GUMALAW ang panga ni Christopher habang pinagmamasdan ang babaeng walang kapaguran sa paggiling sa kanyang harapan. Maxine Magdalena Colosi - ang pinsan ni Sevastian Colombo. Ayon sa kanyang spy, ang babaeng ito ang malapit sa lalaking yon Kasama ito sa grupo ng mga Mafia - gumagamit din ng ipinagbabawal na gamot at pumapatay din kagaya nilang mga Mafia. Ang huling karelasyon nito, namatay dahil sa labis na paggamit ng ipinagbabawal na gamot - ngunit wala siyang katiyakan kung doon nga namatay. May ilan siyang nasasagap na balita na posibleng ang babae ding ito ang pumatay sa nobyo nito - sa balitang ipinagpalit ito sa iba. Nakilala niya ito sa isang bar - agad siyang natipuhan at agad din naman niyang dinala sa VIP Room. Planado ang lahat ng pagkikita nilang dalawa dahil ito ang

