MUNTIK nang matapilok si Christopher sa pagmamadaling makaakyat sa itaas ng kanyang kuwarto - nang makitang papasok na ang sasakyan ng kanyang kasintahan. Nagawa pa talaga niyang magbabad sa araw para magmukha nga siyang mainit na tila nagdedeliryo sa lagnat. Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ni Christopher sa mga kalukuhang pinaggagawa niya - 'di niya akalaing uubra nga ang plano ng kanyang kaibigan. Kaagad siyang sumampa sa kama - sinadya niyang huwag buksan ang aircon para manatili ang init sa buong katawan niya. 'Di siya handang magtapat ngayon at baka lalo lang manggalaiti ang kasintahan niya oras na malaman nitong pagpapanggap lang ang lahat. Hanggang ngayon hindi pa rin makapaniwala si Christopher na ganito siya katakot sa kasintahan - marahil sobrang mahal na mahal niya i

