ILANG malulutong na suntok ang pinakawalan ni Christopher sa lalaking nahuli nila. "Magsasalita ka o papatayin kita?!" gigil na singhal ni Christopher. At talagang ngumisi pa ang lalaki kahit duguan na ang mukha nito at may tama na rin ang pangangatawan nito. "H-hindi ka magtatagumpay! P-papatayin ka niya!" asik nito na ikinapula ng mukha ni Christopher. Mukhang hindi siya nito nakikilala. Kahit naman umalis na siya sa pagka-Mafia, nasa pagkatao pa rin niya ang kabagsikan bilang Mafia! Isang sigaw ang kumawala sa bibig nito ng dugutin niya ang sugat nito sa tagiliran. Namuo ng pawis ang buong mukha nito habang namumutla iyon. Napaluha rin ito sa sakit! "Hindi mo 'ko kilala!" mariing bigkas ni Christopher habang nandidilim ang mukha niya. Hanggang sa tumayo siya at itinutok an

