Sabay silang napatingin sa pinanggalingan, nasira ang dingding at mula rito ay nakapasok ang ilang Demons at nilalang na galing pa yata sa ibang dimensyon. “s**t! Bakit nakapasok ang mga pangit na ‘yan dito?!” inis na pakli ni Russel at inihanda ang sarili. “Napadpad pa ang mga tipaklong na Malukk! Allergy pa naman ako sa mga tipaklong.” Mabilis naman siyang hinatak ni Althdolfer at pinatago sa likuran ng binata. “Malamang mahina ang harang na ginawa mo.” “Mahina o hindi, iisa lang ang gusto ng mga pangit at suwangit na mahahaba ang noong tipaklong na ‘yan, si Khrystell!” Napatingin siya sa mga Demons at Malukk na sinabi ni Russel. Pinagtaasan siya ng balahibo. Mas nanaisin na lang niya mamatay sa kamay ni Althdolfer keysa mapunta alin man dito at gamitin sa kasamaan. “Go to hell!” U

