Hindi maalis ni Eduard ang ngiti sa labi lulan ng kanyang sasakyan papasok sa opisina. Pati ang kanilang diver ay napapasilip sa rearview kung bakit siya napapangiti ngunit hindi niya iyon pinansin. Daig pa niya ng nagbibinata sa mga kinikilos niya ngayon.
Ganito ba yung sinasabi nilang kilig?
Hindi napigilan ni Eduard ang mapangiti mula nang marinig niya ang pagpayag ni Aira na pumunta sa birthday ng anak niya. Para siyang bata na nanalo ng candy na papremyo sa isang palaro. Mabuti na lang at hindi naging mahirap sa kanya na mapapayag ang sekretarya niya na dumalo rin. Kapag wala siyang kasama baka hindi pumayag ang dalaga. Lihim niyang pinagmasdan ang dalaga sa tuwing ihahatid niya si Yazer. Hindi katangkaran ngunit matatag ang tindig. Slim ang katawan, bagay na bagay sa kanya ang uniform. Hapit ito sa balingkinitan niyang katawan. Nababagay ang katamtamang tangos ng ilong sa bilugan niyang mukha. He likes her eyes lalo na kapag nagulat o natutulala ito. How he wish na siya ang dahilan ng pagiging tulala minsan ng dalaga.
Is she thingking of me? Minsan kaya sumagi ako sa isip niya? Kasi kung ako ang tatanungin, mula nang masilayan ko ang kagandahan niya ay gabi-gabi na niyang ginugulo ang isip ko…
Hanggang sa opisina ay naka plaster pa rin sa labi ng binata ang matamis na ngiti. Lalo tuloy tumatagal ang ginawang pagtitig sa kanya ng mga taong nadaraanan niya.
Para sa mga nagtatrabaho sa opisina ay ang pag ngiti niya ay maituturing na isang himala.
"May sakit ka ba?" bulong sa kanya ng pinsan niyang si Lucho. Dinama pa ng binata ang noo ng pinsan kung mainit.
Bigla namang napalis ang ngiti sa labi ni Eduard nang marinig ang sinabi ng pinsan. Pinanliitan niya ito ng mata. "Nakangiti ka kasi, nausog ka ba?" pang aasar pa rin niya.
"Masama ba ang ngumiti?" tuloy pa rin sa paglalakad si Eduard na sinasabayan naman ni Lucho. "Why are you here again? Napapadalas yata ang pagpunta mo dito Lucho? Hindi ka ba busy sa kumpanya ninyo?" Sermon niya.
"Ayan, back to beast mode. Sana hindi na lang kita pinuna ano? Bakit masama bang bumisita dito at humingi ng update tungkol sa negosyo natin?" sunod-sunod na tanong ni Lucho ngunit ang mga mata niya ay naglalakbay sa loob ng opisina ni Eduard.
"Hihingi ng update? I can send it to you through email, all the reports dude. Baka may iba ka pang gustong makita kaya mas nauna ka pang nag report dito sa office ko kaysa sa sarili mong kumpanya?"
Mag ka sosyo sila ni Lucho sa isang negosyo at paminsan minsan ay dumadalaw sa opisina ang binata kapag maluwag ang schedule niya. May sarili rin kasi itong negosyo. Mas hands on si Eduard sa negosyo nilang dalawa.
Ngunit nitong mga nagdaang buwan ay panay ang dalaw ni Lucho sa office niya. Laging dahilan nito ang paghingi ng update tungkol sa business nila pero sa iba naman naka focus ang attention niya tuwing kakausapin ni Eduard. Ang mga mata ng pinsan niya ay nakatutok sa kanyang secretary. "Leeg mo baka mabali na kakasilip kung saan saan. Wala pa ang sekretarya ko. Inutusan kong bumili ng kape." Pagbibiro niya. Alam niya kasing maaasar lang ito. Lalo na kapag nalaman niyang inutusan niya si Ching kung saan saan.
"Damn you Vallejo!" sigaw ni Lucho kaya lahim siyang napangisi. "Wala ba kayong pantry bakit siya pa ang inutusan mong bumili ng kape? Sana nagsabi ka at binilhan kita ng kape pati coffee maker!?" galit na bulalas nito. Ayan huli ka balbon. Huli na nang ma realize ni Lucho ang mga pinagsasabi. Napabunghalit ng tawa si Eduard.
Sakto namang bumukas ang pinto ng kanyang opisina at niluwa si Ching hawak ang tablet. Halatang nagulat pa ito nang marinig ang tawa ng amo.
"Good morning Mr. Vallejo. Here is your schedule for today." Inilahad ni Ching ang tablet sa kanyang boss tsaka pa lamang niya napansin ang tulalang si Lucho. "Hi Sir Lucho. Good morning po." Mahinang sambit ni Ching.
"G-good morning." pormal niyang bati. Palihim niyang tinitigan ng masama ang pinsan na nakangisi pa rin habang nakatingin sa tablet. "I have to go." saad ni Lucho at lumabas ng office. Sa sobrang inis niya ay hindi na hinintay ang sagot ng pinsan at basta na lamang lumayas.
Pagsapit ng sabado ng hapon ay nasa bahay na ni Aira si Ching. Dito nila hihintayin ang sasakyan na susundo sa kanila papuntang Batangas.
Maayos siyang nagpaalam sa tatay niya. Pinayagan naman agad siya ni tatay Con lalo pa at kasama niya si Chinggay.
Pasado alas tres na nang dumating ang sasakyan bumusina ito sa tapat ng bahay nila. Lumabas si Ching para tingnan ito.
"Aira dali na! And'yan na ang sundo natin!" sigaw nito mula sa labas.
Kinuha na niya ang bag at nagpaalam sa ama at kapatid.
"Ingat kayo doon ate."
"Oo kayo din, Archie si tatay ha? Ipaalala mo sa kanya yung mga gamot niya."
"Ate ilang araw ka lang mawawala hindi forever kaya relax," inismiran niya ang kapatid. Oo at ilang araw lang siyang mawawala sa bahay pero kailangan niya pa ring makasiguro na hindi makakalimutan ng kapatid ang mga paalala niya. Lalo na ang kalagayan ng tatay nila.
"Tay! Alis na po kami!" Sigaw niya. Nasa kusina ang ama at may inaayos.
"Ingat nak!" Ganting sigaw ni tatay Con.
Paglabas ni Aira ay nagulat pa ito nang makita si Eduard sa labas ng bahay kausap si Ching. Akala niya ay ang driver nila ang susundo sa kanila. Hindi maalis ni Aira ang tingin kay Eduard. Nakasuot ito ng puting t shirt at cargo shorts. Tsinelas lang ang sapin sa paa.
Ang fresh… Sa mga tindig ni Eduard, although simple lang ang suot niya ngayon ay mababakas pa rin ang intimidating aura nito. Ang sasakyan niya ay agaw pansin din sa mga taong nagdaraan. Sa kintab pa lang ay mahihinuha mo na hindi biro ang presyo nito. Sa pagkakataong iyon ay biglang sumingit sa isip ni Aira na hindi bagay sa kanilang lugar ang mga ganitong sasakyan. At ganun na rin si Eduard. Isang bilyonaryo sakay ng mamahaling sasakyan ay pupunta sa lugar nila na hindi naman nilalahat, pero karamihan sa kabahayan sa kanilang lugar ay yari sa tagpi tagping yero. Lalo tuloy nanliit si Aira sa sarili.
Mabuti na lamang at medyo nakaipon ang mga magulang niya noon at napaayos ang bahay nila.
Bakit ko ba inaalala ang mga 'yon? Eh makiki party lang naman ako? Stop assuming self! Wow! English yorn…
"Where is your father?" tanong ni Eduard kay Aira. Kinuha niya ang dala niyang bag at siya na mismo ang nagdala sa likod ng sasakyan. Si Ching ay nasa loob na ng sasakyan at busy sa kanyang phone.
"A-ah nasa loob po sir-"
"Eduard. Call me Eduard." Matigas nitong sabi.
"H-ha? Hindi naman po yata pwede 'yon Sir."
Shit bakit ba nauutal ako, kung makatitig maman kasi.
"Feeling ko kasi napakalayo mo sa akin kapag tinatawag mo akong Sir. Anyway nasaan ang tatay mo? Gusto sana kitang pormal na ipag paalam s kanya."
Napakalayo? Pormal na paalam? Parang jojowahin naman ang peg nito. s**t kalma self huwag assuming ka na naman! Tigil na!
"Aira? Hey natulala ka na." saka lang bumalik sa kasalukuyan ang diwa niya ng pumutik si Eduard sa harap niya. Biglang nag init ang kanyang pisngi. Feeling niya nasusunog na ang buo niyang mukha sa sobrang hiya.
"N-nasa loob sir. Halika po." napatiyuna na siya sa paglalakad para maitago ang pamumula ng kanyang mukha.