BIGLANG napamulat si Zasha nang maramdaman ang pagyugyog sa kanya ng asawa. Naramdaman pa niya ang luha sa kanyang mga mata. Napapasimangot na bumangon siya ng dahan-dahan. Ramdam niya ang bigat sa dibdib dahil sa masamang panaginip. "Hey, wife.. are you okay?" kaagad nitong pinunasan ang luha sa kanyang mga mata. Ikinulong din siya nito sa matitipunong braso nito. Hanggang sa tingalain niya ito. "Ang pangit ng panaginip ko.." maiiyak na namang wika niya sa asawa. Hinaplos nito ang kanyang mukha. "It's just a dream, wife." Hinalikan siya nito sa noo. Ngunit napalunok si Zasha. Ramdam pa rin niya ang bigat sa dibdib na tila isang totoo ang nakita niya sa kanyang panaginip. Hindi niya iyon matanggap-tanggap! "Hindi mo ba ako tatanungin kong anong napanaginipan ko?" tanong niya sa

