ISANG katok ang nagpalingon kay Christopher - ang kaibigang si Timothy Roy. "Hey, bro!" Isang tango ang pinakawalan niya. Umupo naman ito sa visitors chair. Nakangisi itong bumaling sa kanya. "Kumusta ang pagkikita niyo ni Zasha?" ani nito. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Christopher - naalala na naman niya kung paano siyang tinanggihan ng kasintahan na sumama sa kanya. Hindi niya maitatangging nasaktan siya dahil buong akala niya - agad itong papayag dahil mahal siya nito. Napaisip tuloy siya - ayaw ba nitong makasama siya sa iisang bahay? Talaga bang mahal siya nito? "Mukhang hindi mo nakuha ang kiliti niya ngayon ah?" nakangising wika nito ng hindi siya kaagad nakapagsalita. Bigla siyang napatikhim. "Nagkaayos na kami. Ang kaso noong tinanong ko siya kung gusto ni

