PAWISAN na ang buong katawan ni Christopher sa pakikipaglaban sa mga tauhan ni Sevastian, ngunit hindi pa rin niya nahahanap kung nasaan ang lalaki! Kaliwa't kanan ang putukan at ang pasabog na maya't maya yata pinapakawalan ng mga kalaban. Dahil sa dami ng tauhan ng lalaki, hindi nakaligtas ang braso niya na madaplisan ng bala. Pawang mga foreigner ang tauhan nito. Nanggaling pa sa magagaling na bansa na bihasa sa pakikipaglaban. Alam niya ring may ilan nang nasawi sa kanyang mga kasama - ngunit sisiguraduhin niyang hindi siya aalis hangga't hindi niya napapatay ang hay'p na lalaking Sevastian na iyon! "Fvck!" Mabilis siyang gumulong nang gumulong nang ratratan siya ng armalite. Hinihingal siyang nagtago sa pader. Ilang beses siyang napamura bago lumuhod at pinaputukan ang kal

