Matiim na pinagmamasdan ng isang lalaki ang dalagita na mahimbing na natutulog. Nagtatago siya sa dilim sa kaliwang bahagi ng kwartong iyon. Kapagkuwa’y, lumabas sa kaniyang palad ang naka-tagong patalim. Napapalibutan ito ng kakaibang enerhiya kaya napapansin niya ang kulay asul na enerhiyang bumabalot do’n. Nakahanda na siyang patayin ito. Marahan siyang humakbang papalapit sa dalagita. Wala pa rin itong kamalay-malay na ito na ang huling gabi na masisilayan itong buhay. Ito ang kaniyang misyon. Kailangan niya itong patayin bago ito sumapit ng desi-otso sa susunod na linggo. Matagal na niyang minanmanan ito. Dapat sana ay dati pa niya ito pinatay, nung sanggol pa lamang. Pero parang may kung anong bumabagabag sa puso niya sa tuwing pinagmamasdan niya ang inosente nitong mukha. Kung ti

