sa mga mabibigat na salitang binibitawan ni Prince Kairo. Sa kauna- unahang pagkakataon ay nagiging mas makatotohanan na ang iyak niya. Her cries turned into roars of pain as he took in every single thing that Kairo just told her. She lived her whole life believing a lie that she has a very special relationship with the Prince just because they played house as a kid. She’s the mother and Kairo was the hardworking father. But as he continued with life and as he matured in life, she clung on to that precious time and genuinely believed that the two of them has a bright future as lovers. Hindi niya pa rin makakalimutan na habang naglalaro sila at ang kukunwari sila na mag asawa ay siya ang tinatawag na prinsesa ng mga yaya ni Kairo. All their stories, the imagination that she kept on repeating inside her mind broke her. In the end, she fell in love alone, to that man inside her imaginary world and in the very hard way, she understood that it wont be taken into the real world no matter how hard she try.
“Ano, Aliyah?” umaapoy ang mga mata ni Moira nang duruin ang dalaga sa pagtayo niya. “Masaya ka na ba? Nasira mo na ang lahat ng mayroon ako, nasayang mo na ang buong buhay ko, masaya ka na ba? Biglaan ka na lang na sumusulpot para manira ng buhay ng mga taong matagal nang nauna sa ‘yo. Akala ko pa naman mala anghel ka, gaya no’ng sinasabi nila tungkol sa’ yo sa mga articles, pero tama pa rin ang hinala ko. Talagang narito ka lang para kamutin ang kakatihan mo, mang aagaw ka! Wala kang kuwenta!”
Aliyah raised her brow and grinned, “Hindi ka pa rin pala tapos,” sabi ng dalaga. She sweetly smiled and look at Dusk and Dawn, “Paki hawakan naman nang mabuti, baka mangagat, guys.”
Parang lalo lang niyang sinasakyan ang pagputok ng butsi ni Moira dahil biglaan niyang niyakap nang pagka higpit- higpit ang lalaking nasa tabi niya.
The prince was surprised to see her act like that before, pero hinayaan lang niyang gumala ang mga kamay ng babae. She ran both her palms from his back, then up and down his chest.
“H-hoy,” nauutal na pigil sa kan’ya ng mahal na Prinsipe habang parang napakainit na metal ang mga tainga niya dahil sa sobrang pamumula. “Liyah?”
“Ano na girl, kaya mo pa bang manood?” nakangising tanong ni Aliyah habang kinikindatan pa si Moira. She rubbed her cheeks towards the broad chest of the Prince, “Ay teh, kung ako siguro, sa sobrang inggit at selos ko talaga magiging kagara mo rin akong bitter sa mundo. Magagaya rin ako sa’yo at baka ipipilit ko rin na mas masaya ang delusyon ko at ipagpipilitan ko rin sa lahat ng tao na nasa paligid ko na sundin ito. Ipapalaklak ko rin siguro sa iba na dapat ay sumunod sila sa mga kagustuhan ko lang. Kasi wala rin akong ibang gustong magawa no’n kung hindi ang maging focus ng lahat. ‘Di ba, Moira?”
“Nako po, talaga namang nakuha pa nito na makipaglampungan,” sabi ni Dan. “Kiss nga oh, kiss!”
Hindi pa natatapos ang pang aasar nila ay si Moira na mismo ang nagkusa na alisin ang sarili niya mula sa sitwasyon. She pushed the two men aside and ran as fast as he can to escape the humiliation. Hindi na rin siya pinigan ng dalawa dahil ayaw na rin nilang pakialaman ang problema niya. Tutal naman ay mukhang hindi nababahala sina Lady Aliyah at si Prinsipe Kairo na ninanamnam naman ang pagkakapalupot sa kan’ya ni Aliyah.
“Enjoy na enjoy ni Bossing, tignan niyo,” pabirong sabi ni Dawn habang nginunguso pa ang gawi ng dalawang magnobyo na talaga namang napakatamis ng pagkakayakap sa isa’t- isa.
“Manahimik ka Dawn, kita mo nang ako ang napagsasamantalahan dito. Tignan niyo itong Lady Aliyah nin’yo, hindi na tinigilan ang dibdib ko- ouch! Sorry na, sorry na, please calm down,” mabilis na nagbago ang tono ni Kairo nang saksakin siya sa nakakasindak na tingin ni Aliyah. She even pinched his sides to stop him from complaining and playing around. “Ang liit- liit na nga, sobrang lakas pa lalo na sa p*******t,” bulong nito sa kan’ya. Bumawi rin naman si Prinsipe Kairo nang maya- maya pa ay halikan nito ang tuktok ng ulo ng magandang dalaga.
“Hindi niyo na ako maloloko- loko nang basta- basta magsimula ngayon,” Lady Aliyah proudly said. “Sa tingin niyo ba na pagkatapos kong makipagpalitan nang ganoon katatalim na salita sa babaeng ‘yon ay kayang- kaya niyo pa rin akong biruin? Nako po, ‘wag ako. Sinasabi ko na ngayon pa lang, matapang na ‘to guys. Hindi niyo na ako kayang kalabanin kahit na ano pa ang gawin nin’yo nang sabay- sabay!”
“Oh shut up,” the handsome prince grinned. He pinched Aliyah’s cheeks and whispered, “You did really, really well, my love. I knew you could do that, and I am really proud that you did it.”
“Sabi ko naman sa’yo, kahit na medyo nangangatog pa ang tuhod ko, kaya ko naman na umarte. Kita mo nga at narito pa ang mga supporting actors ko. Complete attendance sila kaya walang kahit na anong panama ‘yong babaeng ‘yon sa aming lahat. ‘Di ba?” all their friends started to giggle. Dawn and Dusk both gave the couple a really awkward salute as they were finding their good angle as if they were preparing to take their head shots.
“Mabuti na lang nga at gano’n,” sabi ni Prince Kairo. “Alam mo ba, hindi ko inaasahan na magiging gano’n siya. Kailangan ko na kausapin si Manang Ana, malapit pa naman ako sa kan’ya noon dahil siya ang madalas kong nadadatnan sa tuwing naglalaro ako sa may hardin. Hindi ko naman alam na bandang huli, magiging masama pa pala ang ginawa kong pakikipagkaibigan sa anak niya noon. I always thought that she wasn’t inside the palace anymore dahil ang alam ko nga lumabas na siya para mag aral. Who would have thought? ”
“Kasalanan mo lahat ng ‘yon, Kairo,” Aliyah pushed him aside to walk over near the fancy looking stove. “Kung hindi ka ba naman kasi gan’yan ka guwapo, siguro hindi nabaliw- baliw sa’yo ‘yong kalaro mo noong bata ka pa. ‘Di ba, sana busy na siya ngayon sa outside world. Sana masaya na siya sa mga ginagawa niyang kung ano man na kabaliwan sa labas- hoy, hindi pa ba ito luto? Lumulutang- lutang na ‘tong squid balls, ang sarap- sarap tignan, gusto ko na talagang batakin itong lomi. Ano na ba ang lagay nito, Ira?”
The Prince scoffed, “Tignan mo nga itong babaeng ito. Pagkatapos akong sisihin at pagsabihan nang kung anu- ano, biglaan nalang na magfo- focus sa pagkain. Bigyan niyo na nga ng makakain si Lady Aliyah nin ’yo at baka kung ano pa ang maisipan na gawin. Mahirap na ‘yang gutumin. ”
“Oh shush, kumuha ka na roon sa may ref ng kukunin mo. Alam ko naman ang totoong dahilan kung bakit ka pumunta sa may kusina. Sige na, ubusin mo na ‘yong binili ko na soy drink. Alam ko anman na excited na excited ka na.”
“Soy milk?” nagtatakang tanong ni Dan. “Ah, sandali lang po, ikukuha ko po kayo. Ang dami nga ng mga binili nitong si Aliyah. Balak yata tayong lahat na gawing tokwa, ewan ko ba. Akala mo naman mauubos niya.”
“Good thing there’s another person that likes soy milk then,” they were all surprised by the voice that caught their attention.
Prince Kairo turned to look at the door and with so much shock in his voice, he called, “Tyler?”
The good looking, tall, and well toned man waved at them, “Hi,” he said with a smile. “It’s been a while, Kai.”