“Serafin! Babaeng ito iniwan na naman ako,” himutok ng dise-syeteng dalagitang si Khrystell. Hinagilap niya ang kaibigan sa maraming nag-uumpukang tao sa field pero kahit anino nito ay hindi niya makita. Kanina lang ay magkasama sila nito sa classroom. Kung saan-saan kasi nagsusuot ito kung kaya ‘pag hahagilapin na niya, mahihirapan muna siya. Kapagkuwa’y napatingin siya sa suot na orasang pambisig. Tiyak na pagagalitan siya nito ng kaniyang ina. Kabilin-bilinan pa nito na pagsapit ng alas-sais ng gabi, dapat nasa bahay na siya kasama ito. “Kailangan ko na talagang umuwi. Bahala na nga ang babaeng iyon! Hay naman kasi, mapapagalitan pa ako nito kung patuloy ko siyang hahanapin sa madaming tao dito sa field.” Inayos niya ang pagkakasukbit ng backpack sa balikat at nagsimulang maglakad

