After 1 year... ARAW ng kasal. Hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman ni Zasha habang nasa loob siya ng sasakyan patungong simbahan. Ramdam niya ang kabog ng dibdib. Labis siyang na-e-excite at sa wakas, magiging Mrs. Del Lusca na rin siya! Maya't maya rin siyang napapangiti habang naaalala ang pagsasama nilang dalawa ni Christopher - kahit hindi pa niya ito asawa, nakita niya ang pag-aalaga nito. Sa kabila nang kaabahalan nito sa kompanya, hindi ito nawalan ng oras sa kanila ni Christian. Lagi itong naglalaan ng oras kahit anong mangyari. Ang anak naman nilang si Christian - ayon lumaking daddy's boy kahit siya ang laging kasa-kasama nito. Palibhasa, magkamukha ang dalawa. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Zasha ng malapit na sila sa simbahan. Muli niya

