Pagkauwi namin ng mansyon ay wala pala si mommy at daddy dahil pumunta raw ito ng Cebu at bukas ang balik. Kaya kami lang ni Claude dito sa mansyon kaya medyo hindi ko gusto ang titig at ngisi ni Claude habang sinasabi niya ito na kaming dalawa lang ang nandito. Napailing na lang ako sa kanya dahil nakikita ko na naman ang pagiging pilyo nito. Ang mga kasambahay kasi at sina Manang Flor ay hindi dito natutulog dahil may mga sariling bahay ang mga ito di-kalayuan dito sa mansyon. Kaya ang siste ay wala kaming kasama, nakapagluto na nga ang mga ito ng hapunan namin at maaga silang pinauwi ni Claude. “Si Kuya Anton nasaan?“ Tanong ko mayamaya habang nagtatangal ako ng uniform ko pero lumapit ito sa akin at ito na ang nagpatuloy kaya hinayaan ko na lang siya. “Umuwi muna dahik nami-miss

