Maayos na nagpakilala si Eduard kay tatay Con. Aware naman ang matanda kung sino si Eduard dahil nabanggit na sa kanya nina Ching at Aira noong nagpaalam ang mga ito sa kanya. Nangako si Eduard sa kanyang ama na ihahatid rin niya mismo ang dalaga pagdating ng linggo ng hapon. Nang akmang sasakay na siya sa likod upang tumabi sana kay Ching ay siya namang pagbukas ng pinto sa unahan katabi ng driver's seat.
"Dito ka na sumakay, para di naman ako magmukhang driver ninyo." nakangiting turan ni Eduard. Napaawang ang labi ni Aira nang masilayan na naman muli ang ngiti ng lalake.
Naalala niya tuloy noong unang pagkikita nilang dalawa. Napaka suplado na para bang bawal ngumiti sa kanila. Ngunit tingnan mo ngayon parang mapupunit na ang mga labi dahil kanina pa nakangiti. Kanina habang kausap ang tatay niya ay palagay na palagay ang loob niya akala mo matagal na silang magkakilala.
"Psst," napalingon si Aira kay Ching. Nakadungaw ang ulo nito sa bintana ng sasakyan. "Sasakay ka ba o tutunganga ka na lang d'yan?" sita ng kaibigan na pilit tinatago ang nakakalokong ngiti. Inirapan niya ito pagkatapos ay walang imik na sumakay sa sasakyan. Sinara ni Eduard ang pinto para sa kanya at umikot sa kabila. Sinamantala naman niya ang pagkakataon upang saglit na hilahin ang buhok ng kaibigan ngunit maagap ito at nakaiwas. Sinamaan niya ito ng tingin ngunit bungisngis lang ang kaibigan.
Habang papalabas sila ng barangay nila ay tumunog ang cellphone ni Eduard para sa isang tawag.
"Lucho," tawag ni Eduard, sandaling nanahimik ito at bahagyang tumaas ang kilay. Hindi na naman mapigilan ni Aira ang sarili na mapa titig sa mukha ng katabi. Napapangisi ang binata at paminsan minsan at tumataas ang kilay nito hbng nakikinig sa kausap sa kabilang linya.
Bakit pati pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya ay naaliw ako?
"What? Nasiraan ka?" ilang segundo ang dumaang katahimikan ulit. "Okay hintayin mo kami diyan." Pagkatapos ng pag uusap ay binaba na ni Eduard ng phone niya.
"Si Mr. Zamora po ba 'yon sir?" Tanong ni Ching na ikinalingon ni Aira sa likod.
"Yeah, nasiraan daw. Nagpapasundo, makikisakay na lang daw siya sa atin." Sagot si Eduard na nakatutok sa kalsada ang atensyon dahil bukod sa medyo makitid ang daan palabas sa barangay nila ay may mga ilang lubak din ang kalsada.
"Ibig sabihin po niyan dito siya sa tabi ko uupo?" follow up question na naman ng kaibigan niya. Hindi siya makulit ha.
"Yes, bakit ayaw mo Cheryl?" tanong ng boss niya. Pilit tinatago ang ngisi.
"Eh, hindi sa ayaw sir, kaso…"
"Kaso ano?"
"Eh sir, nakakailang kasi katabi yung pinsan mo eh." nahihiyang pag amin ni Ching sa amo.
Napangiti si Eduard habang si Aira ay tahimik lang na nakikinig sa usapan nilang dalawa.
"Huh? Paano mo nasabing nakakailang? Mabait naman si Lucho."
"Oo nga po mabait naman talaga siya kaso iyong mga titig niya sa akin iba. Nakakailang na… ewan…"
"Anong ewan?" nakangiti pa rin si Eduard at mukhang nag e-enjoy na pag usapan ang pinsan niya.
"Eh sir iba kung nakatitig pailalim. Kung makatingin sa akin parang kakainin na niya ako ng buhay!" eksaherada ang dalaga habang nagsusumbong sa boss niya. Napa halakhak si Eduard at nahawa na rin silang dalawa ang lutong naman kasi ng tawa niya. "Totoo sir," tumango pa si Ching, "Tapos panay ang punta niya sa office mo kahit wala ka." Gatong pa niya.
"Hayaan mo at sasabihin ko sa kanya na huwag dalasan ang pagpunta punta sa office ko dahil natatakot ka sa mga titig niya. Pero tiis ka muna dahil no choice ka ngayon magkatabi talaga kayo."
"May choice naman sir, palipatin niyo na lang si Aira dito sa likod." sugsog ni Ching sa boss niya. Na ikinataas naman ng kilay ng binata.
"That cannot be." napailing pa ito. "Maha-hassle lang tayo kung titigil para lang lumipat ng upuan. Sayang ang oras at gas."
Paano naman naging sayang sa gas? Mr. Vallejo magda dahilan ka na nga lang walley pa. Napag hahalataan ka.
Sa isip isip ni Aira. Muntik pang umikot ng mata ng dalaga.
"Para namang ikakahirap ng buhay niya ang masasayang na gasolina para paraan ka rin eh." Bubulong bulong si Ching sa likod. Pinandilatan niya ang kaibigan at baka marinig ng boss.
Napailing na lang si Ching at binaling ang atensyon sa labas ng sasakyan.
Maging siya ay napapangiti dahil napag hahalataan nga talaga ang boss ng kaibigan niya.
Ilang sandali pa ay nakita na nga nila si Lucho sa tabi ng daan. Kasalukuyan na itong kinakausap ang isang lalaki at mukhang ipapahila na lamang ang sasakyan para madala sa shop.
Agad tinapos ng binata ang pag uusap nila ng kasamang lalaki nang makita ang sasakyan ni Eduard. Kinuha ang duffel bag at sumakay na sa sasakyan. Tumabi siya kay Ching pasimpleng umusod si Ching sa gilid ng sasakyan.
"Huwag ka masyadong lumapit sa secretary ko dude, baka matakot siya mukha ka pa namang kapre." Buska ni Eduard sa kaibigan.
"Gwapong kapre dude," ganting pang aasar niya dito ngunit kay Ching nakatuon ang paningin.
Pasimpe namang bumaling ang dalaga sa bintana at siniksik ang sarili sa gilid ng sasakyan.
Tahimik ang naging byahe nila papunta sa rest house ni Eduard. Hindi niya naisipang umidlip kahit pa panay ang sabi ng binata sa kanya na umidlip muna dahil medyo mahaba haba ang biyahe nila. Nawiwili siyang pagmasdan ang mga lugar na nadaraanan nila. Ang daming mga puno at taniman ng gulay silang madadaanan. Kay sarap pagmasdan. Mga ganitong lugar ang gusto niyang tirahan balang araw. Tahimik na lugar, malayo sa ingay ng siyudad na kinalakihan. Sariwang hangin, malayo sa polusyon at simpleng pamumuhay.
Natigil ang kanyang pag iisip nang marating nila ng destinasyon. Bumusina si Eduard ng dalawang beses at siya namang pagbukas ng malaking gate.
Pumarada si Eduard sa harap ng isang malaking bahay.
"We're here guys," anunsyo nito. Mabilis nagtanggal si Ching ng seatbelt at agad bumaba.
"Kating kati bumaba, 'di man lang ako hinintay." Mahinang maktol nu Lucho.
Mabilis lumabas si Eduard ng sasakyan, busy si Aira sa pagtanggal ng seatbelt niya ng biglang bumukas ang pinto ng kotse sa gilid niya. Akma namang tutulungan siya ni Eduard sa pagtanggal ng seatbelt niya nang biglang lingon sa kanya ang dalaga kung kayat aksidenteng naglapat ang mga labi nila.
Nanlaki ang mga mata ni Aira. Sandali lamang ang pagkakalapat ng kanilang labi ngunit nagdulot iyon ng kilabot sa buo niyang pagkatao. Si Eduard ang unang nakabawi at tumikhim ito.
"I-I'm sorry, I-I didn't… Hindi ko sinasadya."
"Okay lang," tanging sagot ng dalaga. Hindi pa rin ma proseso ng utak niya ang nangyari sa pagitan nila ni Eduard.
"Let's go?" yaya ng binata sa kanya.
Tumango naman siya bilang tugon. Napipi siya bigla.
Kalma Aira aksidenteng halik lang 'yon!