Masakit ang buong katawan ni Khrystell kinabukasan nang magising siya. Pero nang maalala niya ang buong nangyari kagabi, bigla siyang napangiti. Wala siyang kahit katiting na pagsising naramdaman. Naibigay na niya ang nag-iisang patunay na mahal niya ang lalaki at handa siyang harapin ang kamatayan para rito. Biglang bumukas ang pintuan at pumasok mula ro’n ang lalaki na siyang dahilan ng kaniyang mga ngiti sa kabila ng mga nangyari. Nakangiti ito. Ngiti na puno ng buhay at pagmamahal na nakatunghay sa kaniya ngayon. Halos malunod siya sa halik at yakap nito kagabi lalo na sa puntong kapwa nila nasambit ang pagmamahal sa isa’t isa. May katugon pala ang damdamin niya sa binata at ipapangako niyang aalagaan ang pag-ibig nito. “Good morning!” Lumapit ito sa kaniya at saka lang niya napansin

