Prologue
Ako si Francis Arianna Torres, baynte singko anyos at nagtapos sa kursong criminology ngunit hindi ako nakapag-board exam dahil sa hirap ng buhay kaya't tinulungan ako ng kaibigan kong si Kenna. Ipinasok niya ako sa isang agency na pagmamay-ari ng half-brother ng boyfriend niya.
Nang makarating kami sa agency ay agad kaming sinalubong ng staff at binati. “ Good morning, Maam Kenna at Good morning saiyo maam.” bati sa amin ng staff at ngumiti lamang ako sa kaniya.
“ Si Agent Fernandez, nandiyan ba?” tanong ni Kenna dito.
“ Yes po, Maam. Kasalukuyan po silang nagdidikusyon sa mga bagong pasok na agent sa agency na ito at ilang minuto na rin matatapos na ang kanilang meeting, umupo muna kayong dalawa.”
Mga ilang sandali ay lumabas mula sa Conference Room si Agent Fernandez. “ Maam Kenna, anong ginagawa niyo dito?” bungad na tanong nito Kay Kenna. Bumaling ang tingin nito sa akin at ako naman ay napangiti.
“ Agent Fernandez, siya po ang tinutukoy ko saiyo, kagabi na ipapasok ko sa agency niyo.” panimula ni Kenna.
“ Sigurado kaba, Ma'am Kenna na kayang gampanan ng kaibigan mo ang pagiging bodyguard niya kay Khalev Santiago?”seryosong tanong ni Agent Fernandez kay Kenna. Lumingon si Kenna sa akin at sabay na ngumiti.
“ Oo, Agent Fernandez kayang-kaya iyan ng kaibigan ko.” taas-noong sagot ni Kenna kay Agent Fernandez.
Pumasok kami sa loob ng opisina nito at nakasunod sa kaniya ang isang pang lalaki na medyo may edad na rin ngunit strikto ang isang ito, dahil nakikita ko ito sa expresyon ng mukha niya.
“ Kung ganun, maari ka bang magpakilala sa amin, nang sa ganun ay makapagsimula na tayo?”
Tumayo ako sa aking kinauupuan. “ Ako si Francis Arianna Torres, baynte singko anyos at nagtatapos ako sa kursong criminology ngunit di ako nakapagboard exam dahil sa kahirapan.”pakilala ko sa kanila.
“Welcome sa aming agency, Miss Torres ako nga pala si Agent Fernandez at ito naman si Agent Dimalusao, ang magiging trainer mo. Siya rin ang head ng department niyo.”
Nakipagkamay ako kay Agent Dimalusao at kay Agent Fernandez. “ Nice meeting you po sa inyo. Ikinagagalak ko po kayong makilala.“
“ Kami rin, Miss Torres.”nakangiting pagsang-ayon ni Agent Fernandez sa akin.
At sinimulan na ni Agent Fernandez ang diskusyon ukol sa magiging misyon ko sa agency.
Isang puting folder ang inabot sa akin ni Agent Fernandez. Ano kaya ito?Dahan-dahan ko itong binuksan at binasa ang nilalaman nito.
“ Khalev Santiago?” medyo pamilyar sa akin 'iyong pangalang nakalagay sa folder. Saan ko ba iyon narinig.
“ Oo siya ang magiging misyon mo, Miss Torres. Ikaw ay magiging personal bodyguard niya. Saan man siya pupunta ay dapat naroon ka at siguraduhin mong ligtas ang bawat lugar na pupuntahan niya dahil nakasalalay saiyo ang buhay niya. ” sagot ni Agent Fernandez sa akin at napanganga ako. Di ko akalain na siya ang magiging misyon ko.
“ Hindi kalang, bodyguard kundi ikaw ang magiging mata namin doon. Secret Agent kumbaga upang malaman namin kung sino ang gustong pumatay sa kaniya.“ dagdag pa nito sa akin. Naks! naman! Hindi lang ako magiging bodyguard, magiging secret agent rin ako. Naol!
“ Kaya mo iyan, Fran. Ikaw pa, naniniwala ako sa iyo.”sambit pa ni Kenna sa akin. Kaya ko ba talaga ang magiging secret agent? Dalawa ang magiging trabaho ko,sigurado akong malaki-laki rin ang magiging sweldo ko.
Bumuntong-hininga muna ako dahil parang kinabahan ako sa misyon kong ito ngunit nang maalala ko ang aking pamilya ay nagkaroon ako ng lakas ng loob upang tanggapin ang trabahong ito.“ Kakayanin para sa pamilya ko na umaasa sa akin.” taas-noong sagot ko
“ Welcome sa aming agency, Agent Torres!”
“ Thank you po, Agent Fernandez.”
“Maari ka ng magsimula ng iyong training, mamaya sa training center kasama ang magiging mentor mo. Tuturuan ka niya kung paano gumamit ng armas sa ligtas na paraan at kung ano ang dapat mong iwasan at dapat mong gawin.” seryosong sambit ni Agent Fernandez sa akin. Di manlang ito ngumingiti, paninguradong hindi kami magkakasundo nito.
Hindi na nako nagsayang pa ng oras dahil ika nga nila, Time flies ngunit hindi naman ako nahirapan sa training. Lumipas ang ilang buwan ay maari na akong magsimula sa aking trabaho. “ Magkita tayo bukas sa kumpanyang i-email ko saiyo, dapat alas siyete ng umaga ay naroon kana, maliwanag?” striktong bilin sa akin ni Agent Dimalusao, tanging tango ang sagot ko sa kaniya.
“ Congratulations, Agent Torres!” bati ng mga kasamahan ko sa trabaho. Habang pauwi ako ay ibinalita ko kay Kenna na isa nakong ganap na Secret Agent s***h Bodyguard .
Kaya't inaya akong kumain ni Kenna sa labas at di naman ako tumanggi pa syempre grasya na ito, kaya grab lang ng grab. Tenext niya ang location ng restaurant at agad naman akong pumara ng taxi at nagpahatid sa restaurant. Pagdating ko sa restaurant ay siya ring pagdating ni Kenna, halos magkasabay kaming dalawa na dumating sa restaurant.
Bumeso ako kay Kenna. “ Congrats, Agent Torres!” mariing bati niya sa akin na agad ko namang tinakpan ang kaniyang bibig. Kasama sa protocol namin ang ilihim ang aking trabaho upang mapangalagaan ang kaligtasan ko at ng kaligtasan ng kliyente ko.
“ Sorry, nakalimutan ko.”
Sabay kaming pumasok sa loob ng restaurant. At agad naman akong naghanap ng bakanteng upuan. Maya-maya ay may lumapit sa aming waiter at isa-isa niya kaming binigyan ng menu. “ Umorder ka ng kahit anong gusto mong kainin, Fran.”saad ni Kenna sa akin.
Hawak-hawak ko ang book menu ng Italian Restaurant. “ Ikaw na ang bahalang umorder, Kenn.Wala akong alam diyan eh.” sambit ko pa kay Kenna dahil hindi pamilyar sa akin ang mga putahe ng restaurant na ito. “ O sige ako na nga.“
Matapos umorder ni Kenna ay agad namin itong kinain at binayaran, umalis. Pinaharurot ni Kenna ang kaniyang kotse papunta sa kung saan. “ Saan tayo pupunta Kenn?”seryosong tanong ko sa kaniya nang mapagtanto kong hindi na ito ang direksyon patungo sa bahay ni Lola Urzula.
“ Sa opening ng aming grocery store, Fran.” napaawang ang bibig ko nang marinig ito sa kaniya. Opening pala ngayon ng Grocery Store nila. Mapapasanaol nalang talaga ako ba!
Iba talaga kapag mayaman. Yayaman din ako balang araw. “ Pumili ka ng kahit anong gusto mo dun, libre ko.” talaga? Ililibre niya muli ako?
“ Di na kailangan, Kenn. Medyo malaki narin ang nagastos mo sa akin. Nakakahiya naman saiyo. “ tanggi ko sa kaniya.
“ Ano kaba, Fran. Regalo ko ito saiyo, dahil nalagpasan mo ang training ng agency at ang kasungitan ni Agent Dimalusao.” giit pa niya Kenn sa akin.
“ Kaya wag ka ng mahiya pa sa akin.” turan niya pa. O sige na nga, i-gra-grab ko na ang oportunidad na makalibre ng kunsumo.
Kaagad naman kaming nakarating sa grocery store nila Kenna. Dahan-dahan akong lumabas ng kotse. Ayun nga, tig-iisa kaming kinuhang cart at nilagyan ko ito ng mga importante tulad ng canned goods, isang 10kls na bigas, noodles, shampoo at sabon. Biscuits narin at gatas para kay Lola Urzula. Tiyak na magiging masaya ang mga kapatid ko nito lalo na si Lola Urzula. Hinatid ako ni Kenn sa amin, at di na siya pumasok pa sa loob ng aming bahay dahil may date pa sila ni Jacob.
Kinabukasan maaga akong nagising, naligo ako at inasikaso si Lola Urzula. At muli kong binilin si Lola sa conjoined twins kong kapatid na sina Mikay At Mikoy. Agad akong nagpaalam sa kanila nang maalala ko ang oras ng aming tagpuan ni Agent Dimalusao. s**t! Late na ako! Dali-dali akong pumara ng taxi at nagpahatid sa kumpanya ni Sir Khalev. Pagdating ko doon ay muntikan pa akong masubsob ang mukha ko sa semento nang makababa ako ng tricycle.
Tumakbo ako papasok sa loob ng building. Papasok na sana ako sa loob ng elevator nang maunahan ako ng isang lalaki na kapapasok palang na halos ikinatumba ko.
“ Wala manlang sorry?” pagtataray ko pa. Nakakainis kasi ang lalaking ito. Muntikan na niya akong madisgrasya tapos di manlang siya magsosorry sa akin? Mahirap ba iyon sabihin? Sorry lang naman ang gusto kong marinig mula sa kaniya. Imbes na magsorry siya sa akin ay dumukot siya ng pera sa wallet niya at sabay itong hinagis sa mukha ko. Loko 'to ah? Ang bastos masyado!
“ Sorry lang naman po ang gusto kong marinig saiyo!” halos padabog kong sambit sa lalaking nasa tabi ko. I heard him chuckled.
“ Stop talking nonsense, Miss!” ma-awtoridad niyang sabi sa akin na ikinapula ng pisngi ko sa galit. Iningles pa ako ng gago!
Di ba niya kayang sabihin ang salitang sorry? Maraming mata ang nakatingin sa akin ngunit di ko sila pinansin. Di nalang ako umimik pa baka ako pa ang maging masama eh.
Hanggang sa makalabas ako ng elevator ay wala ako sa mood. Nakakasira naman kasi ng mood ang lalaking iyon. Sana di ko na makita ang pagmumukha nun. Amp!
Ipapakilala ako ngayon ng aming head sa magiging amo ko. Ilang gabi ko na ring sinanay ang bawat linya na bibitawan ko sa harap ng magiging boss ko. Habang naglalakad ako ay tanaw ko ang aming head na si Dimalusao. Ang sama nitong makatitig sa akin. Ahitin ko ang kilay niya eh.
“ You're ten minutes late, Miss Torres!”
Napatingin naman ako sa aking relo. Sh1t! Oo nga, ten minutes late na nga pala ako. Jusmiyo! Another sermon na naman mula kay Agent Dimalusao. “ Hindi ba't sinabi ko sa iyo na dapat alas siyete ng umaga ay nadito kana? E halos mas nauna pa ako sayo ah?”panenermon niya pa sa akin.
Ibubuka ko na sana ang aking bibig nang takpan niya ito. “ Wag kang maingay nariyan na si Sir Khalev.“ napalunok naman ako at agad na nag-ayos ng tayo. Pinagwisan ako ng malamig sa mga sandaling ito.
“ Good morning po, Sir Khalev.” pormal na bati ni Agent Dimalusao. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mukha nito. Siya? Si Sir Khalev? Siya iyong lalaking bumangga sa akin kanina. Iyong walang modo!
“ Ikaw?!“ sabay pa kaming dalawa.
Pati siya ay nagulat nang makita ako. “ What are you doing here?” sarkastikong tanong niya sa akin. Jusmiyo! Iningles pa ako ng gago!
“ Siya ang magiging bodyguard mo, Sir Khalev. ” si Agent Dimalusao na ang sumagot sa kaniya. Tumaas ang kilay nito at sabay na tinignan ako mula ulo hanggang paa.
“ Magagawa mo kaya ng mabuti ang trabaho mo, Miss Torres?” tanong niya sa akin at sinuri ang bawat kabuuan ng katawan ko. At napadako ang tingin niya sa dibdib ko kaya't agad ko itong tinakpan gamit ang aking dalawang kamay. Ngumisi siya sa akin ng nakakaloko at sabay na kinagat ang ibabang labi niya. Manyak pala ang isang ito, mukhang sa kaniya ko magagamit ang armas ko ah?
Nagpaalam na rin si Agent Dimalusao sa akin. “ Wag mong kakalimutan ang bilin ko saiyo. Do your job!” tumango lamang ako sa kaniya.
Pumasok siya sa loob ng kaniyang opisina at ako naman ay nakasunod sa kanya. Agad siyang umupo sa kaniyang swivel chair at sabay na ipinatong ang dalawa niyang kamay habang ang kaniyang dalawang kamay ay nasa ulo niya.
“ Kaya mo bang ibuwis ang buhay mo para sa akin?” muling tanong niya. Ang dami niyang tanong ah. Hindi ko napaghandaan ito.
“ Introduce yourself,”ma-awtoridad niyang utos sa akin na agad ko namang sinunod. Kailangan ko ang trabahong ito.
“ Ako si Francis Ariana Torres. Ang magiging personal bodyguard niyo po, Sir.” nakayukong pakilala ko sa kanila. Sa pangalawang pagkakataon ay narinig ko siyang tumawa ng mahina. Kailangan kong taasan pa ang pasensya ko lalo na't ito ang kapalaran ko.
Ang maging isang bodyguard niya.
Hindi ko gusto ang awra niya ngunit trabaho ko ito kaya't kailangan kong magtiis sa kaniya para sa pamilya ko na umaasa sa akin.
“ Wala bang ibang bodyguard na naipadala ang agency at ikaw ang ipinadala nila dito?”
“ I felt unsafe to be with you sa lahat ng oras ng buhay ko.” dagdag pa niya.
Iniinsulto niya na ako? Porket isa akong babaeng bodyguard? May magagawa paba ako? Kailangan kong pakisamahan ang impaktong boss kong ito para sa dalawang special child kong kapatid at kay Lola Urzula na may sakit. Ako nalang ang inaasahan nila kaya fighting lang!
“ Kahit po babae ako ay magagawa ko po kayong bantayan at protektahan sa anumang oras,” taas-noong sabi ko.
“ You're just a woman,”saad niya naman sa akin. Kailangan kong kontrolin ang sarili ko sa bawat pang-iinsulto niya sa akin.
“ Babae lang po ako pero I can prove it to you na kaya ko rin na makipagsabayan sa mga lalaking bodyguard.“
“ At isa po akong ciminology graduate kaya makakaasa ka po sa serbisyong maibigay ko saiyo.“dagdag ko pa.
“ Okay, sa labas ka nalang ng pinto maghintay.“ turan niya sa akin at agad niyang kinuha sa loob ng bulsa niya ang kaniyang selpon. At ako naman ay lumabas narin ng opisina niya. Pinapatay kona siya sa isipan ko sa mga sandaling ito. Nakatayo lamang ako sa labas ng opisina niya. Magkakabarikos ako nito. Maya't-maya ay may dumating na babae. Tinignan niya ako mula hanggang paa.
Nobya kaya ito ng amo ko? O kapatid? “ May appointment po kayo, Maam?”seryosong tanong ko sa babae. Imbes na sagutin niya ako ay pinagtaasan niya lamang ako ng kilay..
“ Who are you?”
“ Nandiyan ba sa loob si Khalev? ” tanong niya pa sa akin.
“ I'm his bodyguard, Francis po.”
“ You?His bodyguard? You are just a dump woman!” ang lakas ng loob nitong insultuhin ako. Hindi porket mayaman na sila ay tratratuhin na nila ng ganun. Gusto ko lang naman na mabuhay ang pamilyang umaasa sa akin. Hindi naman kailangan na insultuhin nila ako. Wala kang magawa Francis kaya wag mo nalang patulan. Sa awra palang nito ay talagang anak-mayaman kaya wala akong kalaban-laban sa kanila. At sabay siyang pumasok sa loob ng opisina ni Sir Khalev. Maya-maya ay may narinig akong babaeng nagsisigaw kaya't medyo napasilip ako ng kaunti. Isang buntis na babae ang nakita ko habang sinusubukan siyang pigilan ng dalawang gwardiya.
“ Sir Khalev, may nagwawala pong babae at tyansa ko ay papunta siya dito.” wala akong narinig na sagot mula sa kanya..
Bilang bodyguard niya ay sinalubong ko ang buntis na babae at hinarangan ito. “ Wag na wag mo akong haharangan!” galit na sambit sa akin nito.
“Maam wag po kayong mag-eskandalo dito. “ pakiusap ko nito ngunit nagpupumilit pa rin siya.
“ Hindi mo ba ako kilala? I'm Khalev's Wife kaya't wag kang humarang sa daan ko kung ayaw mong ipasesante kita sa iyong trabaho!” may asawa na pala ang impaktong iyon? s**t! Sino pala iyong kasama niya sa loob opisina niya? Malaking gulo ito kaya't kailangang kong pigilan ang babaeng ito kung hindi baka sesantihin ako ni Sir Khalev. Jusmiyo! Unang araw ko palang sa trabaho eh!
Jusko! Paano na ito? Sumugod ang asawa ni Sir Khalev tapos kasama niya sa loob ang kaniyang opisina iyong babaeng puno ng kolorete ang mukha. Kailangan kong mawarningan ang amo ko kasi tiyak na mawawalan ako nito ng trabaho.
“ Maam wag po kayong mag-eskandalo dito.”muling pigil ko sa asawa niya ngunit ayaw nitong magpigil sa akin.
Humarang ako sa may pinto. “ Umalis na po kayo, Maam! kung ayaw niyo pong kaladkarin ka po namin palabas ng kumpanya na ito.”
Awang-awa ako sa sitwasyon ng asawa niya. Kailangan ko rin kasing tabunan si Sir khalev dahil tiyak na mawawalan ako ng trabaho.