LINDSAY Isang araw lang akong namamalagi sa hospital at nag- discharge na ako. Ayaw pa sana ng doctor na sumuri sa akin dahil hindi pa lumabas ang results ng test ko. Kung ano ng dahilan sa pagkahilo ko pero nag-insist akong lumabas na dahil wala naman akong naramdaman at sigurado naman akong healthy ako. Marahil ay dala lang nang stress ko sa araw na iyon kaya ako hinimatay. Maging sina papa at mama ay ayaw pa sana lumabas ako dahil kailangan daw makasigurado. Pero wala pa rin silang nagawa. Pinaperma na lamang kami ng waver sa doctor. Ayaw kong manatili dito sa hospital ng Laguna. Dito kasi kami dinala sa mga pulis dahil dito ang pinakamalapit na hospital. Hindi puwede na magtagal ako dito dahil kailangan makauwi na kami ng Maynila kaagad. Upang mapuntahan ko si Vincent. Hindi ko man

