BIGLANG napabangon si Christopher nang masigurong wala na ang babaeng si Maxine. Kaagad niyang kinuha ang sariling cellphone at tiningnan ang audio camerang ikinabit niya sa damit ng dalaga. Sumakay ito sa itim na Van. May ilang kalalakihang nasa loob ng sasakyan at lahat nakasuot na itim na sunglasses at tila may mga lahi ang mga ito. Malalaking tao at pawang nakasuot na itim na damit. Hindi rin nakaligtas kay Christopher ang tattoo sa leeg nang isang lalaki. "Perché mio cugino vuole vedermi?” tanong ni Maxine sa lalaking katabi nito. Biglang napaupo ng tuwid si Christopher at biglang na napamura. Hindi nga siya nagkamali - pinaglalaruan siya ng babaeng ito! Sa ilang Linggong pagsasama nila, lagi na lang itong nagdadahilan sa kanya kung kaya hindi niya makita-kita ang Sevastian n

