BINALOT nang kalungkutan si Zasha nang malamang paalis ang kanyang itay. Pupunta raw ito sa Singapore dahil sa isang business trip. Ang ikinanghihina niya, ay 'di nito masabi kung kailan ito makakabalik. Hindi niya maikakaila sa sarili na hindi siya komportable na maiiwanan sa bahay na ang kasa-kasama ang mag-iina. Lalo siyang nababahala sa tuwing naiisip ang kanyang Kuya Judas. Hindi naman niya masabi-sabi sa kanyang itay at baka isipin nitong pinag-iisipan niya ng masama ang kapatid gayoong wala naman itong ginagawang masama laban sa kanya. Sa ilang buwang nakalipas, bihira lang niya makausap ang dalawang kapatid na babae at ganoon din ang Donya Felistia. Ang lalakeng si Judas naman, mas bihira niya lang itong nakikita at napapansin niyang madalas itong wala sa bahay? Kung umuwi ma

