Napatingin ako kay Clarissa na kanina pa hindi mapakali kaya pinagpatuloy ko na ang pag-aayos ng mga gamit ko. Pauwi na kami at ito lang ang kasama ko dahil may practice pa sa tennis si Nadja at mamaya pa ito uuwi. “Yell, pwede ba na mauna ka na muna sa gate may kakauspin lang ako.“ Sabi nito kaya napangiti ako at tumango. Naglalakad na ako papunta sa gate ng makasalubong ko ang grupo ng basketball team at nakita ako ng mga ito pero nagtuloy-tuloy lang ako. “Hello Rayelle.“ Bati ng isa sa mga ito na nakilala ko, si Kelvin ito ang kaklase ko na madalas magnakaw ng tingin sa akin at hindi ko iyon gusto dahil kinikilabutan ako. Hindi ko ito pinansin ang nagtuloy lang ako sa paglalakad, akala ko ay titigilan na ako nito pero sumunod pala ito sa akin. Binilisan ko na lang ang paglalakad k

