NAGMAMADALING tinungo ni Zasha ang library ng kanyang ama. Gusto niyang malaman kung bakit ito nakipag-sosyo sa lalaking iyon. Pagpihit niya ng pinto - 'agad bumungad sa kanya ang amang nakatutok sa laptop nito. Ngayon lang napagtanto ni Zasha na isang pagpapanggap lang ang ginawa ng kanyang ama - ang magkaroon ito ng sakit. Malakas ang kutob niyang gumawa lang ito ng dahilan upang tumungo siya sa Maynila upang makita siya ni Christopher. Sa madaling salita - planado nito ang lahat! Pero bakit? "Dad.." Umangat naman ito ng tingin. "Anak --" "Bakit, hindi mo sinabi?" 'agad na tanong ni Zasha na ikinabura ng ngiti sa mga labi nito. Tumikhim muna ito bago pinagsiklop ang mga kamay at tumitig sa kanya. Nagpakawala rin ito nang buntong-hininga. "Dahil iyon ang pakiusap niya, anak."

