“Alam mo ba kung ano kalaking gulo ang ginawa mo?” Nababakas sa boses ng matandang Connoisseur ang pinipigilan galit sa kabila ng mga sugat na natamo nito sa pakikipag-away. Nabahiran ng lungkot ang mga mata nito nang sulyapan ang paboritong piano na sirang-sira na at hindi na pwedeng magamit pa. “Mamayang gabi na ang kabilugan, Leigh. Ang mga high class Demons pa nga lang ay nahihirapan na tayo, ano pa kaya kung magising na sa pagkakahimlay ang demonyong pinuno nila? Hindi rin natin alam kung magiging kakampi pa ba natin sakali si Khrystell. At si Abbaddon ang kapatid mo muling nagbalik—” “Papatayin ko siya.” Mabilis na pinutol ni Althdolfer ang anuman sasabihin ng kaibigan niyang si Russel laban sa kapatid niya. Ayaw niyang marinig ang pangalan nito. Isa itong lason na ayaw niyang m

