HINDI makapaniwalang hinampas ni Zasha ang braso ni Christopher - akalain ba namang pagpapanggap lang ang ginawa nito para pumunta silang mag-ina sa bahay nito. Inis na tinalikuran niya ito - ngunit maagap nitong hinuli ang kanyang balingkinitan. 'Agad ipinulupot ang malabakal nitong mga braso. "Sorry na, baby. Wala na kasi akong maisip na paraan para mapapayag kitang patirahin sa mansion ko." Pumihit siya paharap. Hawak-hawak pa rin nito ang katawan niya. Pigil na pigil pa nitong mapangiti na tila tuwang-tuwa pa sa kalukuhan nito. "Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala sa iyo.." inirapan niya pa ito dala nang inis sa nobyo. Napakamot naman ito sa batok. "I know. Balak ko pa nga sanang ipakuha ka sa mga tauhan ko --" Nang manlaki ang mga mata ni Zasha. Gumuhit naman ang alinl

