DERITSONG bumagsak ang katawan ni Amulet sa kama. Hapong-hapong siya pero hindi niya ginamit ang sariling skills para alisin ang hapong nadama niya. Gusto niyang maramdaman ang pagod sa pagpunta nila sa Dungeon at pagkuha niya sa pulang dragon. Tinandaan niya ang sinabi ni Zach. huwag na huwag niyang ipaalam sa lahat o kahit sa loob ng Gudgeons na nasa kaniya ang pulang dragon. Kahit si Orion, ito ang ang advice sa kaniya. Na ipanatili niyang sekreto si Arux. Gamitin niya lang ito kapag dumating na iyong araw na kailangan niya itong gamitin. Maraming naghahangad sa dragon na hawak nila at isa na si Oscarius. Kahit ito ang may ari ng Znthra, isa pa rin itong manlalaro kaya gusto nitong makuha sa kanila ang limang dragon. Pero hindi, parang may ibang pakay si Oscarius, iyon ang nararamdama

