Francis POV Halos mabaliw ako sa mga sandaling ito. Hindi ko alam kung saan hahanapin ang mag-ama ko. Wala rin akong ideya kung sino ang nasa likod ng pagdukot ng mag-ama ko. “ Apo, wag kang mawalan ng pag-asa mahahanap mo rin ang mag-ama mo.” Saad ni Lola Urzula sa akin. “ Sana nga, Lola dahil di ko kakayanin kapag may masamang mangyari sa mag-ama ko.” Habang lumipas ang mga araw, lalo pang nadama ni Francis ang bigat ng pagkawala ng kanyang mag-ama. Hindi siya makatulog sa gabi at halos hindi na rin makakain. Sa kabila ng lahat, patuloy siyang umaasa at hinahanap ang lahat ng posibleng paraan upang matagpuan sila. Isang umaga, habang nagpapahinga si Francis sa veranda ng kanilang bahay, dumating si Mang Berting, ang matalik na kaibigan ng kanyang ama. "Francis, may balita ako tungkol

