SINIKAP ni Zashang makawala sa mga bisig nito. Itinulak niya ito ngunit hindi man lang ito natinag. Naiinis na tiningala niya ito - hindi niya pinansin ang seryosong mga titig nito sa kanya. "Bitiwan --" "Mag-uusap tayo." Sandaling natigilan si Zasha. Hanggang sa maramdaman niya ang pagpapakawala nito sa balingkinitan niya. Nailang siya ng titigan na naman siya nito at talagang tiningnan siya mula ulo hanggang paa na tila siya ay hinuhubaran! Ang manyak talaga ng lalaking ito! Palibhasa gurang na! Akmang tatalikod siya dahil wala namang dahilan upang mag-usap sila ng bigla itong magsalita. "H'wag mo 'kong subukan.." Napalunok si Zasha dahil sa banta nito. Mahina man ang tono ng pananalita nito, ngunit naroon ang pagka-dominante nito. Lalo tuloy siyang nainis. Wala pa rin

