PINAGMAMASDAN ni Zasha ang sariling anak na nakikipaglaro sa yaya nito. Sa sunod na linggo ang kaarawan nito, ngunit hindi pa rin siya gumagawa ng kahit anong hakbang dahil namumutawi ang lungkot at sakit sa puso niya. Anim na buwan nang hindi niya nakikita ang asawa. Walang araw na hindi nanghihina si Zasha - dumarating sa puntong bigla-bigla siyang nasasaktan sa hindi maipaliwanag na dahilan. May pagkakataong nagigising siya ng hatinggabi habang hinahanap ang asawa at wala siyang magawa kun'di ang umiyak. Walang araw na hindi siya nag-aalala para sa asawa, ngunit kung minsan, gusto niyang maghinanakit at hindi man lang ito gumawa ng paraan upang makausap siya nito kahit man lang saglit. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi niya. Ikinurap-kurap ang mga mata upang burahin ang nam

