Chapter 1

2073 Words
Chapter 1: Khalev Wife Offer Francis Arianna's POV “ Ma'am wag po kayong mag-eskandalo dito.” pigil ko sa asawa ni Sir Khaliv. Hawak-hawak niya ang kaniyang tiyan, anim na buwan na ata ang tiyan nito. Ngunit hindi ito nagpapigil sa akin kaya't I let her nalang. Galit na galit nitong kinalampag ang pintuan ng opisina ni Sir Khalev at kinakabahan naman ako sa kahihinatnan ng asawa niya. What if saktan niya ito? “ Lumabas ka diyan, Khalev harapin mo ako. Wag mong itago sa akin ang kabit mo!” “ Misis kumalma ka po muna. Baka mapano iyong batang pinagbubuntis mo.” kalmadong saad ko sa asawa ni Sir Khalev. “ Lumabas ka nga sabi, Khalev! Para makita ng lahat kung gaano ka kababoy!” dagdag pa nito habang patuloy na kinakalampag ang pintuan ng opisina ni Sir Khalev. Maya't-maya ay lumabas si Sir Khalev ngunit di niya kasama iyong mistress niya. Itinago niya ata sa loob. “ Nasaan ang kabit mo?!” sinalubong siya nito ng panghahampas sa braso ngunit sinalo naman ito ni Sir Khalev. Para tuloy akong nasa taping. “ What are you talking about, Raine? Wala akong babae!” maang-maangan pa ni Sir Khalev na ikinausok ng ilong ko sa galit. Deny to death ang gago! Kung di ko lang kailangan ang trabahong ito, ibubuking ko talaga siya sa asawa niya. “ Huling-huli kana, Khalev may ebidensya ako. Nasa phone ko ang ebidensya kaya umamin ka na!” naikuyom ni Sir Khalev ang kaniyang kamao at sabay akong sinenyasan na palabasin ang asawa niya na agad ko namang sinunod. “ Wag na wag mo akong hahawakan, baka gusto mong pati ikaw ay madamay?” galit na wika nito sa akin. Luh? Ba't niya ako idadamay? Boydguard lang ako ng walangya niyang asawa. Jusmiyo! “ Misis, kumalma ka po muna.” sinubukan kong hawakan ang braso niya ngunit umiiwas siya sa tuwing hahawakan ko ang braso niya. “ Kakalma? Paano ako kakalma?” paktay ako pa ang pagbubuntungan nito ng galit. Walangya ka talaga sir Khalev! “ Tumahimik ka, Loraine. Nakakahiya sa mga tao ang ginawa mo! Umalis ka na dito bago ka magdilim ang paningin ko saiyo!” nagtiim ang bagang ni Sir Khalev nang sabihin ito. “ Napakasama mo, Khalev. Lahat ay ibubunyi ko kay mommy't daddy ang lahat ng ginawa mo sa akin, Khalev. Nung unang nagcheat ka sa akin, pinatawad kita para sa mga anak natin pero ngayon kutang-kuta na ako saiyo, Khalev! Magkita nalang tayo sa korte!” huling litanya nito at ang samang makatingin ni Sir Khalev sa akin tiyak na sesermunan na naman niya ako o di kaya lait-laitin dahil di ko nagawang pigilan ang asawa niya. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang sampalin si Sir Khalev ng asawa niya. Napakalakas na halos ikabingi ni Sir Khalev. Buti nga sa kaniya! Cheater kasi siya! “ Para iyan sa pangloloko mo sa akin ng ilang beses!” muli siyang sinampal nito sa kabilang pisngi. Ang sakit nun! Savage! “ At iyan ay para sa magiging anak natin! Isinusumpa kita, Khalev! Tandaan mo iyan!”dinuro-duro pa siya nito habang ang mga luha ay patuloy sa pagtulo. Napakamalas niya at kay Sir Khalev pa siya napunta. Pag sa akin ito nangyari na, baka nakapatay na ako ngayon. Umalis itong umiiyak at inalalayan ko naman ito palabas ng building. Humingi rin ako ng pasensya sa asawa ni Sir Khalev. “ Sorry po, Maam kung wala akong nagawa para saiyo. Ayoko kasing mawalan ng trabaho, ako lang kasi ang inaasahan ng mga kapatid ko at ng Lola kong may sakit.” sa pagkakataong ito ay hinawakan ko ang kamay niya. “ Kung ganun ay may ipapagawa ako saiyo sa halagang dalampu't milyong piso.” usal niya na ikinalaki ng mga mata ko sa gulat. Twenty- million? s**t!! Ang laking pera 'nun pwede na akong magtayo ng negosyo at umalis sa pagiging bodyguard ko sa walangyang Khalev na iyon. “ Paibigin mo si Khalev at pagkatapos ay saktan mo siya tulad ng ginawa niya sa amin ng anak ko. Sa halagang twenty million, pwede kanang makapagsimula ng negosyo niyan! Kung tatanggapin mo ang offer ko sa iyo.” di ko inasahan ang sinambit nito sa akin. Seryoso ba siya? Gusto niyang paibigin ko ang asawa niya? So? Magiging kabit rin pala ako ng asawa niya. Nagdadalawang-isip ako sa mga oras na ito , una sa lahat ayokong makasira ng relasyon at pangalawa ayokong maging parte ng buhay ni walangyang khalev na iyon. Pangatlo ayokong maging kabit ng asawa niya baka masira pa ang reputasyon ko at di na ako makapag-board exam pa. Jusmiyo! Ngunit kailangan ko rin ng pera para maipagamot ko si Lola Urzula sa sakit niya. “ Pag-isipan mo ng mabuti, hija. Malaking tulong narin sa pamilya mo ang inoffer kong pera. At kapag handa kana, tawagan mo nalang ako. Ito ang calling card ko.” tinanggap ko naman ito, muli niyang pinunasan ang luha sa pisngi niya at pilit na ngumiti sa akin. Dali-dali kong isinilid sa loob ng bulsa ko ang calling card na inabot niya sa akin. At agad itong sumakay sa kaniyang kotse at pinaharurot ito. Napabuntong-hininga naman ako bago bumalik sa loob. “ What took you so long?” nagtiim-bagang nitong tanong sa akin. Pagtri-tripan na naman ako nito, panigurado. Hindi niya pwedeng malaman na in-offeran ako ng kaniyang asawa ng twenty-million para paibigin at saktan siya. “ Nagc-cr pa po kasi ako, Sir Khalev.” pagdadahilan ko pa sa kaniya. “ Why did you allow her step in my office. You should have stopped her. Do you know the impact of the scandal she caused here? She tarnished my reputation. And you know that as my bodyguard.” Nah! Ako pa ang sinisi ng magaling kong amo sa eskandalo ng kaniyang asawa. Hampasin ko siya ng flower vase sa ulo niya at memory loss talaga siya! Kalma lang, Francis taasan mo pa ang pasensya mo! Nah. Hindi ko trabaho iyon 'no.Bwesit siya. Kanina pa namumula ang pisngi ko sa galit sa kaniya. “ Ayokong maulit pa 'yon. Understood?” nah. Di ko naman kontrolado ang isipan ng asawa niya. Wag nalang kaya siyang magcheat? Maganda naman iyong asawa niya eh, mas maganda pa nga kabit niyang make- up ang nagdala. “ Noted po, Sir Khalev.” “ At kayo? Anong tingin-tingin niyo? Magsibalikan kayo sa trabaho kung ayaw niyong sesantihin ko kayo!” singhal niya sa mga trabahanteng nakikiusyoso. Agad naman ang mga ito na nagsibalikan sa kani-kanilang trabaho. “ At ikaw? Bilhan mo kami ng pagkain. Bilisan mo!” utos niya naman sa akin. Di na ako nagreklamo pa, agad akong lumabas ng building ngunit natigilan ako sa paglalakad nang napagtanto kong di nabanggit nito kung anong klaseng pagkain ang ipapabili niya sa akin. Kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan nito. Kaagad naman itong bumukas. “ Oh? Ba't ka bumalik?” taas kilay niyang tanong sa akin. “ Ano po iyong bibilhin ko?” “ Di ko ba nabanggit?”sarkastikong tanong niya. Babalik kaya ako dito kung binanggit niya? Loko! “ Obviously, Sir Khalev.” sarkastiko ko namang sagot sa kaniya. Lumukot naman ang mukha nito. At naikuyom pa niya ang kamao niya. Susuntukin niya ba ako? Subukan mo, Khalev ibabaon ko talaga sa mukha mo ang kamao kong ito. Di mo ata natanong, criminology graduate ata ito. Bahala na kung matanggal ako sa trabaho may maganda namang inoffer iyong asawa niya sa akin. “ Dalawang cappucino, chicken, spaghetti at fries.”dere-deretsong saad niya sa akin. Inilapag ko iyong kamay ko. Syempr, di ko mabibili ang mga iyon kung walang pera. Tinitigan niya lamang ang palad ko at pinagtaasan ko naman siya ng kilay. “ What do you want?” “ Money,” Napapailing siya at agad na dumukot sa kaniyang wallet ng dalawang daang piso. At inabot ito sa akin. “ Ibalik mo iyong sukli,“ habol niya pa sa akin. Kuripot! Itinaas ko lamang ang isa kong kamay. Nang makalabas ako ng building ay agad kong binili ang mga ito sa restaurant sa tapat ng building. “ Salamat po, Maam,” sambit ko sa ginang nang iabot niya sa akin ang isang tray na may lamang pagkain. “ Dalawang cappucino rin po ” habol ko pa at agad namang hinanda ito ng ginang. Ilang sandali pa ay inabot niya rin sa akin ito. “Magkano po lahat?”tanong ko pa “ 1250,” sagot naman ng ginang sa akin. Inabot ko sa kanya ang dalawang libo at sinuklian niya naman ito. Ang mamahal ng mga pagkain nila unlike sa aming mga mahihirap solve na kami sa isang daang piso, busog na kami niyan. Sabagay, afford naman nila ang ganitong klaseng pagkain. Australiano ata ang nagmamay-ari ng restaurant na ito. Nang makalabas ako ng elevator ay agad akong kumatok ng tatlong beses sa pintuan ng opisina ni Sir Khalev. Ilang sandali pa bago niya ako pinagbuksan. Hindi pa sila tapos ng kabit niya. Pinagpawisan pa ito. “ Iyan napo lahat, Sir. May iuutos ka paba sa akin?” saad ko nang maiabot ko sa kaniyang ang isang tray na may lamang pagkain na pinabili niya sa akin. Huling inabot ko sa kaniya ay iyong dalawang cappucino na nakalagay sa mamahaling plastik. Pati plastik ay imported. “ Wala na, kumain kana rin at bumalik ka bago mag-one o'clock.” sagot niya sa akin. Medyo nanakit narin kasi ang paa ko at iyong hita ko sumasakit na rin sa kakatayo. Daig ko pa iyong bantay ni Dr. Jose Rizal sa Luneta eh. “ Iyong sukli.” napalingon naman ako nang maalala niya ang sukli sa 2k niya. Kuripot talaga. Binigay nalang sana niya sa akin para naman makakain ako ng masarap. Agad ko itong inabot sa kaniya at nilisan ang opisina niya. Kinuha ko sa loob ng aking coat ang tinapay na ipinambaon sa akin ni Lola Urzula. At kinain ko ito. At muling sumagi sa isipan ko iyong offer ng asawa ni Sir Khalev kaya't agad kong kinapa sa loob ng aking bulsa ang calling card nito. Agad ko itong itinago nang biglang may nagsalita sa likod ko. Pamilyar sa akin ang boses nito, at iyon ay ang childhood bestfriend kong si Kenna. Umupo siya sa tabi ko. “ Tinapay lang iyong lunch mo? Di kaba nilibre ni Khalev?” tanong niya at umiling-iling naman ako sa kaniya. “Sumama ka nalang sa akin, libre ko.”aya niya sa akin kaya't sumilay ang ngiti sa labi ko. Inubos ko muna iyong tinapay na ipinambaon sa akin ni Lola Urzula bago tumayo.“ Sige, tara libre mo ah? Sabi mo iyan.” nakangiting asik ko sa kanya. Dumiretso kaming dalawa sa restaurant na malapit sa building nila Khalev. Marahan kong itinulak iyong pinto. At agad na naghanap ng bakanteng upuan. “ Anong gusto mong kainin?” tanong ni Kenna sa akin nang makaupo ako sa bakanteng upuan. “ Kahit ano nalang.” wala kasi akong alam sa mga putahe ng ibang lahi kaya ipapaubaya ko nalang ito kay Kenna. Eksperto naman siya eh. “ Waiter!” tawag niya kaya't agad na may lumapit sa gawi namin. Isang waiter na medyo mas matanda sa akin ng ilang taon. “ Beef Willington,pork pie, chicken tikka malasa at dalawang pineapple drinks.” “ Noted po, maam.” agad itong umalis at maya-maya ay bumalik ito na may dalang isang tray. Kaniya itong inilapag sa ibabaw ng lamesa. “ Enjoy your meal, Ma'am.” Nakakatakam nga ang mga inorder ni Kenna. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako makakatikim ng ganitong klaseng putahe. British Restaurant kasi itong pinasukan namin. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa agad ko itong nilantakan. Libre ito kaya't lubos-lubusin ko na. Sa kalagitnaan ay biglang nagring ang phone ko at nung tignan ko ito si Sir Khalev ang tumawag. Agad na umiba ang timpla ng mukha ko na napansin naman ni Kenna. “ What's wrong?” seryosong tanong ni Kenna nang mapansin niya ang hitsura ko. “ Si Sir Khalev tumawag.” “ Kumain ka muna at saka wala pa namang 1 o'clock eh.” Ngunit kabilin-bilinan ni Sir Khalev na dapat before mag-one o'clock ay nkabalik na ako. “ Kailangan ko na talagang umalis, salamat sa pagkain,” mariing saad ko at sabay na tumayo. “ Wait, take out mo narin itong natira natin, sayang din kasi. Marami pa ito.” agad na pinabalot ni Kenna ang natira naming pagkain na inorder niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD