NAGISING si Amulet na blooming pa sa lahat nang blooming sa umagang iyon. Hindi na siya nagtaka kung paano siya umabot sa kaniyang kama, alam niyang binuhat na siya nito nung nakatulog siya nang tuluyan sa bisig nito. Sandali niyang pinagmasdan ang suot na singsing. Bahagya siyang napangiti at pakiramdam niya, namula ang kaniyang magkabilang pisngi. Hindi pa rin siya makapaniwala na kasal na sila ngayon ni Zach. Kagabi rin ay nagkasal-kasalan silang dalawa kahit bawal ang relasyon sa loob ng Znthra. Walang makakapigil sa kanilang pagmamahalan dalawa. Mag-asawa na sila ngayon ni Zach at pagmamay-ari na nila ang isa’t isa. Sa ngayon, sekreto muna nila ang lahat at saka na nila sasabihin ang kanilang pagiging mag-asawa pagkatapos nila mahanap ang Exitus at makalabas sa mundong ito. Nag-u

