"Good morning neighbors!" nakangiting bungad ni Ching nang pagbuksan siya ng pintuan ni tatay Con. Nagulat naman ang matanda at napahawak sa kanyang dibdib.
"Nakakagulat ka namang bata ka! Aatakehin ako sa'yo." Saad ni tatay Con at niluwagan ang awang ng pinto. Bihis na bihis n ng dalaga at ready nang gumayak.
"Pasok ka,"
"Si Aira po 'tay?"
"Ayun tulog pa yata. Nakailang beses na ako sa pagkatok sa kwarto niya pero hindi sumasagot baka napuyat na naman yang kaibigan mo sa pagbabasa ng mga libro." Nagkakamot sa ulo ang matanda. Napangisi si Ching.
Mahilig na talagang magbasa dati pa si Aira lalo na sa mga romance stories. Naalala niy dati nanghihiram sila sa mga ka klase ng mga pocket books. Tinatago nila dahil magagalit ang mga magulang nila kapag nahuli sila Pareho silang magkaibigan na mahilig sa mga stories. Kapag may extra sila sa kani kanilang sahod ay bumibili sila ng libro at pagkatapos basahin ay nakipag palitan sila sa isa't isa. At ngayon nga ay mukhang inisahang basa na naman ni Aira ang kwentong nasimulan niya. Dumagdag pa ang mga reading apps na pinasa ni Ching sa kanya. May app kasi na pwedeng siyang magbasa ng libre kung kaya nadagdagan ang mga babasahin niya. Pampalipas na rin ito ng dalaga kapag wala siyang ginagawa. Mas gusto niyang magkulong sa kanyang kwarto at magbasa kesa lumabas ng bahay para gumala. Pero kung may manlilibre aba'y gogora
Tinungo ni Ching ang kwarto ni Aira at hindi nag atubiling kumatok. Binuksan niya ang pinto ng kwarto ng kaibigan. Tumambad sa dalaga ang nakadapang si Aira katabi ang mga librong babasahin pati ang phone nito. Natatakpan ang kanyang mukha ng sabog niyang buhok.
Napailing na lamang si Ching habang lumalapit sa kaibigan. Kinalabit niya ito para gisingin ngunit umungol lang ito.
"Hoy! Gising!"
"Hmmm…" ungol ni Aira. Hindi man lang ito gumalaw at tila tinuloy muli ang pagtulog. Nakaisip naman ng kalokohan si Ching. Hinampas niya ng malakas ang pang upo ni Aira dahilan upang mapa balikwas ito sa higaan.
"Araaay!" sigaw ng dalaga. "Sinong lapastangan ang pumalo–hmmm!" hindi matuloy ni Aira ang pagsigaw dahil hinarang ni Ching ang unan sa kanyang bibig.
"Hininga mo ang baho! Baka gusto mo munang mag mumog bakla ka."
Binaba ni Aira ang unan at tinitigan ng masama si Ching.
"Chinggay ang aga aga nambubwisit ka." Simangot ni Aira. "Ano na naman ba ang kailangan mo!? Kung yayain mo akong lumabas wala ako sa mood–Oh my gulaaay!" Sigaw ni Aira nang maalala kung anong araw ngayon. Dali dali itong tumayo kinuha ang tuwalya at dumeretso sa banyo.
"Ninang bilisan mo! Ayan basa pa more!!" Buska ni Ching sa kanya at lumabas na rin ng kwarto.
Ngayong araw ng binyag ng anak ni Sanny. Bakit nga ba nawala sa isip niya iyon.
"Anong oras na Ching? Aabot pa ba tayo sa simbahan?" tanong ni Aira sa kaibigan. nakasakay na sila ng traysikel papunta sa sakayan ng jeep papuntang simbahan.
"Ang sabi ng asawa ni Sanny pagkatapos daw ng pangalawang misa ang binyag. Sana nga umabot tayo."
"Nawala talaga sa isip ko, sabi ko isang chapter na lang. Pero hindi ko natiis kaya tinapos ko hihihi." Inirapan lang siya ng kaibigan. Hindi na niya tinalakan ang si Aira dahil panigurado ibabalik din sa kanya ang sisi. Kung hindi naman kasi dahil sa kanya ay hindi mahuhumalinh si Aira sa mga stories na yan. Naimpluwensyahan niya ng kaibigan, ngunit mas malala.yata ang naging epekto kay Aira dahil addict na yata ito at hindi tinatantanan ang storya hangga't hindi natatapos.
Pagdating nila sa simbahan ay nagsimula ng ang misa. Naghanap sila ng mauupuan sakto namang may bakante sa gilid malapit sa bintana. Nauna nang naglakad si Ching kaya sumunod naman siya. Pinili ni Ching ang pwesto malapit sa bintana.
Tahimik ang magkaibigan habang nakikinig sa sermon ng pari.
Maraming to sa simbahan ngunit hindi naman gaanong siksikan. Marahil ay nakapag simba na ng iba kanina. Palihim niyang iginala ng kanyang mga mata upang hanapin si Sanny at ang asawa nito. Ngunit hindi niya mahanap ang mga ito. Nabaling ang atensyon ni Aira sa pari nang magsalita ulit ito.
"Let us grant peace to one another with a smile."
Agad nag bow si Aira at nginitian si Ching, "Peace be with you." bati niya sa kaibigan, gumanti naman ito ng bati sa kanya at bumeso. Umikot siya para batiin ang mga nasa paligid niya. Pagbaling niya sa gawing kanan ay mayroong siyang nakita na hindi niya inaasahan!
Nang mag angat ito ng mukha ay nagtama ang kanilang paningin.
"Sir Eduard?" Mahinang bulong niya ngunit narinig ng kaibigan.
"Huh? May sinasabi ka?" Tanong ni Ching kaya nabalung sa kanya ang atensyon ni Aira.
"A-ah wala, may nakita lang akong k-kakilala." pagdadahilan niya. Tumango naman si Ching at binalik ang atensyon niya sa pari. Dahan dahan siyang bumaling sa gawi kung saan niya nakita si Eduard kanina ngunit wala na ito.
Baka namalikmata lang ako. Puyat kasi. Baka nga kahawig niya lang. Sa isipan ng dalaga at nag focus na lang sa pagsisimba.
Samantala, gustuhin man ni Eduard na manatili sa pwesto lalo pa hindi niya inaasaha na makikita niya si Aira. Ang babaeng laman ng kanyang isip mula pa noong unang beses niyang masilayan ang maamong mukha ng dalaga. Napilitan siyang umalis dahil panay ang vibrate ng phone niya sa bulsa. Mukhng urgent ang phone call dahil kanina pa ito nag ri-ring. Mabuti na lamang at naka silent mode ito.
"Yes hello?"
"Eduard, where are you?" Its Arcel. His business partner and a friend.
"Tumatawag ka ng paulit ulit just to ask that? It's Sunday Arcel. May pribado rin akong buhay. Kaya pwede ba?" sa inis niya ay pinatay na lamang niya ang telepino niya at baka may masabi pa siyang hindi maganda sa babae. Kahit papaano ay may pinagsmahan silang dalawa at maaki ang naitutukong ng babae sa kanilang kumpanya.
Hindi na bumalik si Eduard sa dati nitong pwesto kanina. Nanatili na lamang siya sa pinaka huling hilera ng upuan sa likod ng simbahan at malayang tinatanaw ang likuran ng dalaga. Kasma ni Aira ang skaibugan niya ng kanyang sekretarya sa opisina.
Noong una ay hindi niya gaanong pinapansin ang dalaga. Iniiwasan niya ito lalo pa at kaharap ang anak niya. Kapag kaharap niya si Aira ay nag aalangn siyang kausapin ito ng kausapin. May agam agam siya na baka hindi siya magustuhan ng dalaga. Sa isip ni Eduard ay baka mas prefer ni Aira ang binata kaysa sa kanya na binatang ama. Ngunit anumang iwas niya sa dalaga ay mukhang nanadya naman ang sutil niyang anak. Panay ang kwento nito tungkol kay Aira. Araw araw ay bukambibig niya ang ate Aira niya. Lagi itong may update sa ama tungkol kay Aira. May plano pa.ng si Yazer na imbitahin si Aira sa nalalapit na birthday niya. Tinutulan ito ni Eduard noong una ngunit hindi na niya natanggihan ang anak ng magpumilit ito. Katwiran niya ay siya naman daw ang may birthday kaya iimbitahin niya ang sinumang nanaisin niya.
"Sino ba ang hinahanap mo? Kanina pa kita napapansin na panay ang lingon mo sa likod." Bulong ni Ching kay Aira.
"A-ah si… Si tatay. Oo si tatay at Archie." palusot niya.
Lord patawad sapagkat ako'y makasalanan
"Eh 'di ba sabi niya sa bahay na lang ni Sanny sila pupunta. Lutang ka ih."
Hinila na siya ni Ching matapos ang picture taking nila kasama ang pamilya ni Sanny at mga ninong at ninang ng bata.
"Dalian mo na. ML na ML na ako." yakag sa kanya ni Ching.
"ML?" nagtatakang tanong niya sa kaibigan.
"ML means MAKIKI LAMON." bulong sa kanya ng kaibigan sabay hagikgik. Napaawang ang kanyang labi sa tinuran ng kaibigan. "Hindi kaya ako nag almusal para makarami ako mamaya." saad pa niya at kinindatan siya.
"Kakahiya ka. PG."
"'Di bale ng PATAY GUTOM atleast invited 'di ba?" hagikgik ulit ni Ching. Umukot ang kanyang mata sa tinuran ng kaibigan.