Napatingin ako sa mga damit na inaayos ko at nakakalat ito sa buong kwarto, inaayos ko kasi ang damitan namin ni Claude. “Wow! What happen here babe?“ Napatingin ako kay Claude na pumasok na nakapangtrabaho pa. “Inaayos ko lang mga damit natin wala naman akong ginagawa, natapos ko na yong assignment ko.“ Sabi ko sa kanya na pumunta ito ng walk in closet at nagbihis. Paglabas niya ay tinabihan niya ako at hinalikan ako sa pisngi kaya napangiti ako. “May mga damit ka na medyo kupas na.“ Sabi ko sa kanya kaya hinalungkat niya ang mga damit niya, isang bagay ang napansin ko kay Claude ay hindi siya maluho pagdating sa mga gamit niya. May mga pantalon siya na kahit kupas na ay sinusuot pa rin nito, ang mga t-shirt at short niya ay ganon rin maging ang mga suit niya na pantrabaho. Alaga ri

