Chapter 56

1435 Words

“She’ll be okay. Gamutin mo na ‘yan sugat mo,” sabi ng matandang Connoisseur kay Althdolfer nang pumasok ito at may dalang gamot para sa sugat niyang natamo. Nasa isang silid sila na halos puti ang buong kapaligiran maliban sa kamang hinimlayan ng dalagita. Tahimik at payapa itong nakapikit do’n. Nanumbalik na rin ang kulay nito pero hindi gaano. Walang pinainom na gamot dito ang matandang Connoisseur. Ang sabi nito, normal daw iyon na mangyayari sa dalagita. Lumalabas lang na hindi nila ito kauri at hinding-hindi magiging kakampi kung sakali. “May alam ka ba kung paano pigilan ang pagkabuhay ni Herari maliban sa patayin siya?” Ito ang naging katanungan niya nang sulyapan niya ang matanda. “Ah, pag-ibig!” natatawang saad nito. Nag-iwas siya ng tingin at muling sinulyapan si Khrystell.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD