Invitation

1527 Words
Invitation Hindi nagtagal si Aira sa bahay nila Sanny. Pagkatapos niyang kumain ay nakipag kwentuhan muna siya saglit sa asawa ni Sanny bago nagpaalam. Kanina pa namimigat ang mga talukap niya. Antok na antok na talaga siya. Halata naman dahil panay ang hikab niya mula pa kanina nang dumating sila galing simbahan. Nagpaiwan muna si Ching. Ang sabi niya ay sasabay na lang siya sa tatay Max niya. Kasabay ni Aira umuwi ang tatay at kapatid niya. Pagdating sa bahay ay diretso agad si Aira sa kanyang kwarto. Wala pang isang minuto ay agad nakatulog ang dalaga. Kinabukasan… Maagang pumasok si Aira sa trabaho. Nakabawi na siya sa puyat noong nagdaang gabi. Alas tres ba naman ng madaling araw na siya nakatulog. "Good morning kids!" bati ni Aira sa mga batang pumapasok. Gumanti naman ng pagbati ang mga ito. "Aba, maganda yata ang gising mo ngayon partner. Nakabawi ka na ba sa puyat?" Nakangising saad ni Sanny kay Aira. "Oo Sanny. Pasensya ka na talaga ha. Babawi ako." "Sus, babawi kailan? Sa next life?" "Hindi a. Basta babawi ako. Sorry na." "Okay lang partner atleast present kayo ng pamilya mo. Ako nga dapat humingi ng pasensya kasi iyon lang ang nakayanan ko." Napa kunot noo si Aira, "Hoy ano ka ba? Huwag mong isipin 'yan. Ang isipin mo ke marami o kaunti ang handa okay lang 'yon. Ang importante ay nairaos ang binyag ng anak ninyo." Natigil ang pag uusap ng dalawa nang tumigil sa harap nila ang pamilyar na sasakyan. Lumabas ang driver at binuksan ang likod ng sasakyan. Niluwa si Yazer at kasunod niyang bumaba ang Daddy nito. Tila tumigil saglit sa paghinga si Aira nang masilayan ang mukha ng lalaki. Ang lakas ng dating ni Eduard sa suot niyang corporate suit. Maayos ang buhok na halatang pinahiran ng pampakintab. Napansin din ng dalaga ang makinis niyang mukha hanggang sa bumaba ang mga mata ng dalaga sa mga labi nito. Mamasa masa at natural ang mapulang kulay nito. Halos perpekto ang itsura at walang maipipintas dito. Walang tapon. Hindi matanggal ni Aira ang tingin sa lalaki. Tumikhin si Sanny kaya nabaling sa kanya ang atensyon ni Aira. Pinanlakihan niya ng mata ang dalaga. "Laway mo." bulong pa nito at ngumisi nang may pang aasar. Inirapan lang siya ni Aira at iniwas ang tingin sa mag ama na naglalakad palapit sa kanila. "Good morning, ate Aira." bati ni Yazer sa kanya. "Good morning din Yazer, kumusta ka?" ganting bati ng dalaga sabay ngiti. Mataman siyang pinagmamasdan ni Eduard. Napansin naman ito ng dalaga kaya't nabaling sa kanya ang paningin ni Aira. "G-good morning sir." Nahihiyang bati ni Aira sa daddy ni Yazer. "Good morning Aira." Saad na lalaki sa kanya. Napakislot si Aira sa dating ng pagtawag sa kanya ni Eduard. Sa pandinig kasi ng dalaga ay para bang matagal na silang magkakilala. Ano ba 'yan pati boses ang tigas. "Ate Aira, I just want to give you this." saad ng bata at inabot sa kanya ang isang sobre. "Ha? Ano to?" takang tanong ng dalaga at inabot ang binibigay sa kanyang sobre. "Invitation." "Invitation?" pag uulit niya sa sinabi ng bata. "Yeah, para sa birthday niya. Gusto ka niyang imbitahan." si Eduard na ang sumagot habang nakatitig pa rin sa dalaga. Medyo nailang si Aira sa paraan ng pagtitig sa kanya ng lalake. Kaya nag iwas agad siya ng tingin at ibinaling sa bata ang atensyon. Bakit ba ang hilig niyang tumitig. Di tuloy ako makahinga ng maayos. "A-ah ganun po ba. Titingnan–" "Ate please come." putol ng bata. Nag puppy eyes pa ito sa kanya dahilan para matawa ang dalaga. Hindi mawari ni Aira kung bakit biglang naging maganda ang pakikitungo sa kanya ng bata nitong mga nagdaang araw. Dati ay masungit at suplado ito. Ngunit sa kabila ng hindi magandang ipinakita ng bata sa kanya noon ay magaan pa rin ang loob niya kay Yazer. Dahil siguro napalapit na rin ang loob ni Aira kay Yen. "Okay, pero magpapaalam muna ako sa tatay ko ha?" "Huh? Where is your tatay? I will talk to him." "A-ah ano huwag na ako na lang ang kakausap sa kanya. Papayag naman siya basta magpapaalam ako." "That's great!" Nagtatalon ang bata sa labis na tuwa. "My Mom will come too. I'll introduce you to her." masayang saad niya pa bago nagpaalam sa kanila. Kung alam mo lang matagal ko nang kilala ang Mommy mo. Saad ni Aira sa isipan. Nakangiti ito at masayang nagpaalam sa kanila. Tumikhim si Aira para mabawasan ang tensyong nararamdman. Kanina pa kasi niya napapansin ang paninitig ni Eduard sa kanya. "I have to go Miss de Jesus. Sana makapunta ka sa party ng anak ko. Anyway pupunta naman si Cheryl. Ipapasundo ko na lang kayo sa driver ko." "K-kahit hindi na po sir. Mag ta-taxi na lang po kami ni Chinggay– I mean ni Cheryl po." "No," napailing ni Eduard. "I insist." Lalong napamaang si Aira. Kalaunan ay napatango na lamang. "Kayo po ang bahala." "Okay see you then. Bye." Tinitigan pa siya ulit no Eduard ng ilang segundo bago tuluyang umalis. Napabuga ng hangin si Aira nang mabasa ang invitation ni binigay ni Yazer sa kanya. "Rest house? Sa Batangas?" Napaawang ang bibig niya. Hindi naman n'ya akalain na sa isang bahay bakasyunan ang venue ng birthday party ni Yazer. Kinahapunan ay sinadya niyang dumaan sa bahay nila Ching upang mag usisa. This coming weekend ang birthday celebration ni Yazer. Ang sabi ni Eduard ay pupunta pati ang kaibigan niya. Wow self maka Eduard ka ha. Close kayo? Medyo matagal na ring nagtatrabaho si Ching sa kumpanya ng mga Vallejo ngunit bago lang siya bilang secretary ni Eduard. Ang Mommy kasi nito ang dating boss ni Ching. "Hello po ninong Max." bati niya sa ninong niya at nagmano. "Kaawaan ka Diyos, pasok ka Aira," iginiya siya ni mang Max sa loob ng kanilang bahay. Tinawag nito ang asawang si aling Cherry. Agad namang lumabas ang asawa mula sa kusina. "Maupo ka." "O, Aira anak napadalaw ka?" Nakangiti si aling Cherry, agad namang nagmano ng dalaga. "Kaawaan ka Diyos." "Opo ninang, may gusto lang po sana akong sabihin kay Chinggay." sagot ng dalaga. "Maupo ka muna at igagawa kita ng merienda malapit nang dumating ang kaibigan mo." Tumango naman ang dalaga bilang tugon. Ilang minuto lamang ang hinintay ni Aira at dumating din ang kaibigan. Bago siya magtungo dito ay tinext na niya si Ching. "Tara sa kwarto Aira." yaya ni Ching sa kanya. Tahimik naman itong sumunod sa kaibigan. "So ano itong ichichika mo akla?" tanong agad ni Ching pagkasara pa lamang ng pinto ng kwarto niya. "Iyong boss mo kasi," panimula ni Aira. Bigla namang nag seryoso ang mukha ni Ching at tinabihan siya sa pag upo sa kama. "Oh, what about my boss?" "Inimbita ako sa birthday ng anak niya. Eto nga oh." at inabot ni Aira ang invitation kay Ching. "Invitation!? Wow!" hindi makapaniwalang bulalas ni Ching. "Gulat na gulat ha? Bakit ikaw ba wala? E ang sabi ni Mr. Vallejo kasama ka raw." "Invited ako pero hindi naman kagaya mo na may pa invitation letter pa." Nanlaki ang mga mata niya sa tinuran ng kaibigan. "Ano?" "Yes my dear best friend. Tama ka ng hinala. Ikaw lang ang pinadalhan ng imbitasyon. Parang gusto ko na tuloy magtampo. Mukhang my favoritism ang boss ko." may mapanuksong ngiti sa labi ng kaibigan niya. "Pinagsasabi mo?" Takang tanong niya pa. "Oh nevermind sis, ang pag planuhan natin ay kung paano natin kakabugin ang mga dadalo sa party. Tara, at mag ukay ukay sa kanto maraming bagong dating ngayon." Hinila siya ng kaibigan palabas at wala na siyang magawa kundi mag patiyanod dito. "Ano ba 'yang mga pinipili mong damit eh kita na ang kaluluwa ko d'yan sa damit na 'yan." maktol ni Aira sa kaibigan. Paano ba naman kasi ay mga dress na fitted ang pinili ni Ching. Kung hindi kita ang cleavage ay halos kita na ang tiyan ng sinumang mag susuot. "Ano ka ba sis, natural sexy ang susuotin natin eh party yung pupuntahan natin hindi prayer meeting." Nanliliit ang mga mata ni Ching. "Hindi ba pwedeng mag party na hindi ganito ang damit?" napanguso si Aira. Napakamot naman ng ulo si Ching. "Alam mo hindi ka na teenage okay? Hindi naman siguro labag sa batas kung magsuot ka ng mga sexy na damit dahil nasa tamang edad ka na. Bilisan mo at bibili pa tayo ng bikini." "Bikini!? At bakit pati bikini pa?" Kunot na kunot ang noo niya at halos magdikit pati ang mga kilay niya dahil sa narinig. "'Di ba sa rest house nila sa Batangas gaganapin ang party?" tanong ng kaibigan. "Oo." sagit naman niya. "Ang rest house na sinasabi nila ay nasa tabing dagat. Gabi ang party ng anak ni boss. Kinabukasan may pa swimming na ganap." paliwanag ni Chinggay. "Paano mo alam ang mga magaganap doon?" Hindi pa rin kumbinsido si Aira. "Akla! Secretary ako ni boss. Malamang sinabi sa akin ang eterinary niya!" bulalas ng kaibigan niya dahilan upang matauhan siya. Oo nga naman, bakit nawala 'yon sa isipan niya. Pero no way! Hindi ako magsusuot ng bikini.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD