Napakabait pala ni Ate Kaya at Kuya Drake nang ipakilala ako ni mommy sa mga ito at wala akong nakita na kahit anong flow sa mukha ng mga ito. Mas maganda at gwapo sila sa malapitan at napakalambing ng boses nito. “Claude will not attened because its his ex-fiance's wedding.“ Napakunot ako ng noo nang may marinig akong boses ng babae na nandito rin sa banyo. Napahawak ako ng mahigpit sa suot ko na gown at pigil ang hininga ko. “Tama, pero nandito ang nanay niya kaya baka okay na sila diba? At balita ko ay inaasikaso na ang annulment ni Claude sa asawa nito.“ Boses naman ng isang babae kaya napailing na lang ako. “Don't ever let anyone know this, sigurado ako na magagalit sa atin si Kaya.“ Sabi ng isa pa kaya mukhang tatlo ang mga ito na nandito ngayon. Mukha nga talagang may nakaraan

