ISANG halik sa pisngi ang nagpagising kay Zasha. Paggalaw niya, kaagad siyang napangiwi ng maramdaman ang pananakit ng kanyang katawan. Isang mahinang ungol ang pinakawalan niya bago dahan-dahang nagmulat ng mga mata. Ang guwapong mukha ni Christopher ang unang bumungad sa kanya - nakangiti ito na tila napakaganda nang nakikita ng mga mata nito. "Good morning, baby.." Hanggang sa halikan siya nito na saglit niyang ikinapikit. Nagpalinga-linga siya ng hindi niya makita si Christian. "Ang anak --" "Nasa ibaba siya. Pinabantayan ko muna sa yaya niya at alam kong 'di mo rin siya 'agad maaasikaso." Namula ang mukha ni Zasha nang makita ang kapilyuhan sa mga mata nito. Paano ba naman halos magdamag na siya nitong tinigilan - kung hindi pa yata sumuko ang bataan niya, hindi talaga siy

