NATAWA si Zasha ng kilitiin siya ni Christopher - kasalukuyan siyang yakap yakap nito. Nasa crib naman si Christian at tahimik na nilalaro ang laruan nito. Napapikit si Zasha ng maramdaman niya ang halik nito sa kanyang leeg. Inamoy-amoy pa nito at talagang mahina pa nitong kinagat-kagat. "Sobrang mahal kita.." he whisper na ikinalunok ni Zasha. Lalo niyang naramdaman ang mahigpit nitong yakap sa kanyang balingkinitan. Hanggang sa napatili siya ng bigla siya nitong pangkuin na tila bagong kasal-buong ingat siya nitong inihiga. Nahawakan naman niya ang matikas nitong dibdib. Lihim na namang humanga si Zasha sa ganda ng pangangatawan ng fiance. Daig pa niyang bata sa laki nito. Sobrang nakakahanga rin ang ma-muscles nitong mga braso - lalo na ang bato-bato nitong tiyan na kung mi

