NAPANGANGA si Zasha nang makita ang bagong sasakyan na nasa kanyang harapan. Hanggang sa maramdaman niya ang kanyang ama na tumayo sa kanyang tabi. "Nagustuhan mo ba anak?" ang nakangiting tanong ng kanyang ama. Napalunok naman si Zasha. "Sa akin po ito, itay?" hindi pa ring makapaniwalang bigkas niya sa kanyang ama. Sunod-sunod namang napatango ang kanyang itay. "Yes, Princess. Binili ko 'yan para sa'yo. Sana nagustuhan mo," wika nito habang nakatingin sa kanya. "Sa ngayon, kailangan mo munang may driver na kasa-kasama at hindi ka pa marunong magmaneho." Sabay haplos nito sa kanyang buhok. Hindi pa rin siya makakibo. Ni sa panaginip hindi niya inaasahang magkakaroon siya ng sariling sasakyan ng ganoon-ganoon lang? Kungsabagay, ang kanyang mga kapatid nga niya ay may tig-iisang s

