“Leigh, masaya ako at nakita ka—” Natigil sa ere ang ang pagsasalita ng kaibigan niyang si Russel at napatingin kay Khrystell na may pagtataka. “Dinala mo ang anak ni—” “Hindi niya pa alam,” mabilis na putol niya at sinulyapan ang kasama na nagtago sa kaniyang likuran. Sa hide out ng kaibigan niya sila nagpunta dahil alam niyang may maitutulong ito. Agad na rumehistro ang galit sa mukha nito. “Come on Leigh! Hindi mo ba alam ang panganib na ginawa mo?!” piksi nito. Kalmadong tumango siya. “That’s why we’re here. Tulungan mo ako.” Napamura ito nang wala sa oras at agad din humingi ng tawad sa nasabing pagmumura. Hindi ito makapaniwala at tila diring-diri ito na isang kaaway ang kaniyang kasama. “Wala ka na sa tamang pag-iisip Leigh. Kung ‘di mo siya kayang patayin, ako kaya ko!” At

